06

49 6 0
                                    

"Kung keyboard warrior ka, ba't 'di mo ako ma-type-an?" lakas loob kong tanong sa lalaki.

"Miss ma'am, napakabata mo pa. Wala ka pa nga sa legal age." sagot ni Joss dahilan para mapatingin ako sa kaniya habang ngumunguya ng chips.

"Ah, so kapag nasa legal age na ako, pu-puwede na?" I looked at him, anticipating for his response.

"No. Hindi rin kita gusto." tipid na aniya at nagpatuloy sa pagta-type sa laptop. Aray ko, ah! "Tapusin mo na lang 'yang essay mo. Pagalitan pa tayo ni Tito kasi dinadaldalan mo ako." sabi pa niya.

I pouted and rolled my eyes before resting up. Sakto namang kadarating ni Mama galing sa bayan. Agad akong lumapit sa kaniya at tinulungan siya sa pagbuhat ng pinamili niya.

"Nasaan Kuya Eron mo?" tanong niya.

"Nandoon kina Sav." simpleng sagot ko at maliit na ngumiti habang tinitingnan ang damit na binili niya para lang kay Kuya Eron. "Tataas po muna ako. Kailangan ko pa kasing tapusin iyong research ko." pagpapaalam ko. Tumango lang siya at nagpakuha muna ng tubig bago ako umakyat sa kuwarto ko at ginawa na lang ang mga dapat gawin.

Nang matapos ako ay may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko. "Chai, gising ka?" rinig kong sabi ni Josiah. Akala ko nakauwi na siya kasi patapos naman na siya kanina sa part niya sa research papers nila.

Tumingin ako sa relo ko at napagtantong alas otso na pala. Hindi man lang nila ako tinawag kanina upang kumain. Sabagay ganito naman ako palagi, hindi ako mahilig sumabay sa kanila sa pagkain.

The door opened when I spoke. Iniluwa noon ang lalaking may hawak na dalawang baso ng gatas. Sunod naman pumasok ay si Mama na may bitbit na pagkain. Kaunting rice, at limang ham and cheese roll. May ketchup pa.

"Salamat, hijo. Pasensya na rin sa abala." sambit ni Mama kay Joss.

"Walang anuman ho." magalang na tugon ng ginoo. Pinanood ko lang silang ayusin ang pagkain ko sa isa pang table ko dito sa kuwarto.

Josiah was about to go out kaya nagsalita ako. "Would you stay for a while?" I uttered. Kita ko ang mabilis na pagdaan ng gulat sa mata ni Mama. Habang nanatili naman ang lalaki na nakangiti lang. "Kailangan ko lang ng... companion."

Tumango siya at naupo sa bakanteng upuan.

Humawak ako sa kamay ni Mama dahilan para bumalik ang atensyon niya sa akin. Parang aligaga pa siya nang patayuin ako at ipinaupo sa tapat ng pagkain.

"Napansin ko kasing matamlay ka kanina. Bumili na ako ng ham, cheese, at wrapper kanina dahil balak ko talagang gumawa nito para sa napakasipag kong bunso." pahayag niya dahilan para mapangiti ako. "At sabi rin ni Joss na mahilig ka raw sa gatas kaya ipinagtimpla ka na namin." dagdag niya.

Oh right! Siya lang naman talaga nakakaalam ng mga gusto ko dahil hindi naman ako super open sa pamilya ko. Sa close friends lang.

I started eating the food while they're watching me. I put my earphones on whilst a music's playing just to lessen the awkwardness I am feeling right now.

Nang maubos ko ang pagkain at gatas ko ay inalis ko rin ang earphone ko at nilingunan sila. Nakatingin si Mama kay Joss at parang may sinabi pa dahil tumango ang lalaki at lumabas.

"Puwede ba tayong mag-usap?" She slowly asked, worried I might get mad. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin. Ngunit sa paraan ng pananalita niya nabatid ko na baka tungkol lang sa kanina.

Sanay naman akong wala ako laging pasalubong dahil napakahirap naman hanapin ng mga gusto ko. Hindi rin naman dapat big deal iyon pero hindi ko lang maiwasang malungkot kasi lagi na lang sila ang mayroon... at kahit ano naman ay na-appreciate ko. Hindi naman importante na 'yong hiling ko ang ibili nila, hindi naman importante 'yong halaga o presyo.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon