Chapter Thirty

1.9K 35 1
                                    

"But what happened?"



"Actually, me, Bryce, and Darren used to be so close. Syempre, iisa kami ng course, iisa ng block. Nag-click agad kaming tatlo. Darren was a good guy, not until...."



Sinimulan i-kwento sa akin ni Tanner Cedric ang mga nangyari four years ago, kung bakit sila nagkasira nina Darren...



*TANNER'S POV*



- Four Years Ago -



"Bryce! Bryce! Narinig mo ba na magrerecruit ang The Kaisers ngayon?"



Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Bryce at tiningnan ang bagong dating na si Darren. Pawis na pawis ito at mukhang kagagaling lang sa physical education class nya.



"Pre, sabi ko naman sa'yo, maligo ka!" Birong sabi ko.



"Ulul!" Tugon nito sabay tawa.



Sinarado ni Bryce ang librong binabasa niya at hinubad ang suot na salamin. "Kailan daw?"



Umpisa palang ng pasukan ngayong unang taon namin sa kolehiyo ay interesado na si Bryce sa pagsali sa fraternity na The Kaisers. Bukod sa alumni dito ang kuya niya, highschool palang kami ay engrossed na engrossed na siya sa pagsali dito.



Bestfriend ko si Bryce, pati ang mga pamilya namin ay magkakaibigan. High school palang kami ay close na kami ng gagong 'to. Alam na alam ko rin na iba ang tama niya sa kababata niyang si Cheska Perez, na ang gusto ay ang nakakatanda niyang kapatid na si Marcus.



"Sa susunod na linggo. Ano, tutuloy ba tayo?"



"That's what I have been waiting for." Simpleng sagot ni Bryce.



Nakilala namin si Darren Artillero dito sa university, pareho kaming tatlo ng block. Unang araw palang ay masasabi ko nang nag "click" agad ang personality naming tatlo.



Dumating ang araw ng initiation at recruitment ng The Kaisers. Wala talaga sa plano ko ang pagsali sa ganito. Binalak kong maglaylow sa mga kalokohan dahil bad shot ako sa erpats ko.



Highschool palang kasi, barumbado na ko.



Syempre, gusto ko rin naman magpagoodshot. Lalo na sa mga panahon na 'to. May kasunduan kasi kami ng mga magulang ko na kapag nagloko pa ako ngayon sa kolehiyo, ipapatapon nila ako sa America. Hindi naman sa ayoko doon, pero iba ang buhay dito. Dahil nandito ang mga kaibigan ko.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon