Chapter Twenty-Two

2.3K 52 2
                                    

Kanina pa ako hindi makatulog. Siguro sa sobrang pagod ko, tumaas ang hormones ko kaya hindi rin ako makatulog. Parang adrenalin rush.

Tumayo ako sa kama at dumiretso sa may balcony, it's already 4 o' clock in the morning, sinalubong namin ang Christmas kanina, and Bryce gave me the Arctic Monkeys album I've been wanting since foever. 

Iginala ko ang paningin ko around the place, may mga naglalakad-lakad na ring ibang tao pero tahimik pa sa paligid. And then someone familiar caught my eye. Nakita ko si Tanner Cedric na nakaupo sa isa sa mga lounge chair sa poolside ng hotel namin. Poolside din kasi yung rooms na kinuha ng The Kaisers. 

Sinuot ko ang knitted cardigan ko at lumabas.

"Uy.."

Nag-angat ng tingin si Tanner Cedric, medyo nagulat pa siya pero ngumiti rin nang makabawi sa pagkabigla. Sus. Grabe naman mabigla 'to. Parang nakakita ng multo.

"Bakit ang aga mong nagising?" Tanong niya habang nilalaro yung maliit na pebble sa sahig.

"Correction, Tanner Cedric," sabi ko at naupo sa kabilang lounge chair. "Hindi pa ko natutulog."

"That explains it." Sabi nito sabay smirk. "You look like a panda. God, get some sleep, Cheska." Dagdag nito at tumawa.

"Sa sobrang dami kong adrenalin kanina sa salubong, hanggang ngayon, meron pa ata kaya hindi ako makatulog. So, Tanner Cedric, tell me about this girl."

"Huh?"

"The girl you've been in love with! Ang dense mo!" Tinapik kong siyang bahagya sa may balikat. "Sungit-sungit kasi these past few days eh!"

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at pisilin ang magkabilang pisngi ko. "You're so pushy!" Nakatawang sabi nito at tumikhim. "Bakit ba gusto mo malaman? It wouldn't change anything if you know, hindi pa rin niya ako mapapansin."

Sinimangutan ko siya. "Ang pessimistic mo!"

"What? It's true!"

"Kahit na! Malay mo ma-i-lakad kita sa kanya! Close pa naman ata kami."

"Hahaha, well, yeah. You're really close to the girl I like."

"Sino nga?"

"It's a secret! Baka ilaglag mo ako, humahanap pa ako ng tiyempo."

"Nako, Tanner Cedric, mauunahan ka niyan sa sobrang kupad mo."

"Naunahan na nga ako." Biglang seryoso ang tono nito, pero biglang tumawa. "Matulog ka na nga! Halika na, ihahatid na kita sa kwarto mo." Yun lang at tumayo na ito bago naunang maglakad papasok ng hotel lobby.

-

Third Person's POV

Isang kumikinang na bagay ang kumuha sa atensyon ni Tanner Cedric, napahinga siya ng malalim, muntik na siyang mapaamin ng hindi oras kay Cheska, medyo pushy talaga yun minsan sa pagpapaamin sa mga tao eh. Pinulot niya yung nalaglag na parang bracelet sa sahig.

It's Cheska's.

Tinago nalang niya yun sa bulsa niya at tumungo na rin sa kwarto nila nina Cricket at Austin, silang tatlo ang magkakasama sa kwarto.

"Bro, ang aga mo naman nagising." 

Napapitlag siya ng biglang magsalita si Austin sa likod niya.

"Dude, close the doors, will you?"

He flashed a disgusted look. Siguro hindi pa gising na gising ang isang yun, he's doing his call of the environment thing nang hindi nagsasara ng pinto.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon