Chapter 2

1.4K 28 0
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 2

HINDI pa man nakabawi sa pagkasubsob ay may sumipa na sa binata. Napasigaw siyang napahawak sa kanyang bewang kung saan siya natamaan ng paa ng sumipa sa kanya.

"Akala mo makakatakas ka ha!"

Pilit na hinarap ng binata ang galit na boses ng babae at napakunot ang nuong tumayo siya para harapin ito.

"What the hell are you doing!?" galit na sigaw niya sa dalaga.

"Na! Pa english-english kapa hah! Akala mo makakalusot ka sakin? Hoy! Ibalik mo ang ninanakaw mo! Kung hindi, mabubulok ka sa bilangguan!!"

"Are you crazy!?" singhal niya sa tila..argh! Ewan niya! Ano bang klaseng babae itong kaharap niya? Ganun na lamang ang pagbangon ng galit sa kanyang puso ng hawakan siya nito sa braso at kinaladkad. "Keep your hands off!" pasinghal niyang bawi sa kanyang braso ng bigla na lamang siyang sinipa muli ng dalaga dahilan ng pagkawala ng kanyang balanse at muling natumba sa damuhan.

Napaimpit siya sa sakit sa bandang tuhod ng sipain siya nito. Hindi niya alam kung babae ba talaga itong kaharap niya o lalaking nagpapanggap na babae. Mas malakas pa yata ito kesa sa kanya.

"Nahihibang kana ba? O naka drugs ka!"

"Hoy! Huwag mo akong pagsabihan ng ganyan ha! Kung ayaw mong babasagin ko yang nguso mo!" balik sigaw nito sa kanya na muli siyang nilapitan.

"Akin na!" lahad nito sa maputing palad nito sa kanya.

Nasasaktan man at pilit na makatayo ni Noel, ay nagsalubong ang kanyang kilay sa sinasabi ng dalagang tila isang Amazona kung umasta.

"Titingnan mo nalang ba ako? Ano ka? Bingi? Sabi ko akin na!" muling ulit nitong akmang sisipain nanaman siya nito.

Nagagalawan ang bagang matalim niyang tiningnan ang dalaga. Kung hindi lang ito babae, ay tiyak kanina pa niya binali ang maputing leeg nito.

"Akin na!!"

Nagulat ang binata sa biglang pagsigaw muli ng dalaga. Tsaka pa niya narealize na marami na palang taong nakapaligid sa kanila sa plaza. Na tila bang nanunuod ang mga ito ng isang shooting sa isang pelikula.

"Ang alin?" galit pa ring sagot niya sa dalagang patuyang tumingin sa kanya.

"'Magtatanong kapa kung ano ang sinasabi ko? Hoy! Huwag ka ng mag mamaang maangan! Alam kong isa kang magnanakaw!"

"What the fuck!" murang sambit ng binatang napailing. "Ako? Magnanakaw!" turo niya sa sariling napatawa.

"Ah...naghahanap ka ng laro ah? Akala mo makakalusot ka sa'kin? Hoy! Matalino 'to!" turo din ng dalaga sa sarili nito.

"Baliw ka pala-- argh!!"

Hindi natapos ng binata ang sasabihin ng bigla siyang pinatikim ng dalaga ng isang "flying kick" sapol sa mukha ang binatang napasigaw sa sobrang sakit.

Nag aalburuto na ang kanyang kalooban sa sobrang galit! Punong puno na talaga siya sa baliw na babaeng kaharap niya! At ano ang karapatan nitong saktan siya? At pagbintangan siyang magnanakaw!?

Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang dalaga. Nagagalawan din ang matigas niyang bagang habang napakuyom ng mariin ang kanyang kamay! Talagang ipapatikim na niya dito ang kanyang lakas!

"Aaahhh---"

Malakas na sigaw ng binatang inaandang suntokin ang dalaga. Ngunit napatigil sa ere ang kanyang kamao ng hindi pa man dumapo ang kanyang kamao sa magandang mukha ng dalagang tila Amazona kung umasta ay naunahan siya nito!

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon