Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 14
"STAY away from me..or else... I'll shoot your angry bird!" mariing sambit ng dalaga sabay kasa at tutok ng dulo ng baril nito sa bumubukol sa pagitan ng dalawang hita ng sikat na singer.
"What the---put it down!" Nanlaki naman ang mga matang tila nasilakbot ang binata at mabilis na umatras mula sa dalaga.
"I've told you. Pagsisihan mo ang paglapit sa'kin dahil babasagin ko talaga iyang toytoy mo! I mean---'yang angry bird mo!" pag-iiba niyang hindi inalis ang pagkakatutok ng baril sa binata.
I'm just kidding!"
"Kung nagbibiro ka. Puwes, ako hindi!"
"Hey! I'm sorry okay? Nagbibiro lang talaga ako! Promise! So please put that gun down!" bakas pa rin sa mukha ang takot at kabang wika ng binata habang ang mga kamay ay nakatakip sa harapan nito na tila ba takot na takot na maputukan ang angry bird nitong naka-display sa harapan ng dalaga.
"I'll count from one to three. Pag hindi ka pa umalis sa harapan ko, pasasabogin ko yang nasa harapan mo!"
"Hey-hey-" takot na sambit ng binata.
"One!"
"Ano ba? Bakit mo ba ako inuutusan? I'm your boss!"
"Wala akong pakialam! Two!" sigaw ng dalaga na muling itinutok ang baril sa pagitan ng hita ng binata na tinakpan naman nito ng mga kamay nito.
"You're--"
"Three!"
"Waaahhhh! You're freaking witch!" sigaw ng binata sabay takbo nang mabilis palabas ng kusina.
HUMIHINGAL pa na pumasok si Noel sa kanyang kwarto. Agad niyang binagsak pasara ang pinto at napabuga ng hangin. Mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso dulot ng sobrang kaba dahil sa panunutok ng baril ng kanyang amazonang bodyguard sa harapan niya!
"That Witch!" nanggigil na wika niya sa sarili at humakbang palapit sa kanyang kama. Napaupo siya habang himas himas ang kanyang dibdib para mabawasan ang kabang naramdaman.
Maya-maya ay napababa siya ng kanyang tingin sa kanyang hinaharap. At ang babaeng iyon? May planong patayin ang kanyang kaligayahan?! "What the fuck!" magkahalong inis at panggigil na sambit niya sa sarili. Kailangan niyang makaganti sa kanyang bodyguard!
Pero, paano naman kaya siya makakaganti dito? Bahala na! Mag isip na lamang siya ng paraan kung paano makaganti sa babaeng iyon!
PARANG nabunutan ng tinik sa dibdib si Aileen nang tuluyang lumaho sa kayang paningin ang binata. Habol-habol pa rin ang kanyang paghinga dahil kaba sa kanyang nakita!
For God, for Santo!
Inosenti pa kaya ang mga mata niya sa ganoong tanawin!
Napailing siya sabay pikit nang mariin.
Wala siyang nakita! Wala! Wala! At isa pang wala!
Pero infairness lang ha? Hindi niya akalain na ganoon pala kalaki ang angry bird nito? Ganoon ba talaga 'yon?
Ah, ewan niya! Malay ba naman niya! Sa ngayon lang talaga siya nakakita ng ganoon eh! Kasi inosenti pa siya!
Yes.
Tama.
Inosenti nga siya.
Napabuga siya muli ng hangin para pakalmahin ang kabang kanyang naramdaman. Nang maging stable na ang tibok ng kanyang puso ay muli niyang pinulot at nilinis ang mga nagkalat na pagkain sa sahig.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
AçãoNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...