I let out a sigh ng maisara ko ang pintuan ng bahay namin. Kakabalik lang namin galing Boracay at pagod na pagod ako. Parang ngayon ko naramdaman lahat ng pagod galing sa trip namin doon. Gusto ko lang matulog mag-hapon.
"Hi anak!"
Napapitlag ako ng marinig ko ang boses nila mommy. Kumunot tuloy ang noo ko.
"Akala ko po bukas pa ang dating nyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"We rebooked our flight, buti may natira pa. We wanted to prepare for New Year." Sinalubong ako ni mommy at niyakap ako ng mahigpit.
"I missed you so much, anak! Gumaganda ka ata lalo?"
"Asuuus, mommy! Nambola pa!"
"Syempre, maganda talaga ang baby girl ko!" Sabi nito at niyakap ako ulit.
"Anak, nasa taas lahat ng pasalubong ko sa'yo. Binili ko lahat ng high-end na bag na gusto mo sa America."
"Nye. Thank you, mommy! Pero hindi ko naman po magagamit lahat yun."
"Oh, hush, sweetheart. It's nothing." Sagot niya sa'kin.
"Anong oras po kayo dumating? Nasaan si daddy?"
Humarap sa akin si mommy at ngumisi ng mapangasar. "Kamusta na kayo ni Bryce?" Sabi nito with matching taas-baba pa ng mga kilay.
"Ma!" Sita ko sa kanya.
"Joke lang! Ikaw talagang bata ka." Sabi nito sabay tumawa.
Nalaman ko na kaninang madaling-araw sila dumating. Hindi na daw siya nakatawag pagdating nila dito dahil pagod sila sa byahe. Sayang at tanghali ang flight namin kanina kaya papagabi na rin ako nakauwi sa bahay. Dito na rin muna ako dumiretso dahil may gagawin pa raw ang The Kaisers bago sila magkanya-kanya sa New Year's Eve hanggang sa pasukan na sila hindi magkikita-kita muna. Well, yung iba, pero sila Tanner at Etienne, I bet mapapadalas ang pagkikita nila nina Bryce.
-
Third Person's POV
"Oy, pare!"
"Ano ba, Dustin?!" Inis na sabi ni Cricket at padabog na binaba yung lata ng softdrinks sa center table. "Bakit ka ba nandito?"
"Wow, ang sakit mo talaga mag-salita! Ganyan ka ba sa isang nagmamalasakit na kaibigan?" Madramang tugon ni Dustin.
"Psh." Binato ni Cricket si Dustin ng isang pirasong popcorn. "Pinalayas ka na naman sa inyo no?"
"Pinapunta ako ni Bryce dito." Sabi ni Dustin sabay dakot ng popcorn mula sa bowl.
"Bakit daw?"
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
AcciónThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013