27

34 0 0
                                    

My eyes grew wider when a man stood beside me while I'm walking to the mall. Hinapit pa niya ay baywang ko! I gazed him and immediately pulled away when I saw Azriel.

Nakangisi pa siya habang nakatayo sa harap ko.

Umirap na lang ako at pumasok ng bookstore. I need to buy things for painting. Malapit na ang Valentine's Day and I'm planning to give Joss a painting as a gift.

I thought umalis na 'yong lalaki ngunit gulat ako nang pagliko ko sa kabilang aisle ay siya agad ang bumungad sa akin.

"Ano bang ginagawa mo?" I asked, irritated. Magsasalita pa lang siya ngunit may biglang sumabat.

"Don't you dare disrespect her!" rinig kong wika ng isang lalaki sa baritonong boses dahilan para mapatingin ako doon. Alam kong hindi siya si Joss pero hindi ko naman inaasahang si Zyair 'to.

"Bakit? Sino ka ba?" Mayabang na tanong ni Azriel kay Zyair.

"Girlfriend ko siya. So, fuck off!" tugon ng lalaki. My lips parted by just what he said. Girlfriend? Ako? Siraulo ba siya? "Huwag ka nang tumanggi. Ako nang bahala sa gagong 'to." bulong ni Zyair at hinawakan ang pala-pulsuhan ko.

Azi glanced at me and plastered a playful smile. "Tell me, who's better in bed?" tanong niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Batid kong nang-aasar lang 'to kay Zyair dahil wala namang nangyaring ganoon. Hanggang sa pag-date lang kami noon.

He smirked when I didn't speak. "Have you forgotten? Akala ko pa naman I'm too good to remember that night... Well, I guess.. you haven't done it. Kawawa naman ang nobyo mo."

That night... yeah... I remembered. But he just forced to go with him. I believed he put something on my drink that's why I became a bit unconscious that time. However, I still managed to escape nang hindi niya ako nagagalaw. He told me he did not intend to do that as he apologize, and I believe him so we kept going out. I was blinded by my thoughts... my wants, and beliefs.

"At least, I know how to respect her. Unlike you who only wants to get in her pants. I'm sure as hell that you never love her." pirming tugon ni Zyair sabay hila sa akin palayo at inabutan ng panyo dahil may pumatak na mga luha sa pisngi ko.

"He's really an asshole. Wala namang nangyari." aniko habang sinusubukang pigilan ang luha ko sa pagpatak.

"Gagong aso 'yon! Kaya una pa lang ayaw ko na siya sa pinsan ko. Kung hindi lang nabuntis si Ate Cameron at kung 'di lang siya mahal ng pinsan ko..." aniya dahilan para tumigil sa pagpatak ang luha ko.

"You're related with Colette and Ate Camcam?" gulat na tanong ko. Mukhang nag-aalangan pa ang lalaki nang tumango. "Then why didn't she get mad when Azriel was going out with me?" pabulong na tanong ko sa sarili.

"Walang alam noon si Colette dahil hindi naman sa kanila tumitira si Ate Cam." sagot niya sa tanong ko.

Tumango-tango ako at ngumiti sa kaniya. "Salamat nga pala."

Ginulo niya ang buhok ko bago dumistansya ng kaunti at sinamahan na akong mamili. I told him na hindi na kailangan dahil baka nakakaabala na ako but he insisted. After I purchased the materials and some books, we went to a pancake house inside the mall. Siya ang nagbayad ng kinain namin siyempre... mapilit, e. Hinayaan ko na lang.

May mga napapatingin sa gawi namin pagkatapos ay bumubulong kaya naman ipinasuot niya sa akin ang sumbrerong suot niya.

"Sabihin mo kapag hindi ka komportable. Iuuwi na lang kita sa inyo." aniya habang naglalakad kami papunta sa may arcade upang maglibang.

I chuckled lowly. "Ngayon na lang tayo magbo-bonding, pauuwiin mo pa ako."

"At sinong nagsabing hindi tayo magbo-bonding sa inyo kapag hinatid kita?" parang nanghahamong tugon niya at tiningnan ako ng diretso sa mata.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon