"Wala kang klase?" tanong ko sa lalaki habang nilalaro niya ang mga daliri ko.
"Nah. Mamaya pang 2PM." sagot niya at ngumiti. I heaved a sigh. Tumingala ako at sinubukang itago ang eyebags ko na pagkalaki.
Hindi kasi ako makatulog kagabi sa kaiisip. Siya kauna-unahang lalaking umamin sa akin at hindi ko alam kung ano dapat maging reaksyon o tugon ko doon. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Dapat ko ba siyang iwasan? Kasisimula lang ng friendship namin and I value that.
Tumitig ako sa mukha niya at pinagmasdan ito. Ang mapang-akit niyang mga mata ay kulay abo. Ang kaniyang ilong ay may katangusan din, at ang kaniyang mga labi ay parang sa mga babae. Manipis ngunit ang kulay ay mula sa mapusyaw na pula hanggang sa maputla at mamula-mulang lila.
Ngumiti siya ng nakalitaw ang ngipin.
"Interesado ka na sa 'kin, 'no?" pabirong tanong niya.
"Wow, ang kapal." Humalakhak ako bago nag-iwas ng tingin.
"Feeling ko matutunaw ako." aniya pa.
"Ba't 'di ka pa matunaw?" pabalang na tugon ko saka ininom ang buko juice ko.
"Huminto ka sa pagtitig, eh." He grinned.
"Loko. May dumi ka kasi sa mukha." pagrarason ko. Kinuha ko ang phone ko at nagpanggap na may ginagawa.
"Talaga ba? Parang ini-scan mo facial features ko, eh."
"May jacket ka diyan? Parang kasing biglang mahangin banda dito." pabirong saad ko at tumawa kasabay niya.
Umayos ako ng upo nang biglang dumating si Kokoy at ipinasuot sa akin ang sombrero niya. Umupo siya sa tabi ko at umakbay. He jokingly kissed my cheek.
"Ano ba?... Kaya tayo napagkakamalang mag-boyfriend ng mga Kuya ko, eh. Tuloy mas lalo silang naghihigpit." usal ko sa kaniya ngunit tinawanan lang niya ako.
"Anyways, birthday ni M.E. ngayon. Wala ka naman sigurong ibang lakad, ano?" sambit niya. Napakasama talaga niya kay Mich. M.E. means May Edad daw. Pinakamatanda siya sa aming tatlo.
"Wala." sagot ko.
"Nice. Sabay tayo!" masiglang aniya, excited.
Umiling ako. "Si Kuya Bust kasabay ko. Pati na rin pala si Joss dahil nagpapatulong ata si Kuya sa kaniya."
"Ah, kaya pala." makahulugang sambit niya. Umirap lang ako, at bumaling kay Azi.
I opened my mouth nang subuan niya ako ng marshmallow. Hawak ko kasi ang phone at stylus ko. Nagkwentuhan lang kami at kumain hanggang sa matapos ang breaktime. Umalis na rin si Azriel pabalik sa eskuwelahan nila dahil medyo malayo rin iyon.
We attended the following classes until it's time to go home. This time, sumabay na ako kay Kokoy pauwi dahil baka magtampo na ang best friend ko. I've been with Azi the whole week at madalas ay hinahatid din ako ng lalaki sa sakayan. Lalo na kapag hindi ako masundo ni Kuya Bust at si Daddy naman ay nasa trabaho pa.
Pagkauwi ay ginawa ko agad ang homeworks ko. I texted my father para magpaalam, nasa trabaho pa kasi 'yon malamang. Bumaba ako para magpaalam naman kay Mama kahit alam kong papayagan naman niya ako.
I wore a retro high-waisted irregular pants skirt, knitted sweater, and a pair of sandals, after taking shower.
"Ano 'yan? Punta ka club? Palit!" puna ni Kuya Bust dahilan para mapakamot ako sa ulo.
"Kuya naman..." mahinang sabi ko. Binigyan niya ako ng matalim na tingin kaya bumalik na ako sa kuwarto ko. Tumunog ang cellphone ko kung kaya't agad ko iyong dinukot at binuksan.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
Roman d'amourMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022