Chapter Twenty-Five

2.3K 48 2
                                    

"Will you be okay here?"

I nodded at him. "Alam mo kung nagtatally ako, for the twentieth time mo na sigurong sinabi yan." Pang-aasar ko kay Bryce.

Sinimangutan naman niya ako.

Yes, we're back in school and yes, kami na. Hanggang ngayon, naninibago pa rin ako. Imagine, the boy I used to hate, suddenly, boyfriend ko na? Wow! Hahaha! Ano kayang gayuma ang pinainom sa akin nitong isang 'to no? Actually, pati family namin gulat na gulat din eh.

Kung tatanungin niyo naman about Marcus, ang balita ko, nasa Paris daw.

Alam niyo naman yun, brokenhearted. Kaya siguro nandun, nagpapalamig. At si Margaux, nasa States pa rin. Wala na nga atang balak umuwi pa ang isang yun eh.

"I'll see you later."

"Huh? Akala ko ba may meeting kayo with the Students' Discipline heads?"

Napatampal ni Bryce ang noo niya. "Oo nga pala."

"Okay lang, pwede naman akong magpasundo."

"Are you sure?"

Tumango ulit ako.

"Really?"

Natawa na talaga ako dahil sobrang protective niya.

"Yes! Hahaha! Matagal naman na akong nagpapasundo ha, and look, I'm perfectly fine up until now!"

"But the situation's different now. I mean, alam mo naman na..."

"I'm gonna be fine, okay? And I might drop by the Students' Affiairs building, bakit hindi nalang tayo magsabay pauwi? Alam mo na, moral support." Sabi ko sa kanya sabay kindat.

"You know what?"

"What?"

"That might be a good idea." Nakangiting sabi nito.

"Yeah, yeah. Kailangan mo nang umalis kasi darating na yung professor ko, at malelate ka na rin."

"Alright, see you later!"

-

"Cheska!"

"Yup?" Nilingon ko si Aina habang nag-aayos ako ng gamit. Dismissal na kasi, ang bilis lumipas ng araw kapag pre-occupied ka sa mga nangyayari eh.

"Ang daming tao dun sa students' affairs building. May mga balita na may hearing daw ngayon tungkol dun sa issue ng pagkasira ng organization room ng The Kaisers."

I nodded. "Oo eh. Nandun nga sila ngayon."

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon