Bryce's POV
"Bryce, will you stop pacing back and forth? Nahihilo ako sa'yo."
Tiningnan ko si Tanner Cedric na nakahawak sa sentido niya habang hinihimas ito. Kanina pa rin mainit ang ulo ng ugok na 'to eh. Huminga ako ng malalim at binunot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko.
Kanina pa hindi nagtetext si Cheska sa'kin. That's weird, madalas makulit ang isang yun.
I glanced over my wristwatch. Pasado alas-nuwebe na ng gabi.
"No news from your princess yet?" Tanong ni Cricket.
"No---"
Nagulat kami ng biglang magring ang telepono sa second house nina Stephen.
"Hello?" Sagot ni Stephen sa telepono.
Why am I getting a bad feeling about this?
"THE FUCK!" Sigaw ni Stephen at tumingin sa'kin kaya lumapit ako.
Inabot ni Stephen sa akin ang telepono. "Who's this?"
Mataman ang tingin na ibingay sa akin ni Stephen bago sumagot, "Jun San Ruiz."
Nanlaki ang mga mata ko.
"San Ruiz." Bati ko sa kanya.
"Hello, Bryce? Bryce Fuentebella?"
"Ako nga. Anong kailangan mo?"
"Makinig ka, Bryce Fuentebella." Walang pakundangan na sagot nito. "Hawak namin ang prinsesa mo...."
"DON'T KID WITH ME!" Malakas na sagot ko sa kanya.
"Ayaw mong maniwala? Hahaha! Teka..."
"B-Bryce... Wag kang maniwala sa kanya..."
"CHESKA! WHERE ARE YOU?!" My voice is already full of panic at pinipigil ko nalang din ang galit ko.
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013