Prologue

229 9 9
                                    

Note: This story's not yet revised. There are a lot of things you, I, or we may not agree in this story. Well, as for me, I think I really have to remove a lot 'cause my present self doesn't agree with them anymore. However, I still have stories to complete so I'm hoping for your kind consideration and understanding. Anyway, thank you for checking (or reading) this.

~

"Architect Suson resigned 10 minutes ago to go to an audition for boy groups in Philippines." pahayag ni Savannah saka walang hiyang umupo sa couch sa loob ng office ko habang nakatitig naman ako sa mga blueprints sa table ko.

"That's not what I want to hear, dear. I don't care whoever will leave this company. Maraming magagaling diyan na takot lang sumubok—"

"Your guy was the one who recruited him." sabat niya.

I slowly lifted my head and knotted my forehead. "Who?" I asked. Dalawa lang ang pumasok sa isip ko. My ex and my guy friend. Pero imposible naman 'yong isa.

She just intently stared at me. "Nevermind. Wala rin naman akong planong alamin. May mas importante akong alalahanin." I followed.

"Anyways, may dalawang cute na intern sa baba. Sayang lang dahil hindi sila sa akin ibinigay ni Tito—este Sir Wage." natatawang sabi niya.

"Siyempre. Alam niyang wala kang pinapalampas." I replied jokingly dahilan para irapan niya ako.

"'Di naman ako pedo 'no!" depensa niya. "Mga bente anyos pa lang mga 'yon. Bente siyete na ako, sis." parang naiinis pang aniya. Naiinis dahil mas matanda siya sa aming magkakaibigan pero wala pa rin daw nobyo. "Pangit ba ako, purita?" madramang tanong niya.

"Nakaka-offend ka na ha. Magkamukha tayo, bruha ka. Maging totoo ka lang sa sarili mo, at matuto ka ring maghintay." sagot ko. Ni-roll ko ang mga blueprint saka kinuha ang bag ko bago tumayo.

"Pero paano kung hindi siya dumating? Paano kung napagod na pala siya kahihintay na maging handa ako? Paano kung may iba na pala siyang mahal?" sunud-sunod na tanong niya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

Biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig. She's obviously not talking about her man. "You got me... But that hurts, sis. That fucking hurts." madramang sambit ko bago lumayas sa office. Tumungo muna ako sa opisina ni Dada para magpaalam.

"Architect Wage, 'yong hardhat mo." bilin pa niya bago ako umalis papuntang site. Tumango lang ako at kinuha sa guard ang susi ng kotse ko. Pinaglumaan na ito ni Kuya pero ayos lang as long as nagagamit ko siya sa pagbiyahe.

To: Kodi Korbin
On my way, Engineer Lara.

To: Michelle
Can't come :( just see ya tom

From: Kodi Korbin
Lol. Ang pormal mo masyado hahaha puwede namang Kokoy na lang hays

Umirap ako at mahinang tumawa.

After texting my friends, dumiretso na ako sa parking lot. I was just about to get in my car nang makasalubong ko ang dalawang intern. They greeted me when they saw me.

"Ikaw si Monterde, right?" tanong ko sa isa. Pumunta rin kasi siya kanina sa office ko para ibigay 'yong mga folders. Tumango ang lalaki at maliit na ngumiti. "Ikaw?" I faced the other intern.

"Santos po. Melliza Santos." masigasig na tugon niya. Napatitig ako sa mukha niya at napagtantong may kahawig siya. Ngumiti sa akin ang babae saka sila nagpaalam. She reminds me of him. The guy that Savannah was talking about earlier. Pinanood ko pa ang dalawa hanggang sa makapasok bago ako tuluyang umalis.

Pagkadating sa site ay sinalubong kaagad ako ni Kokoy. Bibili pa sana ako ng makakain sa KFC ngunit hindi ko nadala ang wallet ko. Limang daan lang ang nasa bag ko.

"Bukas pa lang pala dadating 'yong orihinal na nagpapagawa ng bahay. May audition daw kasi—"

"Engineer, si Engineer Andrade po nalaglagan ng martilyo sa tuhod." hinihingal na sabat ng isang engineer. Dali-dali naman kaming kumilos at mabilis na tumakbo papunta doon. Hindi makalakad ng ayos ang lalaki. Batid kong hindi lang sa tuhod tumama ang martilyo kung kaya't agad na dinala ang lalaki sa pinakamalapit na hospital. Habang papunta doon ay agad siyang binigyan ng paunang lunas.

Lumabas muna ako nang matapos na siyang gamutin dahil biglang tumawag si Mich.

["You must've been gone older and you forgot that my flight to Alaska was scheduled tomorrow."] sarcastic na sabi niya pagkasagot ko sa tawag.

I checked my schedule. Nasapo ko ang noo ko nang mapagtantong wala naman pala akong kikitaing ibang clients dahil pina-move ko para makapunta sa padespedida nila ng asawa niya. They'll be staying for two weeks in Alaska at siguro doon na rin ang honeymoon.

"Pasensya. Heto lang ako, makakalimutin." pigil ang tawang aniko.

["Oh siya... Ba-bye na. I'm expecting you later."] tugon niya at pinaalalahan muli ako bago ibinaba ang tawag.

"Good luck sa audition mo, Doc Santos. Sana hindi ka matanggap. Hahaha. Char. We'll miss you, Doc." rinig kong sambit ng mga babaeng nurse dahilan para mapalingon ako sa kanila.

"Uh, you make my heart flutter." Tumawa ang lalaki bago kumaway sa kanila. "Anyways, you have nothing to worry 'bout dahil kung hindi man ako matanggap, babalik pa rin naman ako dito. However, I still hope na matanggap ako. It's my dream, eh."

I gulped a countless times. Hawak ko pa rin ang phone ko habang nakatingin sa pamilyar na pigurang nakatayo sa tapat ko. Nakatalikod ito subalit hindi lingid sa kaalaman ko kung sino ito.

It's him.

The man of my dreams.

He turned around and saw me. Yumuko lang ako at mabilis na naglakad pabalik sa loob. "Darn it." mahinang saad ko sa sarili habang pinapakinggan ang tibok ng puso ko. Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko nang may kumalabit sa akin.

"You dropped this, Architect Chacier Serein Wage." pormal na sambit ng lalaki sa baritonong boses. Suminghap ako at tumingin sa kamay niyang hawak ang bracelet ko na binigay sa akin ni Kokoy. Kukunin ko na sana ang bracelet ngunit inilayo lang niya iyon. Kinuha niya ang kamay ko at ipinasuot iyon sa akin. "Guess I waited for nothing." he mumbled.

"'Yon ba 'yong kapatid ni Doc?" rinig kong tanong no'ng isang nurse. I harshly bit my lip and and lifted my head up to look at him.

Nakangisi siya habang umiiling. "How long has it been?" tanong niya sa akin. "You've grown up. You've achieved your dream... That's good." he followed.

Ibinaba ko ang kamay ko nang maisuot na niya ang bracelet ko sa akin. Hindi siya nakipag-kamay sa akin bagkus ay humalik siya sa noo ko. "Hindi kita tinitingnan bilang kapatid." wika pa niya bago umalis.

And I was left dumbfounded.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon