16

49 3 2
                                    

After how many years, he really came back. Tinupad niya ang pangako niya. Ngunit handa na nga ba akong pumasok sa isang relasyon ngayong nakaharap ko na siya? Lagi kong iniisip na handa na ako kahit hindi naman ako sigurado. I was scared of commitment that's why I never tried.

"Anong nangyari sa 'yo?" kunot-noong tanong ni Kodi.

"Wala." tipid na sagot ko. Sinuguro ko munang ayos na si Zyair bago ako bumalik sa site dahil walang nagbabantay doon.

When breaktime arrived, dumating si Kokoy na may dalang dalawang box ng pizza. Kasama niya si Zyair na may bitbit na saklay. I immediately assisted him. "Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya.

"I didn't know that you still care 'bout me." mahinang sabi. "After the mixed signals, blames, and rejection..." mapait na sabi niya.

I felt something stabbing my heart. Hindi ko kailanman naging intensyon ang masaktan siya. He was the President on our school before, who was broken into pieces by me. At that time, sobrang dami kong problema at halos sa kaniya ko na naibubuntong ang init ng ulo at sama ng loob ko dahil siya naman lagi ang nangungulit sa akin. And because of frustration, sa kaniya ko halos naisisi ang mga mali ko which is really inappropriate and unfair. But I am grateful that we still became friends. However, I thought wala lang sa kaniya ang mga iyon. Hindi ko naisip na iba na pala ang iniisip niya sa paraan ng pagtrato ko.

"Shouldn't I?" I asked. Ngumisi lang siya at tinulungan na lang ang sariling makaupo. Tinawag naman ako ni Kokoy kaya lumapit na rin ako sa kanila.

"Balita ko nandito na ulit si Kuya Joss." wika ni Kokoy. Hindi na ako nagulat dahil totoo naman at kakikita ko lang sa kaniya. "Hoy, hindi ka ba masaya?" tanong pa niya. Ramdam ko ang tingin ng mga kasama namin sa akin kaya yumuko ako.

It has been years pero hindi pa rin ako nagbabago. Ganoon pa rin, I hate being the center of attention.

"Of course, I am beyond happy. Ang tagal ko na siyang hindi nakakasama. Nakakamiss kaya siya." tugon ko habang ngumunguya ng pizza.

"Kaya nga. Miss ko na rin sweet moments niyo." kunwaring seryosong aniya kaya umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Hoy! Bawal 'yan." naiusal ko. He's lowkey exposing my past! Nakakahiya tuloy sa mga kasama namin na nakatingin na sa akin ng nakakaloko. "Actually... nagkasalubong kami kanina sa hospital. He's already a psychologist."

"Ah, kaya pala tulala ka!" sigaw niya saka tumawa. "Ano nang mangyayari niyan pagkatapos no'n? Magpapaligaw ka na ba sa kaniya?"

I snorted and drunk my pomelo flavored Smart C+. Huminto ako nang maalala na naman iyong mga panahong siya ang nagbibigay sa akin ng ganito. "May audition daw siya e. Kapag natanggap siya, malamang ay magiging busy lang ulit iyon. We don't have time."

"'Di mo sure, Chai. Alam ko namang siya pa rin ang gusto at iniisip mo. At alam ko ring mahalaga ka sa kaniya dahil kung hindi, hindi ka no'n hihintayin. He'll definitely find time just to be with you." tugon niya at umirap pa.

"Kung totoo gusto mo ang isang tao, hindi mo siya paghihintayin." sabat ni Zyair na talagang ikinainis ko.

"Not in our situation!" I exclaimed. Kodi immediately held my hand to calm me down. I sighed, "you know nothing. So just shut your mouth, Engineer Andrade."

Bumaling ako kay Kokoy nang matapos na ang breaktime. I bade my goodbye before I came back to the firm. I saw a familiar figure laying against the wall of the coffee shop, malapitan lang sa firm, so, I immediately walked towards him. "Architect Suson!" usal ko nang paalis na siya.

"Gusto ko lang magpasalamat sa effort at hardwork mo. Good luck sa audition mo!" nakangiting sabi ko. Tumango lang siya at sumenyas na aalis na. He's always like that at hindi ko alam kung bakit. Halos sa ilang taong pagtratrabaho niya, mahigit sampung beses ko lang ata siya naka-interact. Kalimitan pa ay tungkol sa mga proyekto ang pinag-uusapan namin.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon