Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 25
A NIGHTMARE
"TAGO-TAGUAN! Maliwanag ang buwan, masarap maglaro, sa dilim-diliman! Makabilang kong tatlo, nakatago na kayo! Wala sa harap, wala sa likod! One...two...three!"
Pigil-pigil ng batang si Aileen ang sariling mapasigaw habang nakasiksik ang kanyang maliit na katawan sa aparador na naroon sa kwarto ng kanyang magulang.
Kasalukuyang naglalaro silang mag-anak na siyang nakagawian nila tuwing umuuwi ang daddy niya sa bahay nila.
Deputy Director General kasi ang daddy niya at sa Maynila ito naka-assign kaya tuwing sabado na lamang ang uwi nito sa bahay nila na nasa Pampanga pa.
Tulad ngayong gabi.
Mag-aalas-otso pa lamang at masaya silang naglalaro ng magulang niya.
Ang mommy niya ang taya ngayon habang sila naman ng daddy niya ay nagmamadaling nagtatago.
Patakbo silang umakyat ng daddy niya sa kwarto ng mga ito na animo'y hinahabol ng kaaway at nagkanya-kanya nang tago.
Aparador ang una niyang nakita kaya doon siya nagmamadaling nagtago habang ang daddy naman niya ay natatawang nagtago sa likod ng pinto.
Sayang nga at wala ang Kuya Arnel niya ngayon sa bahay nila. Dumalo kasi ito sa isang party ng kaibigan nito na malapit lang ang bahay sa kanila.
Sa edad niyang pitong taon ay hindi pa rin niya maiwala ang nakagawiang makipaglaro ng tago-taguan kasama ang magulang niya.
Larawan sila ng isang masayang pamilya na siyang kinaiinggitan ng mga kaibigan niya at ng karamihan.
Ang swerte-swerte daw niya dahil kalaro niya ang kanyang magulang, taliwas sa karamihang pamilya na hindi na nagawang bigyan ng pagkakataon makipaglaro sa mga anak para maka-bonding man lang.
"Daddy...makikita ka diyan ni Mommy," tila pabulong na wika niya na sumilip pa sa siwang ng aparador.
Napahagikgik pa siya nang mag-make face ang daddy niya at sinabihang wag maingay ngunit nasa labi naman nito ang malawak na ngiti.
"Ready na ba kayo? I'm coming now!"
Napakislot siya at napahawak sa kanyang labi nang marinig ang boses ng kanyang mommy.
Mabilis niyang hinila ang pinto ng aparador pasara at pigil ang sariling matawa nang makita mula sa siwang ng aparador ang daddy niyang isiniksik pa lalo ang sarili sa likod ng pinto.
Narinig niya ang papalapit na mga yabag ng mommy niya habang natatawang tinatawag ang pangalan nila ng daddy niya.
Kagat niya ang kanyang labi na pigil pa rin ang sarili na huwag gumawa ng ingay nang sa ganoon ay hindi siya makita ng mommy niya.
"I'm coming!" muling wika ng mommy niya nang makita niyang sumungaw ang ulo nito sa pintuan habang malawak ang ngiti sa labi.
Akma nang pumasok ang mommy niya sa kwarto nang mabigla ito't may malakas na bumulabog sa ibaba ng bahay nila dahilan para matigilan ito't napatingin sa ibaba.
Napakislot siya ngunit nanatili siyang tahimik nang mapasigaw ang mommy niya.
Doon na lumabas ang daddy niya sa pinagtataguan nito at mabilis na lumabas ng kwarto.
Nabahala siya nang makarinig ng mga galit na boses. Tila may kumosyon na nangyari sa pagitan ng boses ng daddy niya at magaspang na boses na hindi niya kilala.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
AcţiuneNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...