Chapter 3

1.4K 33 1
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 3

"Anong ibig sabihin nito?" ang Senior Inspector na napaharap kay Aileen.

Hindi makapagsalita ang dalagang napakagat ng labi na binalingan din ang mga kasamahang kakarating lamang kasama ang isang lalaking mukhang adik nga.

"Balanza," tawag ng Senior Inspector na seryoso ang mukha.

"Ei, ahm...kasi, siya talaga itinuro ng babae kanina 'eh." napakamot sa ulong sambit ng dalaga na itinuro ang binatang bakas sa mukha ang pagkasuya sa kanya.

"See? Basta basta ka nalang nangdadampot ng inosenting tao na hindi ka sigurado kung may kasalanan o wala?" mariing sambit ng binata. "At hindi lang basta dinampot, she also hurt me, Senior Inspector." baling din ng binata sa may katandaang Senior Inspector.

"I did'nt meant it! I swear.." pagtatanggol ng dalaga sa sarili. "Akala ko talaga siya ang magnanakaw." dagdag pa nito.

"Bakit? Mukha ba akong magnanakaw?!" singhal ni Noel.

Natahimik ang dalagang pinagmasdan ang binatang bakas sa gwapong mukha nito ang galit para sa kanya. "Oo nga, hindi nga ito mukhang magnanakaw." lihim niyang sambit sa sarili.

Tulad ng unang impresyon niya kanina ng hindi sinasadyang nabangga siya nito ay totoong gwapo ito. Hindi nga siya sigurado kung nakita niya ito dati o hindi pa. Kasi parang familiar ang mukha ng binata sa kanya. Nakalimutan lang niya siguro kung saan at kailan niya ito nakita. Ewan niya! Hindi niya maalala. Basta familiar ang mukha nito. Parang may kahawig ngang celibrity ang binata.

Marahan siyang napailing at napangiwing bumaling sa Senior Inspector. "I swear, ninong. Hindi ko po talaga sinasadyang saktan siya. Akala ko lang talaga ay isa siyang magnanaka--"

"I'm asking you, kung mukha ba akong magnanakaw!" agaw ni Noel na gusto na yatang gumanti ng suntok sa dalaga kung wala lang sila sa harap ng Senior Inspector ng kanilang bayan.

"Malay ko ba, kung 'yan na ang bagong mudos ngayon!" singhal din ng dalaga. "Ginagamit lang ang kagwapohan nila para makapagnakaw lang." dagdag nitong nakataas pa ang isang kilay na siyang mas lalong nagpainis sa binata.

"Excuse me lang ha," awat ng Senior Inspector sa dalawa. "Mr.." nagtatanong ang matang baling ng matanda sa binata.

"Arnaiz sir," sagot ng binatang sa hindi inalis ang matalim na tingin sa dalaga.

"Arnaiz?" singit ng isang pulis na kanina pa nagmamasid sa kanila. "Noel Arnaiz? Kayo po 'yung sikat na singer na si Noel Arnaiz?" sunod sunod na tanong pa nitong lumiwanag ang mukha.

Hindi nakapagsalita ang binata dahil sa pagkabigla. Paano nalang kung malaman ng mga ito na siya nga si Noel? Ang pinaka-sikat na singer sa bansa. Tiyak na siya nanaman ang laman ng tabloid pag nalaman ng mga paparazzi na sinaktan siya ng isang di hamak na babaeng pulis dahil sa napagbintangan siyang magnanakaw! Kung saan ay ayaw niyang lumalala ang insedenting naganap kanikanina lang para hindi na umabot sa medya ang kinasasangkutan niyang gulo, ay napilitan nanaman siyang magsinungaling.

"Hindi. Hindi ako si Noel, at hindi ko siya kilala." ani niyang tudo iling na iniwas ang paningin.

"Pero, alam mo bang magkamukha kayo ni Noel Arnaiz? Yung sikat na singer na idol ng misis ko." sagot ng isang pulis na humakbang palapit sa kanila.

"Hoy! Huwag nga kayong maging O.A. Hindi porke't may itsura 'yan ay ihahambing niyo na siya sa isang celibrity!" agaw ng dalaga.

Mas lalong nainis ang binata sa panliliit ng dalaga sa kanyang katauhan. Nangangati na sana ang kanyang dila para isigaw sa pagmumukha nito na siya nga si Noel! Ang sikat na singer na dinuroduro nito at sinaktan pa! Na ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap na isang hamak lang nitong manakit sa kanya! Dammit!

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon