Tw: abuse & mention of offensive weapon
Ilang linggo ang nakalipas at halos naghahanda na lang ang lahat para sa final examination.
Nanalo ang team nina Kuya sa basketball noong Provincial tournament. Ngunit nang mag-National na ay umalis ang isa nilang kagrupo sa kadahilanang ipinatigil na siya ng kaniyang mga magulang upang makapag-focus sa pag-aaral kung kaya't kinailangan nilang maghanap ng kapalit. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na sila nanalo sa kumpetisyon. Subalit hindi naman doon nagtatapos ang lahat. Some of them joined the Philippines olympic.
Kasalukuyan kong ginagawa ang presentation namin nang biglang nanginig ang kaliwang kamay ko. Agad ko itong hinawakan at saka ako huminga ng malalim ng maraming beses hanggang sa kumalma.
Hindi pa nakakalipas ang isang oras ay bigla na namang nanginginig ito dahilan kaya hindi ko matapos-tapos ang ginagawa ko. I pulled my hair both frustratedly and exhaustedly nang may mag-replay na senaryo sa utak ko.
It just happened few days ago when I'm unconscious because of not getting enough sleep and for not eating proper meal. Kagigising ko lang nang marinig si Dada at Mama na nag-aaway. Hating gabi na noon at napakadilim na ng paligid.
Nakaramdan ako ng gutom kaya sinubukan kong tumayo at lumabas upang kumuha nang makakain. Akala ko ay nasa kuwarto sila ngunit nakita ko sila sa sala.
"Nakipag-inuman ka na naman kahit alam mong bawal sa iyo. Naoperahan ka na nga dahil nagkabato ka sa apdo dahil diyan sa kakalaklak mo ng alak at kakakain ng kung anu-ano! Hindi ka na ba talaga natuto, Edelberto?" pasigaw na tanong ni Mama kay Dada.
"Anong inaasahan mong gawin ko? Aalis na lang bigla? Nakakahiya sa kumpare ko. Pinilit lang nila akong uminom." tugon ni Dada.
"Ah, so sa kumpare mo, nahihiya ka. Pero sa akin, hindi. Ganoon ba?" she said loudly, that could even wake our neighbors up.
"Huwag mo akong pagtataasan ng boses, Bridget. Akala mo hindi ko malalamang nakikipagkita ka pa sa ex mo?" biglang tugon ni Dada.
Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko pa sa mga naririnig ko. Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko habang sinusubukang takpan ang tainga upang hindi na marinig ang matatalim na salitang ibinabato nila sa isa't isa. Hanggang sa may makita akong patalim na hawak ni Mama. Gusto kong tumakbo pababa upang pigilan sila ngunit nanlalambot na ang mga tuhod ko.
"Patayin mo na lang ako, ano?! Tutal iyon naman ang gusto mo, hindi ba? Para ano? Para magkasama na kayo ni Melanie!" nanggagalaiting sigaw pa ni Mama habang pilit na ibinigay ang patalim kay Dada.
Hindi ko alam... hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. My mother has been suspecting my father but I know to hell that he's a decent man and he can't do things that may ruin our family. He promised to me. He told me how much he loves my mother kaya hindi ako makapaniwala sa naririnig. Pero si Mama, batid kong labis siyang nasasaktan. Kung nasasaktan si Daddy, alam kong mas nasasaktan si Mama dahil nagseselos din ito. She thought my father was cheating. Nilalason ng mga ilang kakilala ang utak niya. And probably those people were trying to ruin our family.
Bumagsak ang kutsilyo kasabay ng pagluhod ni Mama habang humagulgol. Narinig kong may bumakas na pinto at agad na lumapit sa akin. Nanikip ang dibdib ko nang walang paalam na umalis si Dada.
I ran down to my Mama and hugged her tight. I was humming the lullaby she used to sing for me whilst crying.
"Chacier..." rinig kong sambit ng isang babae. Lumingon ako sa may pinto napaiyak na lang nang makita si Mama. I forgot to close and lock the door kung kaya naman nakita niya ako panigurado. I immediately hugged her saka ako umiyak.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomanceMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022