39

39 1 0
                                    

Nakaupo lang ako sa sofa dito sa studio ng SB19 habang naglalaro sa phone ng biglang sumakit ang tiyan ko. I noticed that there's also blood so I began crying while shouting, asking for help. Nabitawan ko na rin ang phone ko.

"Joss!" I yelled but he couldn't hear me, probably, they're recording. Someone suddenly came in and saw me. Bakas ang pag-aalala sa kaniya. She rushed towards me and helped me stand up. Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. When we finally got out, ipinasakay niya ako sa kotse at saka naupo sa tabi ko.

"Anong nangyari?!"

Napunta ang tingin ko sa pamilyar na lalaki.

"Magmaneho ka na lang. Kailangan natin siyang madala sa hospital right away." pasigaw at halos natataranta nang sabi ni Arya kay Zyair. Agaran namang kumilos si Zyair at pinaharurot ang kotse, wala nang pakialam sa mga rules.

They talked to the nurse as soon as we arrived at the hospital. Agad naman nila akong dinala sa kung saan, my visions are getting blurry because of my tears. I saw Arya dialing someone on her phone.

Ang daming sinabi at tinanong sa akin ng doctor habang nasa tabi ko lang si Zyair at nagprisinta dahil wala naman si Joss dito. The doctor asked me what ever I was doing or kung anu-ano ang mga iniisip ko. I had no choice but to tell her the truth.

Pinaalalahan niya ako at niresetahan ng mga gamot at vitamins.

"Si Joss?" I asked, naluluha na naman.

She looked at me worriedly. "Parating na." nag-aalangang wika niya. I waited for him but I just fell asleep here. Nang magising ako, nasa ibang kuwarto na ako pero surrounded with white walls pa rin. Then, I saw Joss and Arya seated on the sofas. Lumapit sa akin ang lalaki at kinamusta agad ako saka humingi ng tawad.

"Uh, sorry too!" biglang ani Arya. "Siguro kung hindi rin dahil sa amin ni Mhaze, hindi ka mai-stress... sinusunod ko lang naman ang gusto niya. I was mad at you dahil nakuha mo si Joss... But I don't know that you were pregnant that time! Anyways, I am really sorry. I hope we can be friends." Ngumiti siya at nag-offer ng handshake.

Tumango lang ako at ngumiti.

"I hate Mhaze. She betrayed me. Siya naman pala 'tong may gusto na makuha si Joss. Nagkunwari pang tutulungan ako." she murmured and rolled her eyes.

Tumawa lang ako ng mahina at sinubukang umupo. Josiah held my hand to help me.

Days passed too fast. Minamadali na ako ni Yanette dahil baka ma-late raw kami o baka may ma-miss na moment.

Nakasuot lang ako ng long sleeved mini dress, white sneakers, at sumbrero. Maingat akong lumabas bitbit ang phone ko habang suot ko naman ang drawstring bag ko.

"Naka-gown si Mhaze, 'te. Huwag kang papatalo!" saad niya ngunit hindi ko na siya pinansin. Habang papunta kami sa venue, salita siya nang salita habang ako naman at nakikinig lang ng mga kanta na tumutugtog sa radyo ng kotse niya.

Saktong bumababa ang mga casts sa van nang magpark siya. "Daine was scolding me earlier. He has a meeting with the board and their clients at baka hindi raw niya mabantayan si Daniel. Akala mo naman ako walang trabaho. Ayaw naman niyang maghanap ng yaya." She remarked. Hindi pa niya sila nakikita, e, kaya hanggang ngayon parang may sama pa rin siya ng loob.

Ginawa na lang namin ang kailangang gawin bago pumasok. We were too careful walking towards our seats. Mabuti na lang ay may nadala akong mask kaya hindi ako nakilala ng iba.

The event went on smoothly and fun. They performed the theme song of the series while each pairs are dominating the stage.

I shouted Josiah's name when he finally when out. Hindi ko na lang pinansin si Mhaze na nakakapit sa braso niya.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon