Hindi ko alam kung paanong ang mga sinabi ni Joss ay nagkatotoo. Matapos nagkausap ng mga magulang ko ay nagkabati rin sila.
Subalit ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya noon. Ginugulo ako sa aking pagtulog. Hindi ko mawari kung anong nais niyang ipahiwatig.
Ngayon na ang kaarawan ko at napagpasyahan naming pumunta na lang kami sa Zambales ilang araw pagkatapos ng birthday ko dahil may klase kasi kami sa ngayong araw.
I thought of bringing Joss with us since parang parte na rin siya ng pamilya kung ituring siya ng mga magulang ko. Lagi rin naman siyang nasa bahay kahit weekend kaya napapadalas ang asaran namin.
Halos ang mga kaibigan ko nga ay nagrereklamo na dahil hindi naman daw kami ng lalaki pero siya ang madalas na sinasamahan ko. I don't know... I just feel really comfortable with him. I always feel safe around him. Kapag kasi siya ang kasama ko, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil alam kong may nakakaintindi sa akin at may napagsasabihan ako.
"Oh God..." Thalia uttered as she snap her fingers. My thoughts were interrupted because of her. "You must've caught a chill from the serein... again." Hindi makapaniwalang sambit niya sabay hablot sa earphone ko. "All this time, salita ako nang salita pero hindi ka naman pala nakikinig." She rant over and over.
"Sorry." tipid na sabi ko at umayos ng upo sa jeep dahilan para mapatingin sa akin si Mich. We decided to go to a park para naman makapag-bond naman daw kami. Si Kokoy ay kasabay na sina Colette, Sav, Yanette, at Kuya Eron. Late silang umuuwi dahil late din silang dinidismiss ng lecturers nila. Si Kuya Buster naman ay may sariling lakad daw. Alam ko namang iniiwasan lang niya si Mich dahil kahihiwalay lang nila noong isang araw.
I immediately wandered my eyes around the oval. My eyes sparkled, amazed by the beautiful view in front of me. May mga taong nagpi-picnic kaya tuwang-tuwa naman ako habang pinapanood sila. Hinila ako ng dalawa papunta sa CR kaya kinunotan ko sila ng noo.
"Isuot mo 'to." saad ni Thalia sabay abot ng bestida!
"Ayo'ko nga. Hinding-hindi niyo ako mapapasuot ng bestida o palda, Thalia. Number one hate ko 'yan." angal ko ngunit inilingan lang nila ako.
"Try mo lang. Tingnan lang namin kung bagay sa 'yo. Dali na." sambit nila at marahang tinulak ako papasok sa cubicle. Wala akong nagawa kung hindi sukatin iyon.
It's a spaghetti strap black silk dress! Tapos hanggang itaas ng tuhog ko lang ang haba. Bagay naman sa akin kaso ayaw ko talaga ng ganito lalo pa't fitted.
"Tapos ka na patingin nga?" rinig kong ani Mich. I shyly opened the door and glared at them nang tumawa sila. Babalik na sana ako upang ibalik ang suot ko kanina nang hilain na nila ako palabas. Bumalik sa loob si Thalia upang kunin ang mga gamit ko.
Sinasabi ko na nga ba't may binabalak sila eh! Mabuti na lang at lagi akong handa. I took my plaid long sleeved shirt and wore it when they're not looking.
Lakad lang kami nang lakad hanggang sa huminto sila at hinarangan ako. Palibhasa'y matatangkad kaya hindi sila nahirapan sa pagharang sa tinitingnan ko.
"Hoy, ang ganda naman ng dalaga natin!" sigaw ni Kuya Eron habang naglalakad sila palapit sa amin at may bitbit pang mga pagkain at blanket. I cringed a little with the word he used.
Magtatakipsilim pa lang kaya naglaro muna sila. Hindi ako makasali dahil nakabestida ako at hindi ako sanay na maglaro ng ganito ang suot. Kaya sa halip na makilaro ay kumain na lang ako mag-isa.
Nang mapagod sila ay tumigil rin at nagpahinga bago nagsikain.
Tinatanaw ko lang ang buwan at mga tala sa madilim na kalangitan nang bigla silang pumaikot sa akin habang kumakanta ng Happy Birthday Song. May espasyo sa gitna sa tapat ko kaya mas lalo akong nagtaka sa kanila.
BINABASA MO ANG
SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)
RomanceMeet the eldest and the lead rapper of SB19, Josiah Carter Santos. - "Love? I'd never considered it before. It'll hit you all of a sudden." "He's the reason of the calmness of my thunders." Started: November 19, 2021 Completed: Jan 25, 2022