18

52 3 0
                                    

"Good evening, Architect!" bati ng barista nang makita niya ako. I just smiled and wandered my eyes. Nang may makitang bakanteng table, agad akong umupo doon. I'm wearing my usual attire; pants, long-sleeved blouse, and any kind of shoes.

Habang nag-iintay sa lalaki ay um-order na ako ng inumin ko. Kasabay nang pag-upo ko ay ang pagdating ni Zyair. Nakangiti siya na akala mo ay nanalo siya.

Ininom ko ang kape ko at inignora na lang siya.

"Hindi ko inaasahang sisipot ka." tila tuwang-tuwang pahayag ng lalaki. Hindi ko rin naman inaasahang pupunta talaga siya. Si Joss naman ang totoong ipinunta ko dito, e. "Pasensya na. Akala ko kasi hindi ka sisipot kaya naiwan ko 'yong bracelet mo."

"Oo." saad ko sabay taas ng kamay ko dahilan para manlaki ang mga mata niya. "Hindi ko alam kung anong nagawa ko para magsinungaling ka sa akin. Pero sa nakikita ko, you didn't asked me out for the bracelet. I bet you wanted something." I stated.

"Yes, of course. I wanted something else. Kaya nga gumagawa na lang ako ng rason para mapagbigyan mo lang ako." tila desperado nang sambit niya.

"Kaibigan kita, Zyair. Nag-usap na tayo, hindi ba?"

"Ayaw ko ng kaibigan lang, Chacier. Gustung-gusto kita."

"May gusto na akong iba." pirming saad ko atsaka nag-iwas ng tingin. Saktong papasok ang isang lalaki at nakangiti pa. The staffs greeted him as he walked towards the counter.

"Sir, nandito na po si Architect. Kaso... may kasama pong iba." rinig kong sabi ng barista sa kaniya. Tatayo na sana ako upang anyayahin na lang si Joss sa ibang lugar nang hawakan ni Zyair ang kamay ko.

"You can't do this to me." mahina ngunit seryosong saad niya. Bumuntong hininga na lang ako sabay bawi ng kamay ko.

"Tinkerbell!" kaswal na pagtawag ni Joss sa akin. Mahina kong hinampas ang braso niya saka ako bumeso. I don't know pero komportable akong gawin iyon kahit ilang taon na ang nakalipas. "Hindi ka pa rin nagbabago." bulong niya kaya kinunotan ko siya ng noo. "Maganda pa rin... pero matigas pa rin ang ulo."

"May ulo bang malambot?! Ikaw nga bano pa rin, eh." tugon ko dahilan para matawa siya.

"Sirau—"

I covered my ears with my hands when he was about to curse. I bared my teeth when he giggled. "Let's just be professional here." seryosong aniko, and tried to maintain my resting bitch face.

"Okay. Pero sana we can talk casually." he responded. Tumingin ako sandali sa kaniya.

"I preferred being formal whenever talking to our clients." saad ko na sa tingin ko'y inignora niya lang.

"I... missed you. You weren't responding to my messages. Naisip ko na baka nagpalit ka na ng number dahil..." Nag-iwas siya ng tingin. Marahil iniisip niya ayaw ko siyang kausap or something. "Hindi mo-"

"It's not what you think. My sim expired." I cut him off. "Anyways," I trailed off. Inilibot ko ang paningin ko upang maghanap na lang ng bakanteng table dahil wala na rin akong energy para umalis dito. I was just about to open my mouth when Zyair suddenly appeared.

"Siya ba?" tanong niya sa akin.

"Uhm..." Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya. Ayaw kong masaktan siya dahil kaibigan ko siya.

"Hindi ako magagalit, Chacier." saad niya kaya tumango na lang ako. He smiled bitterly before he patted my head and left. I feel guilty. Hindi man niya sabihin, alam kong nasasaktan siya. Tao siya at may nararamdaman.

"Hanap na tayo ng mauupuan." saad ko sa kontroladong boses. Tumango lang siya at sumunod sa akin. Nakatingin lang ako sa iPad ko at dinodrawing ang sa tingin kong babagay na bahay sa kaniya habang inaantay na magsalita siya.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon