Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 12
MAAGANG nagising si Noel para pumunta sa isang talk show. Inimbitahan kasi siyang mag guest kasama ang sikat 'ding singer na si Frelyn Suarez. Napangiti siya ng maalala ang magandang dalaga. Hindi kasi lingid sa lahat na malaki ang paghanga niya sa dalagang singer. Niligawan nga niya ito pero hindi parin siya nito sinasagot. Actually, parang pinarating na rin nito sa kanya na wala siyang pag-asa dito pero tanga lang siguro siya dahil umaasa parin siyang mahalin mg dalaga, Well, kaya pa naman niyang magtiis ng kaunti at baka sagutin din siya ni Frelyn.
Masigla ang katawang pumasok siya sa banyo para maligo pangiti-ngiti pa siya sa isiping magsasama nanaman sila ng kanyang iniibig na dalaga mamaya. Hinablot niya ang puting tuwalya na nakapatong sa silya at itinakip sa kanyang kahubaran. Tanging maiksing boxer lang kasi ang suot niya at hapit na hapit pa iyon sa kanyang pagkalalaki. Nakasanayan na niyang iyon ang isuot kapag natutulog na siya kaya lantad na lantad ang kanyang matipunong katawan. Baliw nalang siguro ang magsasabing hindi siya macho sa lagay na 'yon.
Ngunit napalis ang kanyang ngiti at pumalit ang inis sa kanyang mukha nang maalala ang kinaiinisan niyang pulis! Ang amazonang pulis na ibinigay ng manager niyang si Rowena bilang kanyang bagong bodyguard.
"That witch! Kailangang pahirapan ko ang babaeng 'yon para kusang umalis bilang bodyguard ko!" kausap niya sa sarili na napatingin sa kanyang wall clock.
Mag aalas otso na ng umaga at kailangan niyang makaalis agad para hindi siya maabutan ng kanyang bagong bodyguard na isang Amazona!
Papasok na sana siya sa banyo ng makaramdam ng uhaw. Kaya pumihit na lamang siya para lumabas ng kanyang kwarto at tinungo ang kanyang kitchen sa ibaba.
Pakanta kanta pa si Noel habang naglalakad pababa ng hagdan nang makarinig ng kalansing sa kusina. Napakunot ng noo siya at napakibit balikat. Tiyak niyang si Niccaila iyon na kanyang personal assistant. Siguro pinapunta nanaman ng manager niya sa kanyang bahay para ipagluto siya ng kanyang agahan.
Napangiti siya at napailing. Maswerte kasi siya sa pagkakaroon ng ma-aalahaning manager at ganun din ang personal assistant. Kaya bilang ganti sa mga ito ay hindi siya madamot sa dalawang babae na naging parte na ng kanyang buhay simula ng sumikat siya bilang singer. Muling itinuloy niya ang paglalakad at tinungo ang kitchen para makainom na rin ng tubig.
Ngunit natigilan siya sa pamilyar na boses na kumakanta sa kanyang kusina. Ang may ari ng boses na hindi niya inaasahang maaabutan sa kanyang kusina!
Anong ginagawa ng babaeng iyon sa kanyang pamamahay ng ganito kaaga?!
Nang may maisip ay biglang lumiwanag ang kanyang mukha at sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
"YOU'RE acting like you're on your own, But I saw you standing with that girl (hmmm)" pakantang binuhat ni Aileen ang kakalagay lang na pagkain sa isang breakfast tray.
Maaga kasi siyang nakarating sa bahay ng bago niyang amo at hindi na siya nag abala pang abalahin ito sa pagtulog. Isa pa, binigyan na siya ni Rowena ng duplicate ng bahay ng kanyang amo. Alam niyang galit ito sa kanya kaya't naisipan niyang ipagluto ito para naman sumaya ang kanyang amo pag gumising na ito.. Tsaka, para makabawi na rin siya pang iinis niya dito. Mahirap na at baka pahirapan pa siya ng kinaiinisan niyang singer.
Oo, naiinis siya dito. Ewan niya basta naiinis lang siya kung minsan pag inutukso siya nito. Pero sa kabilang daku ay hindi niya ipinagkaila sa kanyang sarili na kinikilig din siya pag naaalala ang galit na mukha nito. Ang cute kasi nitong tingnan pag nagagalit.
Ipinilig niya ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isip ang imahe ng galit na mukha ng sikat na singer na siya namang nagpapakilig sa kanya ng lihim. Kailangan niyang maging mabait dito para hindi siya mahirapan. Wala pa naman ang kuya Arnel niya dahil pinatawag ito sa Camp Crame.
Buhat niya ang food tray na may lamang pagkain para ilipat iyon sa dinning room, habang pakanta kanta parin siya. Feel na feel talaga niya ang kantang kinakanta niya. Narinig lang naman niya iyon sa kaibigan niyang nasa iloilo at nahawa narin siya kaya naging paborito na rin niyang kantahin ang hearbeat na palaging kinakanta nila ng kanyang kaibigan.
"Stop tryin' to steal my heart away.. Stop tryin' to steal my heart aw---ayy!" nanlaki ang mga matang naibagsak ng dalaga ang hawak na food tray at nagkalat iyon sa sahig.
Dahil sa kanyang pagpihit para tunguhin ang dinning room ay bumulaga sa kanya ang isang Adonis! isang Adonis na nakatayo sa pintuan na halos nakahubad na!?
"O-M-G!" sigaw ng kanyang utak nang masilayan ang malapad nitong dibdib, ang mga namumukod nitong muscles sa braso at ang matigas nitong six packs abs! Hindi pa nakuntinto, bumaba pa ang kanyang paningin sa puson nitong may naka-expose na mumunting buhok pababa sa...
"Aahhhh!!!! Aaahhh!!!" patalon talon pang sigaw ng dalaga na napatakip sa kanyang mga mata.
Hindi niya kaya! Hinding hindi niya kaya ang kanyang nakikita! Isang.. Isang...
"Aahhh!!!" muling sigaw niya ng maglaro sa kanyang utak ang kanyang nakikita na tanging maliit lang na boxer ang makatakip sa.. sa... Ah basta!
"Ahhhhh!!!!!" muling sigaw niya na napatalikod na sa binata.
"Hey! What are you doing!" malakas na saway nito sa kanya ngunit nagpapanic pa rin ang kanyang utak! Kaya patuloy siya sa pagsisigaw! "Ano ba? Tumigil ka nga sa kakasigaw mo!" inis ng sambit nito na nilapitan siya. Hinawakan pa siya nito sa kanyang balikat at tila siya naging estatwa na hindi makagalaw ng dumait ang palad nito sa kanyang balikat. Pinilit siya nitong humarap dito at pinameywangan pa siya nito na tila walang pakialam sa hitsura nito. "Anong ginagawa mo dito, ha!?"
"P-put something on y-your.. o-on -y-your--"
"On what!?"
"On your angry bird! Aaahhhh!!!" muling tili niya at tumalikod na naman sa binata habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mga mata.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagtitili na tila nakakakita ng malaking ahas! Ah basta! Hindi siya sanay! At first time niyang makakakita ng halos hubad ng lalaki sa kanyang harapan. Kaya siya napapasigaw ng ubod lakas dahil hindi niya inaasahan ang kanyang nakita..
Ang amo niyang kuting na nakabalandara ang kahubaran sa kanyang kaharapan.. "Aahhhh!!! Wala akong nakita! Wala akong nakita! Wala! Wala! Wala!" sigaw ng kanyang utak habang hindi inaalis ang mga kamay sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
ActionNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...