I finished senior high school with STEM as my strand. Joss and I still talk sometimes on phone. But since he has hectic schedules, halos isang beses sa tatlong buwan na lang kami magkausap. Naiintindihan ko naman lalo na't BS Psychology ang degree niya. At isa pa ay may sariling buhay siya doon sa Manila.
I take Architecture in college. Nahihirapan ako mag-adjust noong una dahil kulang-kulang ang gamit ko pero habang tumatagal, napagpasyahan kong magbenta na rin ng artworks ko noon upang idagdag sa pambili ko ng mga gamit ko. Ayaw ko na rin kasing maging pabigat sa pamilya ko.
My parents still having rows sometimes. Especially, nang malaman ni Mama na halos baon na sa utang si Daddy sa pagpapagawa niya sa firm. Naibenta na niya iyong isang motorcycle at iyong kotse niya para lang may mapanggastos kami kaya naman mas lalo akong nagpursige.
I tried applying to some shops. I thank Heavens dahil tinanggap ako bilang waitress kahit part-time lang.
"Okay ka lang diyan, bakla ha?" paninigurado ni West habang naghahalo siya ng mga alak dito sa club. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. He already stopped studying sa kadahilanang hindi sapat ang kanilang pera. Ang sahod ng ama nila ay sapat lang sa pangkain nila sa araw-araw.
Kahit papaano naman ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit hirap na kami ng pamilya ko, may pangkain pa rin kami at naibibigay din nila ang pangangailangan namin.
Pagkauwi ay umidlip lang ako saglit saka ko ginawa ang plates ko. Nagtimpla na rin ako ng kape sa halip na gatas. It's already 2:47 AM. Patapos na rin ako kaya pinilit kong hindi makatulog sa kalagitnaan ng paggawa.
"Magandang umaga!" rinig kong sigaw ni Kuya Eron mula sa sala sa baba. Medyo masakit na ang ulo ko pagkagising ko kaya nagpahinga muna ako bago bumangon.
Nakatulala lang ako habang kumakain. Iniisip kung sapat na ba iyong ginawa ko o kung tatanggapin ba ng prof namin.
Nakaupo lang ako sa hagdan habang kinakain ang baon kong tinapay nang may biglang lumapit sa aking lalaki. Matagal na akong kinukulit nito. Kung anu-ano ang sinasabi niya at wala naman akong pakialam.
"Actually... can I take you out for a date?" he asked out of the blue.
Walang emosyon akong tumingin sa kaniya. "No." tipid na sabi ko.
"But why? Ang tagal ko nang nagpapapansin sa 'yo." parang bata at mapagbintang na saad pa niya.
"Kasi hindi kita type." I responded frankly. Wala akong pakialam kung magalit siya o ano. Hindi ko naman siya kaanu-ano. Mas importante pa ang plates ko kaysa sa kaniya.
"Kung ayaw mo, e'di 'wag. Ang sungit, hindi naman kagandahan." singhal niya sabay walk out.
Hindi kagandahan... siguro nga hindi ako kagandahan. Sa ilang mga linggo ba namang halos hindi na ako matulog kagagawa ng plates, research na individual at handwritten pa. Tapos iyong trabaho ko pa, simula ng alas siete at matatapos ng 11 PM. Minsan ay may maaarteng customer pa akong nakakasalamuha kaya ang bilis kong naiirita.
That became my daily routine. Not until my visions went black again as I collapsed while we're presenting in front of our prof and classmates.
No one of my family members came here for me. Tanging si Kokoy lang ang nandito at kausap ng nurse. They told me to stop my part-time job but I can't. Paubos na ang savings ko. Minsan na lang din nila ako bigyan ng pera.
"Chai, gusto mo nang milktea?" tanong ni Yanette habang hawak niya ang phone at wallet niya.
"Eh, hindi naman mahilig si Chai sa tsaa." tugon ni Mama kaya kahit gusto ko ay umiling na lang ako sa kanila. Kasi kapag tumango ako, may masasabi na naman noon sila sa akin.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomanceMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022