Halos magtatalon na ako sa kama ko habang nakatingin sa phone ko. He commented on my post! It's just a picture of me last night sa despedida nina Kuya. Nakasuot ako ng knitwear green dress habang naka-messy bun naman ang na-bleach kong buhok!
@JCSantos Tinkerbell? 🤔
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o may iba siyang ibig sabihin. Pero kung nang-aasar lang siya, puwes ang lakas niya mang-asar.
@sereinitea Ghost? 🤔
@kodi.lara ikaw ata yon love HAHAHAHAHA
I was about to reply to Kokoy when my phone suddenly vibrated. My jaw dropped, thinking how did he got my phone number? Ilang beses ko nang pinalitan ito. Well, yeah, I still recognized him 'cause I memorized his number.
["Good morning, Arya!"] sambit niya sa kabilang linya.
"Hayop. How could you talk to me casually after so many years?! At... anong Arya ha?"
["Oh, sorry. Who's this?"]
"Uhm... I'm..." I trailed off. My eyes widened when Kodi suddenly grabbed my phone.
"Engineer Kodi Korbin Lara. Anong kailangan mo?" masungit na tanong niya sa lalaki sa kabilang linya. He's still wearing his pajamas and hairband.
"Paano ka nakapasok dito? Kumain ka na? Sasabay ka ba ulit? Bakit hindi ka pa naghahanda?" sunud-sunod na tanong ko saka umupo sa kama ng maayos. Tumango lang siya, akala mo naman manghuhula ako. Alin doon ang sinagot niya?
Ngumisi pa siya bago ibinalik sa akin ang selopono ko. Tiningnan ko muna iyon at nakitang ibinaba na ni Joss ang tawag.
"Bakit daw ako nasa kuwarto mo?" sambit ng lalaki sabay hagalpak ng tawa. "Ba't biglang naging seloso? Hindi mo naman ako ginagamit, 'no?"
I bared my teeth as I rolled my eyes. "Feeling mo." mahina akong tumawa at hinampas siya ng unan. Babalik na sana ako sa pagtulog dahil alas sinco pa lang naman nang bigla niya akong kargahin.
I laughed hard when he immediately put me down dahil biglang sumakit ang likod niya. "Tumatanda ka na talaga." mapang-asar na aniko.
"Bumigat ka lang talaga. Ang takaw kasi." he shot back. Tumawa na lang ako dahil totoo naman. Tumingin ako sa oras at napagtantong nakaalis na sina Kuya niyan. Marahil ay nakasakay na rin sila ng eroplano.
Kodi looked on whatever I was looking before gazing at me with a confused look. I chuckled and grabbed my towel before telling him to go out.
Mabilisan lang akong naligo. Nagsuot lang din ako ng presentableng damit at inayos ang sarili. Sa totoo lang, simula nang magtrabaho ako, saka na lang ako natutong mag-ayos ng sarili. Bagay naman pala kung magsuot ako ng bestida, at maglagay ng kolorete sa mukha. Siguro hindi ko lang talaga sigurado kung ano talaga ako noon.
"Chai, kain na!" sigaw ni Kokoy. Dali-dali akong bumaba habang bitbit ang iPad ko at nagbabasa ng emails. Pagkapasok sa kusina, kaunting cornbeef at kanin na lang ang natira. Si Kokoy, nasa may sink na at nagsisipilyo. Nakabihis na rin ito ng presentableng damit at mukhang nag-ayos talaga.
"Gamit mo toothbrush ko?" tanong ko nang makita ang kulay asul na hawak niya dahilan para mapatigil siya.
"Sa 'yo ito?" gulat na tanong niya. "Ay pasensya. Pareho kasi kulay ng toothbrush natin, eh." sambit niya at nagpatuloy. He has a toothbrush here dahil palagi naman siya dito. Napailing na lang ako habang paupo sa silya ko. Kinain ko na lang din iyong natira dahil baka mahimatay na naman ako sa site kapag 'di ako kumain. "Nasaan iyong bracelet mo, love?" sunod na aniya.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomansaMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022