Chapter Nine

2.9K 58 2
                                    

Ginamit ko ang bangs ko para takpan ang aking mukha habang naglalakad ako papasok sa ID building. Paano ba naman kasi, itong Bryce na 'to, biglang sumulpot kaninang umaga sa bahay at sabi niya, flat daw yung gulong ng sasakyan ko. Dahil nga dun, napaangat ang kilay ko. Nauna pa niyang nalaman sa'kin na flat yung gulong ng sasakyan ko? Wow ha.

"Where's your classroom?"

Nagulat ako ng biglang magsalita si Bryce. Kanina pa kasi kami walang kibuang dalawa, sa sasakyan palang.

"B190." Tipid na sabi ko.

Nang makarating kami sa classroom, nagpupumilit pa siyang papasok daw at ilalagay ang sangkaterbang drawing materials ko sa table ko pero tumanggi na ako. Kaya ko naman din kasi. Besides, I hate it when people assume that SOMETHING IS UP.

"Are you sure?" Paninigurado pa ni Bryce.

I nodded.

Endlessly.

Of course, I was just kidding. Who would nod endlessly? >_>

"Yeah, thank you." Mahinang sabi ko. Kahit na alangan ako, syempre, nagpasalamat pa rin ako. Kahit rin naman na medyo ilag ako dito kay Bryce, marunong din naman akong mahiya.

"Ano kamo?"

"Thank you." Ulit ko.

"What?"

"I said, thank you." Medyo naiinis na ako, paano kasi, alam kong nang-aasar lang ang isang 'to.

"Ano ulit?"

Marahas ko na siyang nilingon this time. "Ay, leche! Ewan ko sa'yo. Napakaimposible mo talaga, devil Bryce." Inis na inis na sabi ko sa kanya bago ko inagaw mula sa pagkakahawak niya yung mga drawing materials ko at pumasok sa loob.

"I'll see you later!" Narinig ko pang sabi niya bago tuluyang sumara sa likod ko ang pintuan ng classroom.

When I settled down on my seat, noon ko lang narealize na nakatingin sa akin lahat ng babae sa block ko... Isama mo na rin ang mga lalaki. Ewan ko ba, bakit pati lalaki, napapatingin sa Bryce na yun. Tss.

"What?" I said to them. Mukha namang natauhan silang lahat at binalik ang atensyon sa kani-kanilang ginagawa.

My first period is about drawing and making plates. And mind you, guys, this period lasts until 12 noon. So imagine, drawing and making plates for five hours. Hay, nakakaloka. Minsan, mababaliw ka na sa kakaisip ng magandang idea sa design ng mga bahay-bahay, especially ng interiors nito. Ayaw kasi ng mga professors ng redundant at may iba naman na sobrang arte kahit na sa smallest details, napapansin nila.

Since yun lang naman ang class ko for that date, I decided na uuwi nalang ako kaagad. Then I remembered na wala akong kotse. K-A-A-S-A-R!

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon