I was so excited to give the pasalubong ngunit ang sabi ni Kuya ay hindi raw pumasok si Joss. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit absent siya. Hindi rin naman nagre-reply sa message namin.
Tumawag si Kuya sa apartment na tinutuluyan ng lalaki ngunit may sumundo raw sa kaniya kanina. Naisip kong baka 'yong Mama lang niya kaya hinayaan ko na lang muna. Ngunit hindi rin naman mawala ang pag-aalala ko dahil hindi naman kasi siya talaga ganito.
"Wow! Ang suwerte naman ni Kuya Joss. May scarf na, may mug at shirt pa. Paano maging crush ni Chai?" puna ni Thalia.
"Kay Kuya Bust galing 'yung scarf. Tsaka meron naman kayong bag at keychains, eh." tugon ko habang inilalagay sa bag ko 'yong kay Joss. Katatapos lang kasi nilang kunin ang kanila.
"Yeah. Thank you so much, purita. Batid naming wala ka nang pera niyan kaya kami na ang bahala sa lunch mo mamaya." sambit naman ni West na hindi ko inaasahang papasok ngayon.
"Uuwi ako." tipid na sabi ko.
"Uuwi o ayaw mo kaming kasabay dahil may ibang kasabay?" Ngumiti sa akin ng nakakaloko si Nathalie.
"Uuwi po." sagot ko. "Dadating 'yong mga Tito at Tita ko." nakangiting dagdag ko. Saktong tumunog ang bell kaya nagsibalikan na kami sa mga room dahil tapos na ang breaktime namin.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng lecturer namin sa Genmath, halos hindi na maipinta ang mukha ng buong klase sapagkat may bitbit na naman itong activity sheets.
Nasapo ko ang noo ko nang mapagtantong hindi ako nakapag-review dahil nakalimutan ko at wala ring binigay na topic. Mabilisan ko na lang ini-scan ang libro ko habang hindi nakatingin si prof.
"Sana ipatawag kaming mga athletes." bulong ni Nathalie na katabi ko lang rin.
"Boang." mahinang tugon ko. "Nag-review ka?" tanong ko sa kaniya.
"Duh, of course... not." She chuckled dahilan para masita siya ni prof. "Pakopya ako ha."
"Hindi rin ako nag-review." aniko bago tinanggap ang papel.
"Monitor, mamaya ka na mag-collect ng charges. You may start now." nakangiting pahayag ng lecturer. Opo, nakangiti siya. Pero 'yong ngiti niya parang may pinaplano na sa unang tingin pa lang, hindi mo ikatutuwa.
Kinuha ko ang pen at pad paper ko bago tiningnan ang shitty activity sheet. I bit my lower lip and tried to remember our discussions the previous week. Wala naman ang mga ito doon. Pinagloloko lang ata kami ni Ma'am.
Naramdaman kong siniko ako ni Thalia kaya sumulyap ako sa kaniya habang kagat ang takip ng ballpen. Alam ko kung anong iniisip niya dahil lahat naman kami ay ganoon ang reaksyon.
"Silent!" madiing sabi ni Ma'am.
Kinamot ko ang panga ko bago nagsagot. Ang ilan sa items ay napag-aralan ko na dahil napag-usapan na rin nina Kuya iyon noong nag-group study sila. At isa pa, itinuro na rin ni Joss sa akin para raw hindi na ako mahirapan.
It took me almost 45 minutes answering a ten items quiz! Una akong tumayo at nagpasa sa harap dahil ako naman ang isa sa mga officer sa classroom, eh.
She smiled sweetly at me bago ako bumalik sa puwesto. Nagbubulongan na ang mga kaklase ko ngunit tutok lang sa papel ko si prof. She amusingly scanned it before calling me.
"How did you know this? Have you studied it?" she asked.
"Stock knowledge po. A friend taught me po about it before." simpleng sagot ko at ngumiti. Tumango siya at tiningnan ulit ang papel ko.
"Chacier Serein Wage. Kapatid ka nina Buster at Eron Wage?" Muli siyang tumingin sa akin. I nodded like an obedient student. "You sure kaibigan mo ang nagturo sa iyo? Your brother, Buster, used to top my class."
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomanceMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022