Chapter 8

1.1K 29 3
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 8

"KUYA, hihiramin ko lang 'yong big bike mo, ha?" paalam ng dalaga sa nakakatandang kapatid.

Nababagot na kasi siya sa ilang oras na panunood ng television dahil wala naman siyang gagawin sa buong araw. Kaya naisipan niyang mamasyal at dalawin ang dating mga kaibigang nasa ibayong bahagi ng Quezon City. O di kaya ay pupunta na lamang siya ng mall para mamili ng ipapasalubong niya sa kanyang ninong at mga kaibigan sa kanyang pag uwi sa Iloilo.

"Mag-ingat ka Len-ay! Hindi ito probinsya para makipag kaskasera ka sa mga motorista," paalala nito sa kanya.

"Alright, kuya. I'll be careful," natatawang sagot niya dito na kinuha ang ang susing nakasabit malapit sa pintuan.

Muli siyang nagpaalam dito at tinungo na ang big bike nito na malimit lang nitong gamitin. Matapos isuot ang helmet sa kanyang ulo ay agad siyang sumampa sa big bike at excited na pinaarangkada iyon palabas sa gate ng bahay ng kanyang kuya.

DAHIL sa sobrang pag eenjoy ng dalaga ay hindi niya na pansin ang daang kanyang tinatahak. Hanggang sa makita na lamang niya ang sariling tinatahak ang kahabaan ng NLEX. Napakibit balikat na lamang siya at naisipang mamasyal na lamang hanggang sa kung saan man siya abutin. Alam naman niya ang pasikot-sikot na daanang iyon kaya susulitin na lamang niya ang mga oras na nasa Maynila pa siya bago siya makauwi sa kanilang probinsya sa Iloilo.

Isang itim na sasakyan ang biglang nag overtake sa kanya sa pagmamaneho. Kaya napilitan siyang mag lie-low ng mapansin ang isa pang kotseng pula na tila humahabol sa kotseng itim.

Tulak ng kanyang kuryusidad bilang isang pulis ay binilisan din niya ang pagpapatakbo sa kanyang minamanehong big bike. Hanggang sa isang malakas na putok ang kanyang narinig mula sa kotseng pula na itinututok sa naunang kotseng itim.

Gamit ang kaliwang kamay ay hinugot niya ang de-calibreng baril mula sa kanyang bewang na siyang dala-dala niya saan man siya magpunta. Nagpakawala siya ng isang putok bilang warning sign sa nagmamaneho ng kotseng pula. Ngunit maya-maya lang ay siya nanaman ang binalingan ng mga ito ng putok at natamaan na sana siya kung hindi lang siya mabilis na umiwas.

Muli niyang binilisan ang pagmamaneho sa kanyang big bike. Nang malapit na ang kanyang distansiya sa pulang kotse ay itinutok niya ang kanyang baril sa gulong niyon at agad na kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril. Kasabay ng malakas na sunod sunod na putok ay ang biglang pagsumadsad ng nakakabinging ingay ng gulong mula sa pulang kotse hanggang sa huminto iyon sa tabi ng kalsada na balot na balot ng makapal na usok.

Dumistansya siya sa kakahinto lang na pulang kotse at inihinto rin niya ang kanyang bigbike at naghanda sa paglabas ng mga armadong nasa loob ng pulang kotse. Kasabay ng pagkatangay ng hangin sa makapal na usok na nagmula sa pulang kotse ay ang pag alingawngaw naman ng sunod sunod na putok patama sa kanyang direksyon.

Buti nalang at mabilis siyang napatalon mula sa sinasakyang big bike at nagpagulong palapit sa isang may kalakihang poste na nasa tabi ng kalsada para iharang sa sarili. Nang tumigil na ang putok ay mabilis ang ginawa niyang pagsilip sabay tutok ng kanyang hawak na baril sa direksyon ng pulang kotse para lamang manlaki ang kanyang mga mata ng muli siyang salubungin ng sunod-sunod na putok mula sa dalawang armadong lalaki na humahakbang palapit sa kanyang direksyon.

"Shit! Shit!" sunod-sunod siyang napamura na napahawak ng mahigpit sa kanyang baril, napadausdos siyang napaupo sa malaking poste at mabilis ang ginawa niyang paggulong kasabay ng pagkawala ng sunod sunod na putok mula sa hawak niyang baril.

"Bingo!"

Napangisi pa siya ng sabay na bumulagta sa lupa ang dalawang armadong lalaki na papalapit sana sa kanya.

Napatayo siya at pinagpag ang alikabok na kumapit sa kanyang suot na black jeans at jacket nang marinig ang ugong ng serena nang paparating na patrol.

"As usual, laging huli na ang dating ng mga back-up tulad sa mga nangyayari sa mga pelikula," napailing na anas niya sa sariling nilapitan ang dalawang armadong nakabulagta sa lupa.

"Itaas ang 'yong mga kamay!" malakas na sigaw ang nagpalingon kay Aileen mula sa kanyang pagkayuko.

Agad naman niyang itinaas ang kamay at isinurender ang kanyang hawak na baril nang magsilapitan ang mga pulis na huli ng rumisponde sa naganap na laban.

"Detective Balanza, sir," aniyang ipinakita ang kanyang lesinsya kasama ang kanyang baril.

"SPO3 Reyes," sagot din nito sa kanya. Kinuha naman iyon ng pinakalider ng mga pulis na lumapit sa kanya at tiningnan ang kanyang lesinsya.

"Ano ang nangyari dito, Detective Balanza?"

"Sir, nakita ko kasing pinapaputokan ng dalawang 'yan ang isang kotseng itim kanina. At nag warning shot naman ako para patigilin ang suspek. Ngunit ako ang kanilang binalingan kaya't napilitan akong barilin ang gulong ng kanilang kotse. Then they tried to kill me, kung hindi ko lang sila naunahan," mahabang paliwanag niya sa mga ito.

"Sir, buhay pa po ang mga ito," agaw ng isang pulis na siyang tumingin sa dalawang armadong bumulagta sa lupa.

Magsasalita pa sana ang dalaga ng maagaw ang kanilang pansin ng biglang tumigil sa kanilang harapan ang nakita niya kaninang kulay itim na kotse na siyang hinahabol at pinapaputukan ng dalawang armadong nakasakay sa pulang kotse.

"Sir, ito po kanina ang kotseng hinahabol ng mga suspek," baling din niya sa kaharap na si SPO3 Reyes at itinuro ang kakahinto lang din na kotseng itim.

Sabay silang humakbang papunta sa kakahinto lang na kotseng itim na ngayon ay bumukas na ang driver side door at may lumabas na isang makisig na katawan.

Lihim niyang ipinilig ang ulo nang mapansin ang makisig na katawang lumabas sa kotseng itim.

Letche!

Sa gitna na nga siya ng bakbakan ay lumalandi pa ang kanyang utak sa kakisigan ng lalaking ito!

At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makilala ang pagmumukha ng lalaking may ari ng kotseng kulay itim, na walang iba kundi ang kinaiinisan niyang sikat na singer na si Noel Arnaiz?!

"Ikaw?!"

"Ikaw?!"

Sabay pa nilang itinuro ang isa't isa nang muling magkabangga ang kanilang landas.

"Na naman?" dagdag naman ng binata.

"Noel Arnaiz?" agaw ni SPO3 Reyes na mabilis pa yata sa alas kwatrong lumapit sa binata nang makilala kung sino ito.

"Wow! What the fuck! Ang pinoy nga naman, oh! Nakakita lang ng celebrity ay nakalimutan na kaagad ang trabaho at propisyon nito," mahinang bulong niyang patungkol kay SPO3 Reyes na kulang na lang yata ay kumuha ng papel at ballpen para makapag pa-autograph sa kiniinisan niyang singer!

"Sinusundan mo ba ako?"

Napataas siya ng kanyang mukha para lang mabigla nang salubungin siya ng nakakatakam na pagmumukha ng binata.

"Me? As in, ako?" turo niya sa sarili. "Sinusundan kita? Ano mo ako? Avid fan para sundan kita? Hell!" singhal niya sa nabiglang binata.

"Kung hindi mo ako sinusundan, why are you here anyway?" nang aarok ang mga matang tanong nito.

"Hello? Is that the way how you thank the person who saved your life? Oh, my Jesus! Kung hindi pa yata ako rumisponde, eh, baka tigok ka na!" inis niyang sagot dito. "And besides, nagkakataon lang na napagawi ako sa lugar na ito. At malay ko bang ikaw pala ang gustong patayin ng mga armadong 'yan!" napataas naman ng kilay na hindi nakapagsalita ang binata nang muling magsalita at umawat sa kanila si SPO3 Reyes.

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon