Chapter Twelve

2.6K 56 2
                                    

Cheska's POV

I woke up in the middle of the night not knowing why. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Paglabas ko, nagulat ako ng makita ko si Bryce na nakatayo sa may kabilang dulo ng silid.

"Bryce..."

Dahan-dahan na lumingon sa akin yung figure na nakatayo sa may dulo ng silid.

Nabigla ako ng makita ko na may sugat siya sa kaliwang pisngi at namamaga ng bahagya ang labi niya.

"Anong nangyari sa'yo?" Nabibiglang tanong ko. Kahit naman kasi naiinis ako sa lalaking 'to, hindi na rin naman biro ang na umuuwi siya na palaging may problema ang mukha niya.

He just shrugged.

Wow. For the first time, hindi siya makulit.

Tumalikod na ako ulit at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig at uminom.

Nakakapagtaka.

Umalis ba siya kanina?

Pagkatapos kasi ng sagutan namin, nakatulog na rin ako agad-agad. Hindi ko namalayan na nawala siya. Inilagay ko nalang sa kitchen sink ang baso at bumalik na ulit sa sala. Wala na rin si Bryce. Pumasok na marahil sa kwarto niya.

Napahugot ako ng hininga. Minsan talaga, may pagkaweirdo ang lalaking yun.

-

Kinabusakan, naisipan kong umuwi muna sa bahay namin para bisitahin ang bahay. Si Kuya Tasyo lang kasi ang naiwan doon pero umuuwi din siya sa hapon sa pamilya niya.

Ang weird lang din.

Pagkagising ko, hindi ko maipaliwanag pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may mali, yung tipong parang may hindi magandang mangyayari.

Pagbaba ko sa lobby ng condo building, inabutan ako ni Kuya Guard ng isang kapirasong papel.

"Ano 'to, kuya?" Tanong ko.

"Ah, pinapabigay po ni Mr. Fuentebella." Sagot ni Kuya Guard sa akin.

Inilagay ko muna sa bulsa ng pantalon ko yung papel bago ako lumabas ng lobby at dumiretso sa parking lot.

Nasa may Katipunan na ako ng mapansin ko yung pulang kotse na heavily tinted. Kanina pa yun nasa likod ko ah. Nung mag-go ang stop light, nag u-turn ako. Tiningnan ko kung susunod pa rin sa'kin. 

Sumunod.

Lumiko ako papuntang East Avenue, at lumiko din siya.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon