37

38 2 0
                                    

My mother really cried when she found out about my pregnancy. Katulad ni Mama Ven, marami siyang itinanong at ikinuwento. While my father, halata ang pagpipigil niyang maging emosyonal. He was happy for us.

Pinayuhan nila ang asawa ko at tinanong pa kung anong plano niya para sa amin. Pinalayo naman nila ako dahil may sikreto pa ata sila. Bago umalis may sinabi pa sila sa akin na nagpaluha sa akin.

"Karapatan ng anak na iwan ang magulang para buhayin ang sarili. Pero obligasyon ng magulang na huwag iwan ang anak kahit ano pa mang mangyari. Maliban na lang kung kamatayan ang kalaban. Wala na tayong magagawa doon."

While we're on our way home, biglaan siyang lumiko ng daan kaya napakunot ang noo ko. We stopped in front of a bit huge house with a modern design. Mas malapit ito sa firm.

"Anong ginagawa natin dito? Kaninong bahay 'to?" curious na tanong ko. Dumukot siya sa bulsa niya. My eyes drifted to his hand, holding a house key. My jaw dropped when he showed me the papers.

"You spent almost two million for the house then, now—"

"This will be our new home, Love." he cut me off.

"Did you won a lottery? You spent too much money this year." I told him. I mean, alam kong medyo malaki ang kinikita niya sa trabaho niya tapos may coffee shop pa siya pero... ang laki na ng gastos niya.

Mabuti nga hinayaan niya akong gamitin ang pera ko sa pambili ng pagkain namin at ilang kasangkapan. Alam niyang binibigyan ko pa si Mama kaya hindi na niya ako pinagastos sa ibang bayarin.

"Hindi dahil hindi naman ako tumataya. I just wanna spoil my family." he sweetly said. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. He opened the gate. Unang bumungad ang pathway sa akin. Sa gilid ay ang hardin at sa kabila ay ang garahe.

He held my hand along our way to the front door. Ibinigay niya ang susi sa akin. I smiled widely and unlocked the door. My eyes widened as soon as we got inside.

"Surprise!" sigaw nina Kuya Bust, Kuya Eron, Mich, Kodi, at Thalia. I got startled when Yanette and Sav went out from the kitchen, carrying the cake. "Congratulations!"

"Anong meron?" kunot-noong tanong ko. Gulong gulo na ako. Alam ba nila? Pero hindi ko naman sinabi. I looked at Joss who's still outside the house. Halos tumalon na ang puso ko nang makita pa ang kagrupo niya at inaasar siya.

"Sabi na nga ba! Mapaglihim ka talaga!" singhal ni Savannah. She smirked and quickly embraced me. "Congrats, Mrs. Santos."

"P-paano-"

"He confirmed it. Pinainom ni Kodi noong isang araw. Ayaw niya uminom kaso napilitan dahil hindi niya masagot ang tanong namin sa truth or consequence! Sa huli, umamin din." Humagalpak siya ng tawa at umiling. "Nagduda na si Kokoy, e. Alam mo naman 'yan, mateluk talaga."

"Siraulo talaga kayo!" sigaw ko at lumapit na lang sa asawa. Ibinaling niya ang tingin sa akin nang tumayo ako sa tabi niya. Ipinulupot niya ang braso sa baywang ko at dahan-dahang hinahaplos ang tiyan ko.

Lumingon siya sa mga nasa loob. Pinapasok niya ang mga kagrupo niya at sumunod kami. Nagawi ang tingin ko kay Yanette at Sav na halatang nagpipigil na tumili lalo pa't sa tabi nila tumayo sina Sebi.

"Guys, announcement nga pala!" Joss shouted to catch their attention.

"Shall we tell them? I mean..." I trailed off then, gasped. "Say whatever you want to say. Let's do what you want." I smiled at him sweetly as possible. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Ang importante ay alam ko kung ano ako, at alam ko ring may tao pa ring nakakaintindi sa akin. At handa rin naman akong ibigay ang lahat sa taong iyon kahit na wala akong matatanggap.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon