Naalimpungatan ako dahil sa komosyon na nangyayari sa paligid ko. Puting kisame ang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata ko. Masakit na balikat at kamay rin ang naramdaman ko. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko dahil nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa fluorescent light.
"Hey, ang iingay niyo, nagising tuloy si Cheska!" Narinig kong bulalas ni Cricket.
"How are you feeling, Cheska?" Tanong ni Warren ng makalapit silang lahat sa'kin.
Yes, silang lahat.
Iginiala ko ang paningin ko paikot sa kanila. Bakit parang may kulang? Binilang ko sila. Labindalawa... Nasaan si Bryce?
"Cheska, uminom ka muna."
Inalalayan ako ni Ryuu paupo ng konti sa kama bago inabot sa akin ang baso ng tubig. Paglapat ng baso sa labi ko, nun ko lang naramdaman na sobrang tuyong-tuyo ng lalamunan ko. Parang isang buwan akong hindi uminom ng tubig.
"Ano bang nagyari?" Mahina kong tanong sa kanila dahil hindi pa rin ako makasalita ng maayos.
"Well... You've been asleep for two days now, Cheska." Tugon ni Xandro.
"Ako nalang ang magpapaliwanag sa kanya, mga brad. Iwan niyo muna kami." Tanner Cedric said.
Sumunod naman ang mga lalaki at lumabas ng kwarto ko. Habang si Tanner Cedric naman ay kumuha ng wooden stool na nasa sulok ng kwarto at naupo sa bedside.
"Nung araw na palabas kayo ng bahay niyo... May van na dumaan, napansin agad ni Bryce yun kaya ka niya tinulak at siya ang... Nabaril. Unfortunately." Malungkot at dahan-dahan na sabi nito sa akin.
Halos hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko ma-process yung sinabi niya.
Si Bryce?
Nabaril?
"And about you, may fracture ka sa may balikat, pero mabilis naman daw mag-heal yun. We contacted your parents na rin, unfortunately, hindi rin sila makakauwi agad, kaya si Kuya Marcus na ang bahala sa inyo."
"Makakalabas na ba ako?" Tanong ko kay Tanner Cedric.
"Two more days ay good to go ka na raw sabi ng doktor."
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
AksiThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013