Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 4
PASALAMPAK nang upo si Noel sa malambot na sofa nang makarating sa sariling bahay. Kakarating lang niya galing sa Iloilo kasama ang dalawang pinsan niyang sina Cher at CatchMe.
Napatayo siya nang marinig ang biglang pagtunog ng kanyang telepono na nakapatong sa isang maliit na glass table sa gilid ng sofa. Humakbang siya palapit doon at sinagot ang tumawag.
Si Rowena. Ang kanyang manager na siyang gumagawa ng kanyang schedule sa lahat ng kanyang mga appointments. Like his guestings, interviews, shows and even his concerts.
Wala siyang maipintas sa dalaga niyang manager. Lahat ay ginawa nito kung kaya't naabot niya ang kasikatang tinatamasa niya ngayon. Dahil iyon sa kanyang manager na si Rowena.
"Nandyan ba si Niccaila?" bungad agad nito ng iangat niya ang aparatu.
"Hindi. Kakarating ko lang galing Iloilo. Bakit naman pupunta dito si Niccaila?" aniyang napahilot sa kanyang noo. Si Niccaila ang kanyang personal assistant. Wala rin siyang maipintas sa dalaga niyang P.A dahil daig pa nito ang isang asawa kung alagaan siya nito. Napangiti siya ng maalala ang kanyang personal assistant na umamin sa kanyang gusto siya nito.
"I see, let me remind you na may guesting ka bukas sa ASAP. Be ready by nine in te morning dahil mag re-rehearshal pa kayo bago sasabak sa live show. Makakasama mo si Niccai bukas. Tsaka coming na siya ngayon sa bahay mo dahil pinahabilin ko sa kanya na ipagluto ka nalang niya ng pagkain para sa hapunan. Hindi 'yung umaasa ka na lamang sa mga takeout sa fast food chain."
"Hey! I'm old enough to take good care of myself," natatawang sagot niya sa kabilang linya.
Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit pati ang manager niyang si Rowena ay palaging concern sa kanya.
Posible kayang may lihim ding gusto sa kanya ang kanyang manager tulad ng P.A niyang si Niccaila?
Well, he can't blame them. Dahil sa taglay niyang kagwapohan at kasikatan ay malamang na humahanga din ang mga ito sa kanya.
But sad to say, nakalaan lang ang atensyon niya kay Frelyn. Si Frelyn Suarez na matagal na niyang minahal. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito sinasagot dahil daw umano sa wala itong pag ibig sa kanya.
Kung pwede lang sana mabaling ang kanyang pagmamahal sa kanyang personal assistant na si Niccaila ay sana ginawa na niya. Bukod kasi sa maganda ito ay malakas pa ng sense humor ng dalaga.
Pwede ring kay Rowena siya iibig. Dahil simula palang ay ito na ang kaagapay niya hamggang sa sumikat siya.
Minsan nga naawa na rin siya sa kanyang manager at P.A dahil pati ang mga ito ay nadadamay pag kinukuyog siya ng kanyang mga fans.
Ilang sandali pa silang nag-usap bago nagpaalam ang kanyang dalagang manager at pinapahinga na siya.
Napabuntong hininga siyang inilapag ang craddle ng telepono at umakyat sa kanyang kwarto,
Mag-isa lang siya sa kanyang malaking bahay. Binili niya iyon tatlong taon na ang nakalipas bunga ng kanyang pagsisipag bilang isang singer.
Nakapundar na rin siya para sa kanyang mama na si Susan. Tinutulungan niya rin ang kapatid niyang si Alyana kahit may asawa na ito.
Agad siyang naghubad ng kanyang mga damit nang makapasok sa kwarto at tinungo ang banyo. Maliligo muna siya bago ihiga ang pagal na katawan sa malambot niyang kama.
Matapos ang mabilisang pagligo ay agad niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Napapikit siya at matutulog na sana nang biglang napahimas sa kanyang ulo. Nakaramdam pa rin siya ng sakit sa kaliwang parte dahil sa pagtama ng sapatos kaninang umaga ng isang babaeng tila amazona.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
AksiyonNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...