Everything was fine. We kept it lowkey. Iniipit na rin si Azi ng coach nila kaya hindi na siya nakakadalaw sa akin. Weeks had passed at ganoon pa rin kami. Karamihan sa tawag niya ay hindi ko nasasagot. At sa halos lahat ng text messages ko ay wala rin siyang response. I'm getting tired, and sick of it.
We have a lot of projects to submit next week kung kaya't mas naging abala ako.
I was walking through out the balcony of our house when someone grabbed my drink. My eyes widened a fraction when I saw him clearly.
"K-Kuya Joss?" gulat na sambit ko.
"Beer? Bawal ka nito ha." seryosong saad niya habang nakatingin sa pangalan ng bote ko.
"Hindi 'yan beer." umirap ako. Bakit ba nandito 'to? "Hindi naman ako na-inform na may group study ulit kayo."
"Wow! 'Di rin ako na-inform na kailangan ka pa naming sabihan." mapang-asar na aniya saka tinikman ang inumin ko.
"Of course, you should. See mo ang ikli ng cycling shorts ko ta's naka-oversized shirt lang ako." sambit ko dahilan para maibuga niya ang inumin. Humalakhak ako at sinubukang bawiin sa kaniya ang juice. Wala na akong mahanap na baso kaya doon ko tinimpla ang juice ko.
"Akin na 'yan." tipid na sabi ko. Itinaas niya iyon at inilayo sa akin kaya kinailangan ko pang tumalon. Pilit kong inabot gamit ang dalawang kamay ko subalit itinago niya iyon sa likod niya. Tuloy ay para akong nakayakap sa kaniya ngayon dahil hawak ko ang bote sa likod niya.
Tumingin ako ng diretso sa mata niya, all I can see is happiness. Woah. I bit my lip while we're staring at each other. He's looking at me intently, para bang sinusubukan niya akong basahin.
"Oh aking Sereinitea, nasaan ka?" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses dahilan para mapabitaw ako kay Joss at bumalik sa suwisyo.
"Hoy! Mister Josiah Carter Santos, bumalik ka na dito. Nagpapapansin ka na naman diyan kay, Chai." rinig kong sigaw ng mga kasama nila dahilan para mamula ang pisngi ko.
"Michelle!" agarang sigaw ko at tumakbo na papunta sa sala. I smirked when I saw her with my brother, glued on the couch. "Miss na miss ang isa't isa ha."
"Sobrang busy naman kasi nito sa basket." nakangusong sagot ng babae bago tumayo at lumapit sa akin. "Anyways, I got something for you." Inabot niya ang paper bag at ibinigay sa akin ang damit. Okay, another oversized shirt.
"Ay siya meron, ako wala?" nagtatampong sambit ni Kuya.
"Nakahalik ka na kanina, okay na 'yon." Namumula na ang pisngi ni Mich kaya natawa ako. "First kiss... ko 'yon." mahinang saad niya na hindi naman nakalagpas sa pandinig ko.
Someone passed by behind me and pulled my hand. "Bakit?" kunot-noong tanong ko.
"Wala. Mang-aasar lang." natatawang aniya.
"Ay close tayo?"
"Ay hindi na ba? Nag-usap na tayo, hindi ba?... Kumusta na nga pala kayo ni—"
"Marinig ka nila." I cut him off as I covered his mouth with my hand. "We're... fine." nag-iwas ako ng tingin. "Pareho lang busy kaya medyo nawawalan na ng time para mag-bond."
"Oh, talaga ba?" tanong pa niya dahilan para kumulo ang dugo ko sa inis. Why is he acting like he know Azriel too well? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman sila naging magkaibigan o nagkausap.
"Oo nga. Nangako naman siya no'ng huling kita namin na tatawag siya sa akin." I lied. Of course, I will not tell him the truth, kahit pa open naman kami sa isa't isa dati. Everything changed after I confessed to him.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomantizmMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022