Nasa site ako ngayon habang kasamang naglilibot ang lawyer at si Joss. Ngayon lang siya naging libre dahil katatapos lang ng debut nila last last week kaya napakaraming guestings. I was surprised 'bout how he nailed his part. I've never heard him sing that genre. Madalas ay nagra-rap siya. His groupmates were good as well. Napakahusay nila. Muntik pa kaming mag-away dahil biglang nag-iba raw ang bias ko. Nagtatampo!
Nagtawag ako ng isang engineer at agad namang lumapit si Zyair. Wala si Kodi dahil may inaasikasong papeles. May ino-offer kasing project sa amin sa ibang bansa kaso wala pa akong lakas ng loob. It's a huge company under the Fashion Industry. Baka siya na lang at 'yong ni-refer kong architect.
"Joss," pagtawag ko sa lalaki. He looked at me with the sweetest smile as possible plastered on his face, making me feel a bit shy. The lawyer and Zyair were looking at us!
I opened my mouth to speak pero inunahan niya ako.
"I hope you're free later?" patanong na pahayag niya. Tumawa ako ng mahina at tumango sa kaniya. We barely go out together dahil may ibang fans na nasasaktan. A few of them are minors at hindi pa nagsi-sink in na he's in a relationship. I understood them, anyway, so I just do what I think is right.
"Anyways," I trailed off. Inilibot ko ang paningin ko at nagpaliwanag na lang. Nagawa pa talaga niyang isingit iyon! Puwede namang mamaya na lang sa text.
Kinagabihan, hindi na ako nag-abalang mag-ayos. Gusto kong magpahinga muna sana ngunit gusto ko ring makita si Josiah. Lately, parang gustung-gusto ko siyang nakikita lagi. Kahit pa pagod na pagod ako. Sa tuwing nakikita ko naman siya, tila gumiginhawa rin ng kaunti ang pakiramdam ko.
"Architect, may naghahanap sa iyo sa may lobby." Savannah looked at me with a faint smile plastered on her face. Ilang araw na siyang nagrereklamo dahil ang boyfriend ko na lang lagi ang kasama ko. They've been inviting me to parties but I don't feel like going so I always refuse to come. I just... don't like crowded place. It exhausts me. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin ako sanay. I rarely socialize with other people.
Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Kinuha ko ang bag ko sa couch, at bumaba sa lobby.
A man in a black pants, white hoodie, black mask, and white shoes welcomed me with a warm embrace. Hawak pa niya ang cellphone niya sa isang kamay.
"Architect Chacier, pinapatawag ka ni Mr. Wage." biglang sabat ni Zyair na kabababa lang din.
I gasped and faced Josiah. "Mabilis lang. You can wait in my office." I told him. Umiling siya at tinuro ang mga upuan malapit sa kinatatayuan namin.
"Dito na lang kita hihintayin. Nakakahiya sa colleagues mo." bulong niya at inilibot ang paningin. Nakatingin ang iba sa amin dahilan para makaramdam ako ng kaunting hiya.
I bit my lower lip as I nod my heading. Tumakbo na ako at gumamit ng elevator para agad na makaakyat. Pasara na ang pinto ng elevator nang biglang may humabol. Akala ko si Joss pero si Zyair lang pala.
"May date yata kayo ng boyfriend mo." pahayag niya.
"Just a normal dinner date." Plain na sagot ko at tiningnan ang wrist watch ko. Ayaw kong maghintay siya ng matagal doon.
"Sikat; gwapo; mayaman... Talo pala kaagad ako. Tapos halatang mahal na mahal pa niya..." bulong niya na hindi nakalagpas sa pandinig ko. Sumulyap ako sa kaniya at hindi umimik. "Talong talo... mas mabuting tumanggi na lang."
Nang tumunog ang elevator, bumaba na rin ang lalaki nang hindi ako nililingon. Suminghap ako bago sumunod sa kaniya na papasok din sa office ni Dada. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Naguguluhan ako sa kaniya at sa trato niya sa akin. Kahit naman umamin siya sa akin noon, iyong pakakaibigan naman namin ay parang 'yong sa amin lang ni Kokoy. May times na sweet pero madalas puro kalokohan. He used to tell me a lot of latest update about random topics. Kaso biglang lumamig ang pakikitungo niya.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomantizmMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022