02

74 6 6
                                    

Vacant namin ngayon dahil wala ang lecturer namin.

"Chacier, bili tayo ice cream!" sigaw ni Thalia, kaklase ko, habang tumatakbo palapit sa akin. Kanina pa sila naglilibot sa batibot kaya batid kong pagod na ang mga ito.

"Kung hindi swirl, ayo'ko." agarang tugon ko.

Napakamot siya sa ulo. "Ay, ice cream roll e." she pouted and looked at me intently. Bumuntong hininga ako nang ngumisi siya at hilain ako. "Arte nito. Tapos kakainin din naman kapag nabili na." she uttered jokingly.

Ending, bumili pa rin kami ng ice cream roll.

"Pomelo po." sabi ko sa nagtitinda, mabuti na lang at meron dahil kung wala ay mapipilitan na naman ako mag-mango.

"Avocado is actually good." biglaang sabi no'ng lalaki. Suminghap ako nang mapagtantong 'yong Azriel lang, nagbabayad na. Hindi ko man lang siya napansin kanina dito. Napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya tumaas ang kilay niya sabay ngiti sa akin. "Wanna taste it?" he asked nicely, and stepped closer to offer his ice cream.

"Uh, no. Bibili na lang ako." I refused.

"Huwag na. You can have this. Hindi ko pa naman nakakain." tugon ng lalaki.

"It's yours." I pouted

"It's alright. Let's just exchange if you want? I also wanna try pomelo." nakangiti pa ring tugon niya. Tumango na lang ako at kinuha na ang ice cream sa kaniya. Sakto namang katatapos lang gawin 'yong akin. I quickly gave it to him as I pay it.

Kinurot ako ni Nathalie sa tagiliran kaya naman napunta na sa kaniya ang atensyon ko. "Kailan mo pa naka-close 'yong team captain ng mga taga-Kanluran? Alam ba 'yan ni Kuya Buster?"

"Nagkasabay kami sa tricycle kagabi. He's just an acquaintance." tipid na sagot ko. She just nodded and payed her ice cream. Batid kong hindi niya pinaniwalaan ang isinagot ko dahil sino ba naman kasing papayag na makipagpalit ng paboritong pagkain sa acquaintance lang? Hindi ko rin naman alam ba't ako pumayag.

Bumalik kami sa loob ng campus, mabuti na lang at wala 'yong guard dahil malalagot kami kapag nagkataon. Bawal pa kasi talagang lumabas.

Simula nang araw na iyon ay lagi ko nang nakakasalubong si Azriel. Naging magkaibigan kami ngunit hindi pa rin buo ang tiwala ko sa kaniya. Pero dahil sa kaniya, nababaling na ang atensyon ko. I don't just focuses on a specific person.

"Chai, gusto mo?" sigaw ni Joss mula sa stall ng mga street food. Umiling lang ako at lumapit kay Azi na may dalang Smart C+ with different flavors. Agad din namang lumapit sina West at Thalia sa amin bitbit ang mga pinamili nilang chips. Meanwhile, I took my books out and brought them on the table.

Nagbukas sila ng ilang chips at drinks habang nag-aaral. Katabi ko si Azriel habang magkatabi naman 'yong dalawa. I was busy highlighting when he spoke.

"What's your favorite subject?" he asked. I saw him with my peripheral vision, leaned closer the table, at saka nagpangalumbaba habang nakatingin sa akin.

"Math." seryosong sagot ko habang abala pa rin sa ginagawa.

"Darn it! I hate that subject." parang nahihiyang bulong niya na hindi naman nakalampas sa pandinig ko.

Huminto ako sa pag-highlight at ngumiti sa kaniya. "Well, I can't blame you. Mahirap naman talaga siya. I used to hate that subject pero dahil sa matinding pagsusunog ng kilay, mas naintindihan ko na siya at nagustuhan na rin." pahayag ko sabay kuha ng chips at kumain.

"Hoy! May jowa na si Colette? 'Di ba nililigawan dati ni Kuya Joss 'yon?" eksaheradang tanong ni Thalia dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Iniharap niya sa akin ang screen ng phone niya.

Josiah Carter 🔒 @JCsantos
Thought you like someone else already
But don't you worry 'cause I won't tell them

Napatingin ako sa mga stall at wala ang lalaki roon. Inilibot ko ang mga mata ko ngunit wala talaga. Then Colette came here with my cousins, Savannah and Yanette.

"May jowa ka na, te?" walang hiyang tanong ni Thalia pagkaupo pa lang nila. Kumunot ang noo ni Colette, at siya'y umiling.

"Manliligaw nga wala." she snorted.

"They thought Josiah was courting you." sabat ko.

"Eh? Hindi naman ako ang gusto no'n. Close lang kami dahil kaklase siya dati ni Ate Cams." mahinahong sambit niya bago kumuha ng chips.

My phone vibrated so I immediately picked it up.

"Why?" I asked.

["Hindi ka raw masusundo ni Kuya dahil may pupuntahan daw sila ni Michelle. Wala kang choice kung hindi sumabay sa akin."] Humalakhak siya na parang may planong kalokohan.

"I'd rather go with Joss or Kodi than with you, Kuya Eron." umirap ako. "Malay ko ba baka ihulog mo lang ako sa motorsiklo mo."

["Ang sakit mo naman magsalita."] madramang aniya dahilan para matawa ako.

"'Di ba gusto mong pumunta ng sinehan?"

["Oo naman."]

"Punta ka na. Kaya ko naman ang sarili ko. Promise mag-iingat ako at hindi kita ipapahamak."

["Wow! Salamat sa kabutihan, Chai. Lulubusin ko na habang nandiyan pa ha."] walang hiyang aniya bago ibaba ang phone.

Umiling lang ako habang nakangisi. My eyes widened a fraction when I caught Azi staring at me. Pinunasan ko pa ang mukha ko dahil akala ko may dumi. Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko.

"So, Azi, single ka?" mausisang tanong ni Thalia. Tumango lang ang lalaki. "Talaga?" paninigurado pa niya na tinanguan lang ulit ng lalaki. "Naks! Oh, Chai, ayan na. Nirereto ko na siya sa 'yo. Bagay naman kayo." tuwang-tuwang pahayag ng babae.

"Oops. Bawal pa siya mag-boyfriend hangga't hindi siya nakakapagtapos sa pag-aaral. Mahigpit na ipinagbabawal ni Tito." sabat ni Yanette. Agad namang umapruba si Sav sa kaniya dahilan para mapanguso na lang si Thalia.

Umiling lang ako kahit alam kong medyo namumula na ang pisngi ko. I checked my wrist watch before standing up. "Uwi na ako. Magtatakipsilim na rin, eh." saad ko habang inaayos ang mga gamit ko. All I want right now ay makaalis dito dahil paulit-ulit lang nila akong aasarin sigurado.

"Hatid na kita." ani Azi sabay kuha ng bag ko sa kamay ko at sinabayan ako sa paglalakad kaya wala na akong nagawa.

"Wala ka bang lakad? Wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko.

"Wala naman." nakangiting sagot niya. Hindi na rin ako nagsalita dahil napaisip din ako. Kakikilala ko lang sa kaniya. Hindi ko alam kung ano talagang intensyon o kung interesado ba siya sa akin. Bigla na lang siyang sumulpot sa buhay ko.

"A guy met a girl last week and he felt really interested about her. He wanna know her more." He broke the long deafening but calming silence. I don't know kung sino ang tinutukoy niya pero ayo'kong mag-assume. I gave him a small smile before I took out my bottled water. "I think... I like you."

Napahinto ako sa pag-inom at napatingin sa kaniya.

"You heard what my cousin said earlier." mahinang sabi ko.

"Yeah. Pero hindi naman nila malalaman." he reasoned out. Yumuko ako habang nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. He putted his hand on my shoulder then cupped my chin and stared at my eyes.

Suminghap lang ako at nag-iwas ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

"You wanna go somewhere before we go home?" kaswal na tanong niya. Tumingin ako muli sa relo ko bago sumagot.

"I'm craving for pancakes but I don't have enough money." bulong ko sa sarili.

"I'll treat you." wika niya, he's really trying to convince me, huh. Gutom din naman ako. Sa huli ay pumayag na rin ako. Pumunta kami sa pancake house at nag-order ng makakain.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Joss na kumakain din ng pancake. Ngumiti siya ng maliit nang magtama ang paningin namin. Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki sa tapat ko nang kausapin niya ako.

Bago kami umalis ay may inabot na paperbag na may pancake sa akin si Joss. "Guard and protect your heart." bulong niya saka ngumiti bago umalis.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon