35

42 1 0
                                    

"Sorry... sorry... Utos lang ng management..." lumuluhang wika niya. He sat beside me and tried to look at my face but I kept avoiding his gaze. Umusog ako sa kama at nagpa-side na lang para hindi niya ako makita.

I wiped my tears and just hugged myself. Hindi naman ako umiiyak kanina. Pero nang makita ko siyang lumuluha, biglang sunud-sunod na pumatak ang luha ko. I don't want to see him in pain, nanghihina ako.

Naramdaman ko ang paghiga niya at pagyakap sa akin sa likod.

"Please, stop apologizing. Sinunod mo lang naman sila. Wala kang kasalanan." saad ko nang hindi siya nililingon. Hindi naman kasi big deal iyon sa akin. Naiintindihan ko naman na kailangan nila iyon. Hindi ko lang talaga maiwasang maging emosyonal at magselos lalo na't sobrang dikit nila tapos botong-boto pa ang fans nila sa loveteam nila.

"Sorry." He whispered for the last time. Hindi na siya nagsalita at isiniksik na lang ang mukha sa leeg ko. Haharapin ko sana siya nang bigla siyang magsalita. "Ikaw lang ang mahal ko, Chai. Wala akong pakialam sa kung anong natatanggap ko. Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan kita."

I automatically smiled when I felt his lips on my temple. However I still tried to maintain a serious face. Bumaling ako at hinarap siya. "D-Do you like her?" I stuttered. I'm hesitant but I still asked, anyway. I just wanna know! Maka-compliment kasi siya kanina.

Agaran siyang umiling. "No." He simply responded. "Ikaw lang." Kasabay noon ay ang pag-akap ko sa kaniya. I pulled away and laid down properly while smiling.

He didn't let me leave tonight. So bukas na lang ako uuwi sa amin. Bibisita rin kasi sina Kuya Bust doon bukas dahil lilipad na sila papuntang England sa weekend. Si Kuya Eron naman, may ia-announce daw. Parang reunion na rin namin.

He wrapped his arms around me whilst I leaned my head on his chest. "Good night, Tink. Sweet dreams." bulong niya bago ako makatulog.

Kinabukasan, nagising ako na nasa tabi pa rin ang asawa ko. Tumingin ako sa orasan at napagtantong dalawang oras na lang bago ang shooting nila para sa performance nila sa isang TV show. He gave me a sweet smile when he noticed that I'm awake.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? You're going to be late." I told him.

"Ayaw kong magising ka nang wala ako sa tabi mo," he responded. "Huwag kang mag-alala dahil na-move ang oras ng shoot. Hindi ako male-late." He followed.

"Sure ka?"

"Yes, Love... Mag-aalmusal ka pa ba? I will cook."

Tumango ako at tumayo na. Tumingin siya sa banyo nang mapatingin ako doon. Patayo pa lang siya nang inunahan ko na siya doon.

"Uy, papasukin mo ako!" sigaw niya.

"Maliligo ako!" tugon ko. "Doon ka sa banyo mo."

"Sira 'yong shower." pagdadahilan niya.

"May tabo at timba." I paused. Hindi ko na siya narinig na nagsalita kaya binuksan ko ang pinto. My eyes went wide opened when I saw him preparing my clothes! When he's done, agad siyang umalis kaya naligo na lang ako.

Pagkalabas pa lang ng kuwarto, amoy ko na agad ang sinangag na niluluto niya. I smiled adoringly when I saw him bonding with his mother and sister. Nang makita ako ni Melli, lumapit siya at hinila ako papunta doon.

Joss was dancing with his mother. Hinawakan ko ang kamay ni Melli at ginaya namin sila.

We laughed hard nang muntik nang masunog ang niluluto ni Joss. Sumulyap ako sa pan, "mukha nang lugaw sa sobrang lambot 'yong pancit canton." sambit ko.

His eyes suddenly widened. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaupo sa stool. Sunod niyang pinaupo ay ang mama at kapatid niya. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sariling matawa.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon