Chapter 17

885 19 2
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 17



INIS na lumingon si Noel sa katabing si Aileen na tahimik na nagmamaneho ng kotse. Ewan niya kung na nanadya ba talaga ito o sadyang ganito lang talaga ito kabagal magneho? Damn. Male-late na siya sa kanyang guesting!

Napabuga siya ng hangin para pakalmahin ang sarili. Ngunit muli siyang napatingin sa suot niyang relo at halos sampung minuto na lang ang nalalabi at tiyak niyang mali-late na siya! Dagdagan pa ng tila takbo pagong nitong pagmamanaeho!

Siya pa naman ang tipo ng taong ayaw magpapahuli sa kanyang mga aktibidades. Lalo na pagdating sa kanyang career. He's never been late like this before! Ngayon lang dahil sa kagagawan ng personal niyang bodyguard na matigas ang ulo!

"Wala na bang ibibilis ang pagpatakbo mo ng kotse? Dinaig mo pa ang parada ng mga patay!" Wika niya at muling napabuga ng hangin dahil sa sobrang inis.

Ngunit ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin na tila ba hindi siya nito naririnig dahilan ng mas lalo niyang ikinainis.

"Ano ba? Naririnig mo ba ako? O sadyang bingi ka na talaga?!"

Marahan itong napabaling sa kanya na tinaasan siya ng kilay. Mayamaya ay napaismid pa ito sa kanya nang muling binawi ang paningin para ibalik sa kalsadang tinatahak nila.

"Hindi mo ba ako naririnig? O talagang na nanadya ka na?"

"Naririnig kita!" asik nito.

Marahas siyang napasuklay sa kanyang buhok at napahilamos ng kanyang palad sa mukha. "Please... Pakibilisan mo ang pagmamaneho dahil male-late na ako.." Mariin niyang wika at napabuga ng hangin.

"Hindi pwede."

"You what!?"

"Hindi pwede! Paulit-ulit?!"

"Shit! Ano ba ang problema mo? I'm your boss! At dapat mo lang sundin ang iniutos ko! For god sake! Mahirap bang intindihin na may hinahabol akong guesting! Pero sa pagmamaneho mo tiyak na hindi na ako makakaabot!" Napataas na ang kanyang boses dahil sa sobrang inis sa dalaga.

"I'm sorry.. But I'm doing this for your own good, Sir Kuting.." Nakangiting lingon nito muli sa kanya. "And for your safety.." Dagdag pa nito.

"For my own good!?" Ulit niya. "Wala akong pakialam kung ano man iyang iniisip mo na para sa kaligtasan ko! Ang gusto kong gawin mo ay ihatid ako sa studio! At sisiguradohin mong makakarating ako sa tamang oras! Dahil kapag nagkataon na ma-late ako...you'll DEAD!!!! dahil sisiguradohin kong ito na ang una at huling araw mo na pagpapakita sa akin!"

"Whoah! I'm scared.."

"I'm not kidding you dammit!" Duro niya at napahampas sa dashboard ng kanyang kotse. Bakit ba hindi man lang natatakot sa kanya ang babaeng ito? At tila sinsadya pang galitin siya? Ano ba ang dapat niyang gawin dito? Muli siyang napabuga ng hangin. "I'm warning you, I'm not kidding.." Pagbabanta pa niya.


NAPAKAGAT-LABI si Aileen habang panay ang tingin sa rearview mirror ng kotse. Kanina pa niya napapansin ang itim na kotseng nakasunod sa kanila. Sinubukan niyang bilisan ang kanyang pagpapatakbo sa pagbabaka-sakaling mali siya ng hinala ngunit nagkamali siya. At talagang sila ang sinusundan ng itim na kotse sa kanilang hulihan. Kaya naman napilitan siyang bagalan ang pagpapatakbo sa dahilang marami silang nakakasabay na motorista sa mga oras na iyon.

Mas maigi na ang ganun para hindi makagawa ng hakbang ang sumusunod sa kanila para gawan sila ng hindi maganda. Dahil marami ang makakasaksi sa anumang mangayari. Kanina pa naman niya inihanda ang kanyang isipan sa maari niyang gawin para makaiwas sa sumusunod sa kanila.

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon