Cheska's POV
"She really did that?" Hindi makapaniwalang bulalas ko habang kumakain kami ng dinner ni Bryce sa isang fast-food chain malapit sa condo niya.
And yep, just three more days, Christmas Break na. At malapit na ring umuwi sila mama. But I can't still believe the fact na, ngayon Christmas, si Bryce lang ang makakasama ko dahil unfortunately, December 30 pa ang flight nila mama pabalik. Just in time for the New Year.
Tumawa si Bryce. "Yeah. Okay na rin siguro yun, atleast I wouldn't be the one breaking up the connection between The Kaisers and her sorority." He said then smirked.
I crumpled a piece of a table napkin at binato yun sa kanya. "Ang yabang mo forever."
"That's why you love me." Sabi niya sabay kindat sa'kin.
"What?" Nagkunwari akong nasamid. "You're seriously so full of yourself." Pabirong dagdag ko at tumawa.
"Really, Cheska." Nakangising sabi niya before making weird faces kaya natawa ako lalo.
"You're so weird the past few days. Yung totoo, anong nakain mo?"
He shrugged. "Nothing."
"So, ano nang balak mo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"I'm considering Marcus' help."
I left my spoon hanging mid-air. Si Bryce? Hihingi ng tulong sa kapatid niya? Wow. Hindi naman masama pero knowing Bryce, nag-uumapaw ang pride at ego niyan sa sarili niya at hindi naman kasi sila masyadong magkasundo talaga ni Marcus eh. O, siguro, dahil maagang nagmature si Marcus kasi maaga rin niyang pinasan yung mabigat na responsibilidad bilang presidente ng kompanya nila.
-
Third Person's POV
"It's a surprise seeing you here, Bryce."
Isinara ni Marcus ang binabasang project proposal at hinarap ang kapatid. Nagulat siya nang sabihin ng sekretarya niya na nandito ang kapatid niya.
"I need your help." Diretsong sabi nito.
"For what?"
"Our partner sorority withdrew the deal. We need funds." Walang paligoy-ligoy na sabi ni Bryce sa kuya niya.
"What's the catch?" Binuklat muli ni Marcus ang kaninang binabasang project proposal, kumuha ng ballpen at pinirmahan ang kung ano man ang nakasulat doon.
"Damn, Marcus. You really never changed." Hindi makapaniwalang sabi ni Bryce sa kuya niya.
Mga bata palang sila, ganun na ang ugali ni Marcus. Lahat kailangan may kapantay, lahat kailangan may catch. Kaya naiinis si Bryce dito. Hindi kasi niya maintindihan kung selfish ba ang kapatid o minsan, nagpapatawa lang ba ito.
"I'll give you the money that you need, Bryce. But what's the catch?" Marcus started tapping his fingers on his desk.
"You really know how to piss the hell out of me, Marcus. Oo o hindi lang ang sagot na gusto kong makuha sa'yo." Halata na ang pagkainis sa boses ni Bryce.
Tumawa naman ng malakas si Marcus at nilabas ang checkbook niya. "I was just kidding, but maybe if you want to reconsider. You know, about the whole company thing. How much?" Tanong nito sa kapatid.
Sinabi ni Bryce kung magkano pa ang halaga na kailangan nila para mafinalize na lahat ng details para sa fundraising event this coming Satuday.
Pinunit ni Marcus ang cheque at inabot yun kay Bryce.
"Think about it, Bryce. Reconsider."
Tumango si Bryce at tumalikod na. Bago siya umalis, he held out the cheque and waved it in the air. Alam na ni Marcus kung anong ibig sabihin nun.
BINABASA MO ANG
The Despicable Prince [FIN]
ActionThere's always an exemption to the rule, and that's Bryce Lohan Fuentebella. -- Highest ranking so far #191 in Action as of March 17, 2017 Written By: ThatGirlPepper | 2013