"KUMAIN KA NGA MAG-ISA MO!"
"Nag-aaway na naman kayong dalawa?!" Bungad ni Warren sa'min habang nandito kami sa safe house whatchamacallit ng The Kaisers. Actually, bahay 'to ni Gale, I mean, may bahay sa likod ng bahay ni Gale na walang gumagamit kaya pinaconvert nalang nila para maging entertainment something ng pamilya nila. Pero, dominated na ito ng The Kaisers.
"Ang sakit-sakit ng braso ko, Cheska, tapos minamaltrato mo ko." Pag-d-drama ni Bryce sa'kin.
Sinimangutan ko siya.
"Che! Wag ka ngang pa-cute jan! Hindi bagay sa'yo." Sabi ko sa kanya.
"Subuan mo na kasi ako nitong California Maki, Cheska!" Utos nito sa'kin.
Kinuha ko yung chopsticks at padabog na kumuha ng isang roll ng Maki at pabalang na sinubo sa kanya.
"Aray naman! Papatayin mo ba ko?" Reklamo pa nito.
"Ang arte talaga nitong si Bryce. Siya na nga ang sinusubuan, siya pang naninigaw." Komento ni Stephen.
Tumikhim naman si Bryce bago nagsalita. "Ano nang nangyayari sa pag-iimbestiga?"
Ayun, after two weeks, umayos na rin ang lagay ni Bryce at nakabalik na siya sa eskwelahan. Maraming nakaalam nung nangyari pero pinalabas nalang itong aksidente ng kampo ng mga The Kaisers, hindi dahil natatakot sila, kundi ayaw na nilang madagdagan ang problema, kailangan kasi nilang malaman kung ang Sigma Zeta nga ang may pakana sa likod ng mga ito.
At ako?
Eto, tinanggal na yung brace ko sa balikat.... At oo, pumayag ako sa gusto ni Bryce na mag-d-date kami. Kapalit na ilalakad niya ako kay Marcus kaya nga ako nandito ngayon sa "safe house" nila. Sa totoo lang, naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko na rin maipaliwanag ang nararamdaman ko para kay Marcus.
Ipinilig ko ang ulo ko.
"O, anong problema? Nag-s-seizure ka ba?" Nakangising tanong sa'kin ni Bryce.
"Bryce, parrot ka ba?"
"Bakit? Kasi binibigyan ko ng kulay ang mundo mo?"
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013