04

51 6 0
                                    

Tw: Abuse & Harassment

"Chai!" pasigaw na ani Kuya Eron mula sa labas ng kuwarto ko. Kagigising ko lang dahil hindi rin naman ako kaagad natulog kagabi. I was contemplating about my decision. Tama ba 'yong ginawa ko? Iyong naging pasya ko?

"Bangon ka na diyan! May naghahanap sa 'yo!"

Kinusot ko ang mga mata ko at tumitig pa sa kisame. I brushed my teeth and washed my face bago ako lumabas. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil maliligo rin naman ako maya-maya.

"Himala, dumalaw ka dito." eksaheradang aniko nang makita ang babaeng komportableng nakaupo sa may sala dito sa taas, akala mo naman bahay niya.

"Siyempre. Boring kaya sa bahay." she tsked. Lumapit ako sa kaniya at dinaganan siya. "Hoy!" Nathalie shouted. Tumawa ako at humalik sa pisngi niya. "Ang bigat mo! Doon ka nga." natatawang reklamo niya sabay tulak sa akin palayo.

Kinuha ko ang throw pillow at niyakap saka bumuntong hininga. "Sigurado naman akong hindi ka pumunta dito dahil lang sa bored ka eh." pahayag ko.

She chuckled. "Tama ka. Pumunta ako dito dahil sabi ni Kokoy, umiyak ka raw kagabi matapos niyo mag-usap ni Kuya Joss. Anong nangyari ha?" halos pabulong na tanong niya. Katapat lang naman kasi namin ang kuwarto ni Kuya Buster, baka marinig pa niya kami.

"Umamin ako." I told her.

"Oh, shit! Sabi na nga ba." sigaw niya.

"Ingay mo!" bulyaw ko sa kaniya at hinagis sa kaniya ang pillow. Humalakhak siya at inalog ako. "Kaso... rejected eh." dagdag ko dahilan para matahimik siya.

"Ay naku, ayos lang 'yan! Nandiyan pa naman si Azriel. Nandito naman kami parati para sa iyo." sambit niya. She's probably trying to uplift me.

"I love you, besh." mahinang aniko.

"Love you too." she responded softly before hugging me. I heard her sniffed before she suddenly pushed me. "Maligo ka na, bruha ka! Mag-mall tayo." Tinulak niya ako hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko habang tumatawa kami pareho.

Mabilis lang akong naligo dahil baka mainip pa siya lalo dito. I wore a mom jeans, white tee, and a pair of white shoes. Tinali ko ang buhok ko, saka kinuha ang sling bag bago lumabas.

Nagpaalam na siya sa mga magulang ko ngunit nagpaalam pa rin ako ng personal. Pinabaunan pa ako ng limang one hundred bills.

Nang makarating ay dumiretso kami sa sinehan. Napangisi na lang ako nang makita ang nobyo niya na naghihintay doon. Sabi na nga ba't gagawin lang akong chaperone nito. Pero 'di bale nang maging thirdwheel sa kanila. Basta ba may libreng pagkain. It's just also a good thing that she brought me with her so I can protect her.

Sila ang bumili ng ticket ko at ako naman na ang bumili ng snacks ko. Hawak ng lalaki ang kamay ni Thalia kaya naman pumunta ako sa likod nila. But she just held my hand and smiled. Nang nasa loob na ay nagpokus na lang ako sa pinapanood at hinayaan 'yong dalawa.

Hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng kung anu-ano hanggang sa natapos ang pelikula. Ni hindi ko man lang nga na-enjoy iyon.

Pasakay kami ng elevator nang mapansin kong nakangisi ang lalaki habang bumababa ang kamay niyang nasa baywang ni Thalia.

Tiningnan niya ako saka ngumiti. "Ikaw 'yong girlfriend ni Azriel, 'di ba?" tanong nito.

"No. We're just dating." mahinang sagot ko.

"Doon din naman papunta iyon." saad niya bago bumaling kay Nathalie. He hugged her from the back. Ang awkward para sa katulad ko ang makakita no'n kaya nag-phone na lang ako. I was about to dial Joss' number ngunit nagdalawang isip ako. After no'ng naging usapan namin, hindi ko na alam kung dapat ko pa siyang kausapin. I mean, nakakahiya lang kasi.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon