40

41 0 0
                                    

"Are you sure na aalis ka?" nag-aalangang tanong ng pinsan ko habang tinutulungan akong mag-impake ng gamit ko. Ayaw ko mang umalis pero kailangan. I need a break. Kailangan kong huminga at lumayo muna.

I gave her a nod. She let out a sigh and suddenly went out. Napatingin ako sa may pintuan. Ibinalik ko rin agad ang tingin sa maleta ko.

"Aalis ka?" His voice cracked, I have to bite my lip and lift my head to stop a tear from falling. "Puwede ba nating pag-usapan muna?" nagsusumamo siyang lumapit sa akin at pilit ko lang siyang iniwasan.

"Please, don't stop me." I whispered when he hugged me from the back.

"I'm sorry. Please, let's talk?"

"Wala akong oras para sa excuses mo. Kitang-kita ng dalawang mata ko, Joss. Nakikipaghalikan ka sa iba!" sigaw ko kasabay nang paglayo ko sa kaniya. "Kayo lang dalawa doon! Tapos ni hindi mo man lang siya magawang pigilan. Anong pagkukulang ko sa 'yo? Binigay ko naman lahat, ah. Hindi pa ba sapat iyon?" I cried. "Bakit mo ginagawa 'to sa akin?"

"Tink," he pursed his lips and closed his eyes. Pain was evident in his eyes when he opened them. "I swear pilit ko siyang pinipigilan... inilalayo sa akin. You know ikaw lang gusto kong—"

"Bullshit." I muttered. "Kung ako lang, e'di hindi ka papayag sa mga ganoong proyekto."

"Alam mong hindi ako ang nagdedesisyon sa mga ganoon."

"Iyon na nga, e. Hinahayaan mo lang silang kontrolin ka. Kung nasasaktan ka, nasasaktan din ako para sa iyo." sigaw ko. Nang maramdamang parang minamartilyo ang ulo ko ay pumikit ako at huminga ng malalim. "Pagod na akong makita kang nahihirapan. Pagod na rin ako sa mga sinasabi ng mga tao. Pagod na pagod na ako. Ni hindi kita makasama sa publiko nang hindi natin kailangan magtago sa mga telang pantakip sa mukha at ulo. Hindi ko man nga masabi noon sa mga kaibigan ko na ikinasal tayo. Pero wala na akong pakialam sa mga iyon, e. Gusto ko lang ng tahimik na buhay kasama ka, Joss... Pero sa ngayon, hayaan mo muna akong lumayo... please? I need break..."

"You're tired." he whispered then harshly bit his lip, and slowly nodded. "Sasamahan kita. Ayusin natin lahat ng 'to." wika niya at mabilis na kumuha ng maleta.

"No, Joss. Please, kahit isang buwan lang. Gusto ko munang makapag-isip-isip." I told him, pleading. He once again pursed his lips. He sobbed and slowly nodded his head so I smiled. "Thank you." bulong ko. Lumapit siya sa akin at yumakap.

It wasn't long but not short. Halos mga sampung minuto ata niya akong yakap. Nang humiwalay siya ay basa na ang damit ko. Hinawakan niya pisngi ko. He planted a kiss on my forehead, and slowly going down. He looked at my lips and tenderly pressed his on mine.

"Take care, okay? Huwag kang magpupuyat. Drink your meds and vitamins. Don't stress or pressure yourself. I'll fix everything while waiting for you here. Always remember that I love you and your feelings are valid. You are worth it. You're not alone. I love you so much." He then kissed me again. Hindi ko mapigilang mapaluha nang mapanood siyang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa maleta. Bakas ang kagustuhan niyang pigilan ako ngunit hindi niya ginawa. Mas lalo lang ako nahihirapan na umalis.

Pinalis ko ang luha ko at tumalikod sa kaniya. Sa halip na sumama sa pinsan ko upang doon na matulog, nanatili na lang muna ako at pinagbigyan siya sa gusto niya.

He was just carefully hugging me while humming a melancholic melody that I never heard from him before.

Kinabukasan, alas tres pa lang ay gumising na ako. Mamayang 10 AM ang flight ko patungong England. Sinabi ko na iyon kay Zyair kagabi at agad naman siyang nagpa-book para sa akin at kinausap ang kakilala niya sa airline. He told me to just call him if ever I need help before he left me yesterday after dropping me off to my parents' house. Naihatid na rin naman niya ang mga kailangan ko.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon