"Pare, patulog na ako oh. Maawa ka naman. Nasa bahay na naman kasi si Harren. Alam mo naman na iniiwasan ko yun eh."
"Hindi nga pwede, Stephen."
"Ngayong gabi lang, boss. Parang hindi tayo brad ah."
"Ano, kasi, Stephen---"
"BAKA NATUTULOG AKO DIBA?!"
Inis na inis akong lumabas sa kwarto dahil sa dalawang bwisit na lalaking nagtatalo sa tapat mismo ng pintuan ng kwarto ko.
"C-C-Cheska?!" Nanlalaki ang mga mata na sambit ni Stephen.
Napaangat ang kilay ko.
"Sinabi ko na kasi sa'yong umuwi ka nalang sa bahay niyo eh." Inis na singit ni Bryce habang naglakad papunta sa pintuan at binuksan iyon. "Umuwi ka na muna, Stephen" Dagdag niya.
Parang robot naman na pumihit sa direksyon ng pintuan si Stephen at parang tuod na lumabas sa pintuan.
"Bakit mo pinauwi? Makikitulog dito diba?"
"I don't want those guys near you."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What?" Dagdag na tanong ko sa kanya.
"Nothing." Paiwas na sagot nito bago ibinaling ang tingin sa direksyon ng wall clock na nakasabit sa may kaliwang dingding ng condo unit niya. "Oh, it's already past 8pm? Dinner?"
Umiling ako.
Pero sa kasamaang palad...
Mukhang hindi nakikisama ang sikmura ko at bigla nalang itong nag-alarm.
Tumawa ng malakas si Bryce.
"Ayaw mo nga talagang kumain." Tumatawang sabi nito bago tumalikod at naglakad palabas ng condo unit niya.
Leche.
-
"Anong tinatawa-tawa mo jan?!" Singhal ko kay Bryce na nakangisi sa'kin.
Umiling ito. "Hindi ko inakala ka ganyan ka kalakas kumain."
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Pake mo. Nagugutom ako."
"Chill. Natutuwa nga ako ang ganda ng appetite mo, hindi tulad ng ibang babae na ang picky pagdating sa pagkain."
I just shrugged and continued eating nang may biglang mag-doorbell.
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013