"Chai, sama ka mamaya?" tanong ni Sav habang nilalaro ang susi ng sasakyan niya. Wala naman akong ibang gagawin kaya pumayag na ako.
I immediately texted my Love to inform him that I'll be joining my colleagues for dinner. I just feel like telling him.
Time passed by, sunud-sunod na silang nag-alisan. Habang ako naman ay nag-aayos pa kaya kinailangan pa akong hintayin nina Savannah at Kokoy para sabay-sabay na kami.
Tinali ko ang mahaba kong buhok. At bago lumabas ay sinuot ko muna ang blazer ko at binitbit ang bag.
As soon as we arrived, the receptionist lead us the way to our reserved tables. Nakapag-order na rin pala sila at hinihintay na lang na i-serve.
From: Lodicakes ❤️
Okay. Eat well. Enjoy your dinner. <3From: Lodicakes ❤️
We're also having dinner with the staffs and manager. Haha. ;)I can't help laughing whenever I'm reading his name on my contacts!
"Akala ko ba bawal ang phone? Night out 'to 'di ba? Hayaan niyo muna ang mga jowa o asawa niyo." reklamo ng isang kasamahan. Inignora ko na lang iyon at itinago ang cellphone. Wala naman kasing sinabi sa akin.
"Blooming ka ngayon, Architect Chacier."
"May boyfriend ka na ba?"
"Hay naku, inlababo 'yan.. since highschool kaso bawal." pang-aasar ni Savannah. Kung wala lang kaming ibang kasama baka nabatukan ko na 'to. Ang daldal, e.
"Wala naman atang boyfriend si Architect, eh." sabat ni Zyair dahilan para tumaas ang isang kilay ko. "Hindi ba't sabi mo sa twitter, malapit na magkaibigan lang talaga kayo noong kliyente na sikat pala?"
"Wow. Hindi mo naman kami sinabihan na bigatin pala ang mga contacts mo."
"Naka-follow ka sa kaniya? Sana all. Naka-private kasi iyong account. Hindi pa ina-accept follow request ko."
"Hindi naman kasi ako active doon." mahinang aniko. Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na 'yong waiter. Ang dami nilang in-order! Tatlong waiter kaagad ang nag-serve.
Katabi ko lang si Zyair at nakaakbay siya sa upuan ko kaya umabante ako sa halip na sumandal.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya nagpaalam ako sa kanila na pupunta ng CR. I opened the conversation and almost drop my phone when I read his message!
Agad akong lumabas at inilibot ang paningin ko. Nang makita ang grupo nila ay palihim akong lumapit doon. Kaunti lang ang kumakain ngayon sa restaurant kaya siguro dito sila pumunta.
"Hoy, akala ko ba sa CR ang punta mo—Oh my G!" Biglang tumili si Sav kaya hinigit ko ito palayo. "Nandoon 'yong crush ko. Bakit hindi mo sinabing magkakilala pala sila ni Joss?"
"Noong isang araw ko lang din nalaman. Manahimik ka nga. Kasama nila 'yong mga staffs at manager." bulong ko sa kaniya. Sumulyap pa ako sa puwesto nila.
Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya ng matamis then, "I love you." he mouthed. Saktong ise-serve ang pagkain nila kaya umalis na kami.
"Ang sweet! Ba't pa ako umiinom ng gamot? Sa inggit lang pala ako mamamatay." pabirong pahayag niya. May sakit siya sa puso at bawal siya mapagod. She just pursued architecture 'cause it's her dream. She wanted to at least achieved her dream if ever-ayaw ko nang sabihin because that won't happen.
"Ang tagal niyo." puna ni Kokoy.
"Inuna na kasi nito 'yong dessert." makahulugang sagot ni Savannah. Halatang naguguluhan sila sa iwinika niya.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomanceMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022