Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 9
AT ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makilala ang pagmumukha ng lalaking may ari ng kotseng kulay itim. Na walang iba kundi ang kinaiinisan niyang sikat na singer na si Noel Arnaiz!
"Ikaw?!"
"Ikaw?!"
Sabay pa nilang itinuro ang isa't isa ng muling nagbanggaan ang kanilang landas.
"Nanaman?" dagdag naman ng binata.
"Noel Arnaiz?" agaw ni SPO3 Reyes na mabilis pa yata sa alas kwatrong lumapit sa binata ng makilala kung sino ito.
"Wow! What a fuck! Ang pinoy nga naman 'uh! Nakakita lang ng celebrity ay nakalimutan na kaagad ang trabaho at propisyon nito." mahinang bulong niyang patungkol kay SPO3 Reyes na kulang na yata ay kumuha ng papel at ballpen para makapag pa-autograph sa kiniinisan niyang singer!
"Sinusundan mo ba ako?"
Napataas siya ng kanyang mukha para lang mabigla ng salubungin siya ng nakakatakam na pagmumukha ng binata. "Me? As in ako?" turo niya sa sarili. "Sinusundan kita? Ano mo ako? Avid fans para sundan kita? Hell!" singhal niya sa nabiglang binata.
"Kung hindi mo ako sinusundan, why are you here anyway?" nang aarok ang mga matang tanong nito.
"Hello? Is that the way how you thank the person who saved your life? Oh my Jesus! Kung hindi pa yata ako rumisponde eh baka tigok kana!" inis niyang sagot dito. "And besides, nagkakataon lang na napagawi ako dito. At malay ko bang ikaw pala ang gustong patayin ng mga armadong yan!" napataas naman ng kilay na hindi nakapagsalita ang binata ng muling magsalita at umawat sa kanila na si SPO3 Reyes.
"Sandali lang, Mr. Arnaiz, Detective Balanza. Baka pwede kayong mag usap ng maayos.."
Tila naman sila kapwa napahiyang napayuko at sandaling natahimik. Hanggang sa si Noel na ang unang nag angat ng tingin na binalingan si SPO3 Reyes. Napaangat na rin ng tingin ang dalaga at lihim na pinagmamasdan ang binatang singer na kausap ang kaharap nilang Pulis mula sa gilid ng kanyang mga mata.
"Mas mabuti sigurong sa presinto nalang natin pag usapan ito, Mr. Arnaiz. Sumama nalang kayo sa amin para maimbestigahan ang nangyaring pagtangka sa iyong buhay." si SPO3 na binalingan din ang pansamantalang nanahimik na dalaga. Ikaw din, Detective Balanza."
"Walang problema, sir. Tatawagan ko lang ang kapatid ko para ipaalam ang nangyari." sagot naman ng dalaga at ngumiti sa kaharap na pulis.
Tsaka siya sandaling nagpaalam at tumalikod sa mga ito, ng biglang natigilan. Napakamot siya sa kanyang ulo ng maalalang wala pala siyang dalang cellphone kaya muli siyang humarap sa dalawang lalaking nag uusap.
"Ahm, sir. Pwede ba akong makahiram ng cellphone niyo? Wala pala akong cellphone na dala." napangiwing sambit niya ng mapansin ang mahinang pagtawa ng kinaiinisan niyang singer.
Nangangati tuloy ang kamao niyang suntokin ang gwapong mukha nito! Kaya tiningnan niya ito ng masama na tila ba lalabasan ng apoy ang kanyang mga mata. Para sunogin ang katawan nito na siguradong ma-Abs! Ngunit hindi naman nito ininda ang kanyang matalim na tingin. Instead mas lalo pa itong napangiti ng malawak na siyang ikinaiinis niya.
Teka, bakit nga ba siya naiinis? Diba dapat, siya ang nang iinis dito? Tsaka dapat hindi siya magpapaapekto sa pang iinis nito! Huh! Tama! Kailangang hindi siya magpapaapekto sa singer na kanyang kinaiinisan! No way!
Kaya bago pa iabot ni SPO3 Reyes ang cellphone nito sa kanya na siyang kinuha nito sa bulsa ng pants ng uniporme nito ay malawak ang ngiting pinigilan niya ang nagtatakang pulis.
"Huwag nalang pala sir," aniyang matamis na ngumiti at binalingan ang binatang singer na tila nagtataka rin. "since na, medyo magkakilala kami ni idol Kuting, ay este ni idol Leon, sa kanya nalang ako hihiram ng cellphone niya." sambit niya ng makita ang biglang pag iisang linya ng kilay ng binata.
"Leon?" napakunot naman ang nuong ulit ni SPO3 na nakaharap sa kanilang dalawa.
"Yes, sir." maiksing sagot niya at muling binalingan ang tila naiinis na ring binata. Na bakas sa mukha nito ang pagtatagis ng bagang dahil sa kanyang sinabi. "Sige na, idol Leon. Utang mo naman sa akin ang buhay mo, kaya baka pwedeng makitawag nalang ako sayo. Siguro naman marami kang load diba? Kasi mayaman ka naman 'eh." dagdag pa niyang binuntutan ng pilyang ngiti ang binata.
MABILIS naglaho ang nang-iinis na ngiti ni Noel sa kanyang labi dahil sa sinabi ng kinaiinisan niyang pulis! At ang kapal talaga ng mukhang tawagin siyang Kuting?? Hindi niya napigilan ang pagtagis ng kanyang bagang dahil dito. At ewan niya kung bakit madali siyang maasar sa babaeng ito! Malamang dahil binali nito ang kanyang buto!
At mas lalo pa siyang naiinis dahil sa matamis na ngiti nitong ibinigay sa kanya. Na tila ba nang aakit ang dating ng ngiti nito kaya mas lalo siyang naaasar sa amazonang kaharap!
"Witch!!" sigaw ng kanyang utak.
"Sige, na idol. Huwag ka namang kuripot!" anitong bigla siyang sinuntok ng dalaga sa kanyang braso.
"Ouch," biglang reaksyon niyang napahawak sa sariling braso.
"Oh, bakit idol?" tila painosenting tanong nito.
"Nananadya kaba?" galit ng sita niya dito.
"Naku, hindi ah! Nasanay na kasi ako ng ganun sa mga kasamahan kong matitigas ang katawan. Lalo na ang mga braso. Tsaka pasinsya kana, ha. Hindi ko kasi akalain na malambot pala yang muscles mo sa braso kaya ka nasaktan." pang iinis pa nito at muling napangisi.
"What the-- argh!" sigaw ng kanyang utak na guso na yatang sumabog dahil sa sobrang asar sa kinaiinisang amazona!
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
ActionNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...