Chapter Fifteen

2.5K 53 1
                                        

"Buti at umuwi na kayo, Ms. Perez."

Napatigil ako sa paglalakad ng salubungin ako ng guard sa condo lobby ni Bryce.

"Bakit po?"

"Ma'am, kasi ho magtatatlong araw nang hindi nagagawi o umuuwi si Sir Bryce dito." Paliwanag nito.

I nodded at nagpasalamat ako sa kanya.

Habang nasa elevator ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mag-isip kung bakit hindi umuuwi sa unit niya si Bryce... O baka naman sa bahay nila umuuwi?

Tama.

Baka nga sa bahay nila umuuwi.

Pero, come to think of it, magtatatlong araw ko na rin siyang hindi nakikita sa university at mag-iisang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Hindi ko na rin naman kasi napansin because I rarely check my phone.

Pagpasok ko sa loob ng unit ni Bryce. Gulat na gulat ako ng makitang nagkalat ang mga basag na piraso ng vase na dating nakalagay sa may sulok ng living room pati yung kwarto ni Bryce, bukas at makalat.

Napasimangot ako.

Hindi man lang naglinis ang isang yun bago nag MIA.

-____-

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tumawag sa bahay nila.

"Hello? Manang!"

[Oh, Francheska, hija.]

"Manang, nandiyan ba si Bryce?"

[Si Bryce ba kamo? Aba, eh magdadalawang linggo nang hindi umuuwi dito ang batang yun.]

Napakunot ang noo ko.

Eh nasaan yun?

"Ganun po ba. Sige po, si Marcus nalang ang tatanungin ko. Salamat, manang!"

[Walang anuman... Ah, Francheska?]

"Po?"

[Nasabi na ba sa'yo?]

"Ang alin po?"

[Isang buwan pa mawawala ang mga magulang mo kasama ang mag-asawang Fuentebella.]

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. So I'm still stuck here whether I like it or I like it? Jeez. Ano bang nagawa ko at ganito ang nangyayari sa akin?

-

"Cheska! No school?"

Naiinis ako dito kay Marcus. Kung tratuhin ako para akong elementary school kid. Hindi ba niya naiintindihan na I'm already mature enough to get into his circle?

Umiling ako. "Have you seen Bryce the past few days?" 

"No... Hindi ba siya umuuwi sa unit niya?"

"Hindi raw. Almost three days na. Sorry, I stayed in a hotel during those days kasi nagkaroon kami ng misunderstanding."

Marcus nodded. "Nasaan na naman kaya ang kapatid kong yun?" Nilagay niya sa ilalim ng baba nya ang kanyang index finger, tila nag-iisip. "Hmm... Have you tried calling his friends?"

Umiling ako. "Not yet---"

"Babe!"

Para akong pinako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yun.

"Oh, maaga ka ata." Sabi ni Marcus at sinalubong ng halik sa pisngi ang girlfriend niya.

"My dad let me off early." Nakangiting sabi nito. "Hi, Cheska!"

I nodded towards her and smiled. Kahit anong pilit ko, ayaw ng boses kong lumabas eh.

"Anong meron?" Usisa ng girlfriend ni Marcus.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon