09

43 4 0
                                    

["Good... Ayo'ko lang maistorbo kayo kaya 'di ako tumawag. At gusto ko ring mag-enjoy ka kasama ang pamilya mo..."] mahina ngunit malambing na pahayag ni Joss. ["Hoy, ini-start niyo na?... Oo, kasama si Melli."]

Napasinghap ako nang marinig ang boses ng isang babae sa kabilang linya. Ano ba 'tong nadarama ko? Alam ko namang kaibigan lang naman niya iyon. Walang dapat pagselosan, Chai. Hindi naman kayo.

["Teka. Sandali... Uhm, Chai, kita na lang tayo bukas sa school ha. May laro kasi kami ngayon ng Valorant."] pahayag niya.

Tumango ako at ngumiti kahit hindi naman nakikita ng lalaki. "Sige, bye. Enjoy and good luck sa game niyo. See ya' soon. "

["Oh, shit! Sure win na 'to. Inspired si Kuya."]

Natawa ako sa iwinika ng mga kasama niya.

["Melli? Ba't kasali ka, Melli? May exam ka pa sa Huwebes ha. Bakit hindi ka nagre-review?... Ano bang hindi mo maintindihan?... Math?... Send mo sa akin, ituturo ko."]

Ibababa ko na sana ang tawag nang biglang ako ang binabaan. I lowly laughed and shook my head. Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong binasa ang message.

From: Kuya Joss
Pakisabi sa Kuya mo, 'yong pasalubong ko huwag niyang kalimutan. Hahaha. ❤️

"Hoy! Kilig kilig ka diyan. Kapag ako, nalaman kong may boyfriend ka na... naku, ipapatapon ka talaga namin sa isang napakaliblib na lugar." mapagbantang ani Kuya Eron habang sinusuklay ang buhok niya, katatapos lang maligo.

Napakadami naming nagawa kahapon kaya napagdesisyonan kong magpahinga muna ngayon. Mamaya na lang ulit siguro ako maliligo sa dagat.

Umirap ako at tinago ang phone ko bago lumabas upang paalalahanin si Kuya sa pasalubong daw ni Joss. Abala siya sa pakikipag-usap sa isang babaeng hindi namin kilala. Ngiting-ngiti pa ang loko.

"Pasalubong daw ni Jo—Kuya Joss." sabat ko sa kanila. "Pero okay lang kung ayaw mong bumili. Ako na lang... Tutal mukhang may iba kang paglalaanan." walang emosyong dagdag ko saka sumulyap sa babae.

He just tsked. Umakbay siya sa akin habang nakangisi saka ginulo ang buhok ko. "Huwag kang mag-selos. Ikaw pa rin naman ang prinsesa ko."

"Yuck ha. Prinsesa? Puwede namang—"

"Sige, ano oh?"

"I'm someone else's princess already." I mumbled and stooped my head nang bigla siyang bumitaw at iniharap ako sa kaniya.

"Sino ha? Sinasabi ko sa 'yo, bawal ka pang mag-boyfriend."

"Ba't kayo puwede nang magkaroon ng girlfriend?" kunwaring nagtatampong tanong ko saka ngumuso dahilan para samaan niya ako ng tingin.

Suminghap siya nang yumuko dahil nagpipigil talaga ako ng tawa. Akala niya siguro iiyak ako. "Napag-usapan na natin 'to, hindi ba?" kalmadong pahayag niya at sinubukang iangat ang mukha ko. Muntik pa akong mabatukan nang napakahalakhak ako.

"Wala na akong panahon sa mga ganoong bagay, Kuya. I'm so busy with my friends and schooling." usal ko. Friends... especially Josiah. Pero huwag muna ngayon.

"Talaga lang." sarcastic na tugon niya. I just shrugged. "Anyways, this is Mhaze. She's a young model in UK. Filipina rin siya." pagpapakilala niya sa babaeng kasama niya kanina.

"Bago mo?" I mouthed ngunit binigyan lang niya ako ng matalim na tingin. Lumingon ako sa babae at nakipag-kamay. "Nice meeting you." I politely said. Nagpaalam na rin muna ako sa kanila at bumalik sa hotel room. Kinuha ko lang ang wallet ko at naglibot sa may tiangge.

"Hello po, Miss!" biglang sabi no'ng lalaking nasa tabi ko lang habang tumitingin ako ng mga damit para kay Joss at Kokoy.

I faked a cough nang mahuli iyong nakatingin sa akin habang nakangiti. Hindi ko alam kung anong trip nito o kung palangiti lang talaga siya. Umiwas ako at kinuha na lang phone ko. Ako lang ang babaeng mamimili ang nandito kaya medyo nahiya na ako. I tried dialing Joss' number ngunit hindi siya sumasagot.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon