Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 23
NAGISING si Noel nang makarinig nang mahinang pagdaing. Sandali siyang nakiramdam at hindi muna iminulat ang kanyang mga mata. Pakiramdam kasi niya ay nahihilo pa siya dahil kakapikit lamang niya. Hindi kasi siya nakatulog kaagad dahil sa kakatitig sa dalagang katabi niya.
Nang muling makarinig nang pagdaing ay napilitan na siyang imulat ang kanyang mga mata. Napatagilid siya ng higa paharap sa kanyang katabi. Saka niya napansin na tila nagdidileryo na ang katabi niya.
Kitang-kita niya mula sa nakabukas na ilaw ng kwarto niya ang gabutil na pawis nitong dumadaloy mula sa noo nito. Maging ang leeg nito ay basa na rin ng pawis.
Agad niyang kinapa ang noo nito para lang mapamura. Mainit kasi ang temperatura nito na siyang nagpabalikwas sa kanya mula sa pagkakahiga.
Pinunasan niya ang pawis nito gamit ang kumot habang patuloy sa pagdaing ang dalaga. Kaya nabahala siya sa kabila nang patuloy niyang pagmumura.
Shit!
Anong gagawin niya ngayon? At bakit ngayon pa ito nilagnat kung saang nakaposas ang mga kamay nila?
Shit!
Damn it!
"Aileen? Aileen, wake-up. Are you okay?" pilit niyang ginising ito pero mas lalong lumakas ang pagdaing nito.
Nagulat pa siya nang bigla itong sumigaw ng 'Mommy' at 'Daddy'. Kinabahan tuloy siya at hindi alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Kaya pinilit niyang gisingin ito pero hindi ito tumutugon sa kanya.
Sa sobrang takot niya ay niyakap niya ang dalaga. Saka ito binuhat at bumaba sa kanyang kama. Agad na hinagilap ng mga mata niya ang kanyang cell phone kung saan niya iyon ipinatong. Nang makita iyon ay agad niya iyong kinuha habang buhat-buhat sa mga bisig niya ang dalaga. Maging ang susi ng kotse niya ay hinablot na rin niya na siyang katabi lamang ng cell phone niya.
Nagmamadali siyang lumabas ng kanyang kwarto at bumaba ng hagdan. Habang ang puso niya ay napuno na pagkabahala sa dalagang buhat-buhat niya. Kung nakinig lang sana ito kanina sa kanya, eh, di sana hindi na sila humantong sa ganitong sitwasyon.
"Shit! Dammit!" muli siyang napamura nang muntikan na siyang matisod dahil sa pagmamadali. Buti na lang at naibalanse niya ang kanyang katawan dahil kung hindi, tiyak na kapwa silang bumagsak sa sahig ng dalaga.
Lihim din niyang sinisi ang posas na nakakabit sa mga kamay nila. Kung hindi lang sana sila nakaposas, eh, di sana hindi na siya nahihirapan pa.
Pinilit niyang buksan ang front door nang marating iyon. Saka niya tinungo ang kanyang kotse at pumasok doon. Nang mailapag niya paupo ang dalaga ay kinuha niya ang cellphone niyang inilagay sa kanyang bulsa.
Agad niyang tinawagan ang kapatid ng bodyguard niya. Mabilis niyang ikiniwento ang pangyayari rito at sinabing magkikita na lamang sila sa hospital na pagdadalhan niya sa kapatid nito. Sinabi rin niya ang problema niyang nakaposas sila.
Matapos kausapin ang kapatid ng bodyguard niya ay tinawagan na rin niya ang manager niyang si Rowena. Ngunit napabuga siya ng hangin nang walang may sumasagot sa kanya kaya kinancel na lamang niya ang tawag niya.
Nag-alala pa siyang tinapunan ng tingin ang katabi niyang dumadaing pa rin. Mabilis niyang inilapit ang palad sa noo nito at muling pinunusan ang pawis nito gamit ang isang palad niya. Saka niya pinindot ang hawak niyang remote control ng gate niya at agad iyong bumukas.
"I'm sorry..." nasambit niyang napabuga ng hangin habang nag-alalang nakatingin sa dalaga. "Hold on, you will be okay," muling wika niya at binuhay na ang makina ng kotse niya at lumabas sa malaki at mataas na bakal ng gate niya.
NAKAHINGA nang maluwag si Noel nang makarating sa hospital. Agad niyang nakita ang kapatid ng bodyguard niyang si Arnel na lumabas ng patrol nang huminto ang kotse niya. Nasa mukha din nito ang pag-alala nang makita ang kapatid nito na agad nitong sinalat ang noo.
"I think sa sugat niya nanggaling ang lagnat niya," sabi niya rito. "Sinabi ko naman sa kanya na pumunta na lang kami sa hospital pero ayaw niya. Ni ayaw niyang ipaalam sa 'yo na matamaan siya." pagkukwento pa niya rito habang si Arnel ay kinuha ang mga susi ng posas sa bulsa nito.
"It's okay, naiintindihan ko. Matigas lang talaga itong ulo ng kapatid ko pero salamat na rin at dinala mo siya rito."
Mas lalo siyang nakahinga nang maluwag nang tuluyang makawala ang mga kamay nila sa bakal na nakaposas sa kanila. At agad ding binuhat ni Arnel ang kapatid nito palabas sa kotse niya at dinala sa E.R habang siya naman ay nag-alala pa ring nakasunod dito.
Ni hindi na niya inalintana ang mga matang nakasunod sa kanya at mga bulong-bulongan. Nawala na kasi sa isip niya ang estado niya sa buhay dahil sa pag-alalang nararamdaman para sa dalaga.
Saka lamang siya napahinto nang sabihin nang nurse na sa labas na lamang sila maghintay. Bawal na raw kasi silang pumasok sa E.R at ipagbibigay alam na lamang sa kanila ang sitwasyon ng pasyente pag natapos na nilang eksamenin iyon.
Napabuga naman siya ng hangin nang mula sa nakapinid na glass door ng E.R ay sinusundan niya ng tingin ang dalagang nakahiga sa stretcher. Hanggang sa mawala na ito sa paningin niya nang isara ng isang nurse ang berdeng kurtina kung saan dinala ang bodyguard niya.
"MOMMY!"
Napabalikwas nang bangon si Aileen habang habol niya ang kanyang paghinga. Napahawak siya sa kanyang noo at nakitang basang-basa iyon ng pawis. Taas-baba rin ang dibdib niya dahil sa paghahabol ng hininga. Pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hangin at nanghihina siya. Lalo na nang makita niyang may nakasabit na dextrose sa tabi niya mula sa kamay niya.
Gusto niyang maghestirikal kung bakit naroon siya pero kulang ang lakas niya para gawin iyon.
Nasapo niya ang kanyang ulo at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Hanggang sa biglang napasigaw na lamang siya na animo'y may kinakatatakotan.
Doon naman bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya ang nag-alalang mukha ng boss niya.
"Are you okay?" sabi nito na agad na lumapit sa kanya.
Agad niyang iwinaksi ang kamay nito nang hawakan siya nito sa braso. Saka niya binaklas ang naka-tape na karayon sa kamay niya.
"What are you doing?!" nabiglang tanong ng boss niya pero hindi na niya nagawa pang sagutin iyon dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga.
Kailangan niyang makalabas ng kwartong iyon. Kailangan niyang makaalis at makalayo sa lugar na iyon bago pa siya mawalan ng lakas at bumagsak sa sahig.
Ni hindi niya alintana ang pag-panic ng boss niya at ang paulit-ulit nitong pagpindot sa intercom na humihingi ng tulong sa nurse station. Ni wala siyang pakialam sa dugong lumalabas sa kamay niya na siyang binaklasan niya nang nakakabit na karayom kanina. Ang gusto lang niya ng mga oras na iyon ay makaalis sa kwarto na iyon.
"Please, somebody help me!" narinig niyang halos pasigaw nang wika ng boss niya sa intercom.
Saka naman bumukas ang pinto at nakita niya ang mga nurses na nagmadaling pumasok at inalalayan siya. Maging ang nag-alalang mukha ng Kuya Arnel niya na nakasunod sa mga nurse ay agad ring lumapit sa kanya.
"Kuya...let me get out of here?!" gusto niyang isigaw iyon sa kuya niya pero tila bulong na lang ang lumabas sa labi niya.
Saka niya naramdamang ang pagturok ng karayom sa braso niya habang pigil-pigil siya ng mga nurse. Hanggang sa mabilis na namanhid ang katawan niya ngunit nakatingin pa rin ang nanlalabo niyang mga mata sa nag-alala niyang kapatid.
"Kuya..." mahina niyang sambit. Ni hindi niya napigilan ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. At bago pa iyon mahulog sa pisngi niya ay nawalan na siya ng taong malay.
------
A/N:
Baka magulohan kayo kung bakit nagkaganito. Hahaha!
Malalaman niyo rin ang kadramahang ito ni Aileen sa mga susunod pang mga kabanata, hahaha!
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
БоевикNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...