Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 20
"OH, SHIT!" mahinang mura ni Aileen. Kaya pala nakaramdam siya nang pamamanhid ng kanyang balikat ay dahil natamaan siya.
Agad niyang hinubad ang suot niyang jacket. Saka tumambad sa kanya ang sugat niyang dumudugo pa rin. Napangiwi siya kahit na namumutla. Takot kasi siya sa dugo pero pinilit niya ang sariling huwag bumigay. Mahirap na at baka kung saan pa sila hahantong ng kasama niya. Numero uno pa namang nerbyoso ang boss niya.
"What? Titigan mo na lang ba 'yan? Tara na nga at nang madala ka sa hospital!"
"Huwag!" pigil niya.
"Why?"
"Hindi pwede!"
"At bakit? For God sakes! May tama ka, oh! Gusto mo bang mamatay?"
"Daplis lang naman 'to at malayo sa bituka. Kaya hindi ako mamatay nang dahil lang dito," aniya na kinuha ang panyo sa kanyang bulsa.
"Nababaliw ka na ba?"
"Noel, please..." napabuntong hininga siya na tinitigan ang mukha nito. Partikular ang mata ng binata na ewan niya at may nakita siyang pag-alala roon. "Hindi tayo pwedeng pumunta sa hospital dahil tiyak na masusundan at mahahanap tayo roon ng mga humahabol sa atin kanina. Mas lalo tayong mapapahamak."
"I dont care! Ang importante ay magamot 'yang sugat mo, dammit!" napabuga ito ng hangin na halos hindi na maipinta ang mukha. Ewan nga ba niya kung totoo ang kanina pa niya nakikitang pag-alala sa mukha nito. Hanggang sa mapasuklay ito sa buhok nito at tiningnan muli ang braso niya. "Oh, my holy God, it's still bleeding!"
"Relax, I'm okay."
"You're not okay, bullshit!" Dont you see that? Dumudugo ang sugat mo at namumutla ka na, tapos sasabihin mong okay ka lang? Anong klaseng babae ka ba, ha? Hindi ka ba natatakot mamatay? And what the hell we're doing here with this damn thing?" itinaas nito ang kamay nitong nakaposas pa rin sa kamay niya. "Well you please unlock this, so I could bring you to the hospital?"
Saka niya naalala ang susi ng posas na nasa bulsa. Pero mas lalo siyang napangiwi nang hindi na makapa roon ang susi kaya mas lalong nagalit ang kasama niya.
"What the---argh! I hate this kind of a scene!" hinablot nito ang hawak niyang panyo saka itinali iyin sa braso niyang malapit sa sugat niya. Napa-aray siya at napakagat labi hanggang sa walang babala siya nitong isinakay sa motor na nakapwesto sa likod ng binata. "Dadalhin kita sa hospital," sabi nito.
"Huwag!" mabilis niyang pigil. "Please, huwag mo akong dalhin doon."
"Aileen, ano bang nangyayari sa 'yo? Alam mo bang pinapahirapan mo lang ang sarili mo?"
"Basta! Huwag tayo sabi sa hospital. Daplis lang ito at kaya ko naman 'tong gamutin. Umuwi na lang tayo, please."
Ilang sandali pa silang nagbangayang dalawa hanggang sa ito rin ang unang sumuko sa pamimilit niyang umuwi na lang sila. Narinig pa niyang napabuga ng hangin ang binata bago nito pinaandar ang motor at mabilis silang nakaalis sa lugar na iyon.
"ARAY!" napangiwi si Aileen nang idampi ni Noel ang basang cotton sa sugat niya saka nito iyon pinalitan ng panibago at malinis na cotton ball at nilagyan ng betadine. Dahan-dahan nitong ipinahid iyon sa sugat niya na tanging nagawa niya ay ipikit nang mariin ang mga mata.
"I told you, pumunta na tayo sa hospital para magamot ng maayos itong sugat mo!" sermon pa nito sa kanya na ngayon ay nilalagyan na ng bandage ang sugat niya.
"At ano na lang sasabihin ng mga makakakita sa atin sa ayos nating ito?" tukoy niya sa kamay nilang dalawa na nakaposas pa rin hanggang ngayon. "Baka mapagtsismisan ka pa ng medya kapag magkataon," sagot niya na sandaling pinigilan ang isang kamay ng binata nang makaramdam ng sakit.
"So? Eh, di sabihin natin ang totoo na hinahabol tayo ng mga masasamang tao!"
"Hayaan mo na lang muna at maaayos din ito. Hindi rin matatagalan at mahuhuli rin namin ang mastermind ng mga pangyayaring ito sa 'yo," sabi niya na tinitingnan ang braso niyang nalagyan na ng bandage.
"At ano ang balak mo sa nangyari kanina? Itago na lang iyon sa pulisya? Hindi ba't dapat nga ay mag-report tayo sa mga pulis para makapagresponde sila sa nangyari sa atin?"
"Noel...nakakalimutan mo ba? Pulis din ako, at hindi na kailangang tumakbo tayo sa mga pulis para isumbong ang nangyari kanina. Hayaan mong ako na ang mag-handle nito at ipinapangako ko sa 'yong mahuhuli rin ang may pakanan nito."
"Kailan pa? Kapag lahat tayo ay napahamak na?"
"Anong mapahamak? Bakit? Wala ka bang tiwala sa team namin?" balik-tanong niya sa binata na ilang sandaling hindi nakapagsalita.
Hanggang sa umupo ito sa tabi niya at isinuklay ang isang kamay sa namamasa nitong buhok dahil sa pawis. "So, what we gonna do now?"
"Syempre, maghintay na mag-umaga para sa pagdating ni Kuya, ano pa nga ba?"
"With this?" turo nito sa mga kamay nilang nakaposas. Napakabikit balikat na lamang siya bilang sagot. "I hate it! Bakit hindi mo na lang kasi sabihin sa kapatid mo na ngayon na pumunta rito para matanggal na itong lintik na posas na 'to?"
"Ayokong mag-alala si Kuya sa akin kaya hintayin na lang natin ang pagdating niya bukas, okay? Atsaka, huwag kang mag-alala, eh, hindi naman kita gagapangin mamaya kapag natulog na tayo dahil hindi naman kita type!"
"What the---at anong akala mo? Na type kita at may pagnanasa ako sa 'yo? In your dreams!" mabilis na sagot nito na halos mandiri pa sa sinabi niya. Dahilan ng lihim niyang pag-ngiti sa reaksyon nito at napabuntong hininga.
"Iyon naman pala, eh. 'Di wala na tayong problema. Hindi kita type, hindi mo rin ako type. Kaya walang dahilan na gapangin kita at gapangin mo ako dahil tulad mo ay pareho lang tayong walang pagnanasa sa isa't isa kaya safe ang sarili natin hindi ba?"
"Ewan ko sa 'yo! Kausapin mo 'yang sarili mo!"
"Kita mong lalaking 'to! Masyado ka namang maarte!"
"Will you please keep your mouth shut up?! May sugat ka na nga kung umasta ka para ka lang walang dinaramdam. Mas mabuti pang inumin mo na yang pain reliever at anti-biotic para hindi na mag-infection 'yang sugat mo!" inis na wika nito na ituro ang mga gamot na nakapatong sa maliit na lamesa sa harap nila.
"Yes, Sir Kuting..." nakangiti niyang ayon sa binatang nanliit ang mga mata sa kanya.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
AçãoNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...