01

141 9 13
                                    

Tumunog na ang bell kaya naman dali-dali akong nag-ayos ng gamit at lumabas ng classroom. Tatakbo na sana ako papunta sa Mabini building upang puntahan sana ang kaibigan ko nang biglang may umakbay sa akin.

"Kailan ka pa diyan?"kunwaring masungit na tanong ko saka humalukipkip. Mabilis na kinuha ng lalaki ang bag ko at akmang hahalikan ang pisngi ko. I immediately pulled away and gave him a disgusted look. "Kadiri ka, Kuya!"

"Ito naman... Inantay na nga kita sa labas ng room niyo para sabay na tayo umuwi." nakangusong tugon niya.

Tumaas ang kilay ko. "Akala ko ba may practice kayo ng basket?" I asked out of curiosity.

"Mayro'n nga, at may date rin kami ni Mich. Pero pumunta pa rin ako dito dahil walang magsusundo sa iyo." Matalim ang tingin niya sa akin saka muling umakbay.

"Ah, so abala pa pala ako? Pasensya at nasira ko ang schedule mo." sarcastic na tugon ko. "Buti pa 'yong iba diyan, hindi palareklamo kapag sinasabay ako."

I tsked. Maglalakad na sana ako palayo nang bigla niyang higpitan ang pagkakaakbay niya. "Kuya naman! Kainis ka. You made me feel guilty for ruining your schedule then, ayaw mo akong paalisin ngayon." litanya ko.

"You're my only sister, my only princess. Hindi ka puwedeng sumabay kay Kokoy." sambit niya bago ako hinigit papunta sa parking lot.

"You're overprotective!" reklamo ko pa pero hindi na niya ako pinansin. Suminghap ako at pirming tumayo sa gilid ng sasakyan niya. "Gusto ko ng kwek-kwek at pancake." I pouted.

"Masyado ka nang nagpapa-baby. Maging independent ka naman minsan, Chai." pabirong pahayag niya.

"Ako pa ngayon ang nagpapa-baby? Eh, kayo naman 'tong tinatrato akong parang sanggol." singhal ko. Umirap siya bago lumayas sa harap ko. Agad naman akong sumunod sa kaniya at bumili ng pagkain at inumin.

"Painom, Chai." sabat ni Josiah na kararating lang galing sa covered court sabay kuha ng inumin ko sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya habang iniinom niya iyon. Nang ibalik niya ay hindi ko na tinanggap.

"Sa iyo na." I said lowly before gazing my brother.

Josiah Carter Santos, varsity player. Kaibigan siya ni Kuya since junior high school. Madalas niya akong inaasar at kinukulit kaya naging close na rin kami. Palagian din siyang dumadalaw sa bahay lalo na kapag may nalalapit silang exam. Studying is their own kind of hanging out. Kung minsan naman ay tinuturuan niya ako. We became friends. Ngunit siya kasi 'yong tipo ng kaibigan na kapag nag-away kami, lagi siyang nangsusuyo, kaya hindi ko rin... maiwasang... magkagusto sa kaniya... kahit pa ang hilig niya mang-inis.

"Gusto ko nang umuwi, Kuya." mahinang sambit ko pa.

"Bust, tuloy pa sa inyo mamaya? Wala naman na kayong date ni Mich ngayon, 'di ba?" sabat ni Joss habang kumakain ng kwek-kwek.

Mabilis na tumango si Kuya. "Sabay ka na rin saamin para hindi ka na mamasahe kung wala ka naman nang ibang lakad. 'Di rin naman tuloy practice natin."

Suminghap ako at pumasok na sa backseat. Ilang araw ko siyang iniiwasan pero dahil may group study na naman sila sa bahay, imposibleng hindi niya ako kausapin. Mananatili na lang siguro ako sa kuwarto ko at aabalahin ang sarili sa pagguhit. He was giving mixed signals.

Nang makasakay sila ay agad kong kinuha ang phone ko at binulabog si Mich. Malamang ay naihatid na siya kanina ni Kuya.

And I did what I planned when we got home. But unfortunately, lagi akong tinatawag ni Kuya Eron dahil may inuutos. May maliit na living room sa second floor at nasa dulo ang kuwarto ko kaya naman madalas ko silang nadadaanan.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon