Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 13
"HEY! Will you please.. Stop it!"
Malakas na boses ang pumaibabaw sa loob ng kusina. Ngunit patuloy lamang sa pagtili ang dalaga na animo'y sinaniban na ng kung ano masamang espirito.
"I said, stop it!" ulit ng binatang hinawakan sa magkabilang braso ang magtitiling dalaga.
"Y-you--you're--"
"Pwede bang huwag kang masyadong O.A!?" putol ng binata sa sasabihin pa sana ng dalaga na biglang napahinto sa pagtitili.
Instead ay natigilan ito at unti-unting inalis ang mga kamay na nakatakip sa mata nito at sumalubong sa kanya ang naiinis na mukha nito.
Lihim pang napangiti ang binata ng mapansin ang namumulang mukha ng dalaga na tiningnan siya sa mga mata.
"ANG kapal din ng mukha mong pagsabihan akong O.A!" agad na singhal ni Aileen sa kaharap na binatang amo.
Thanks God! At napatigil din siya sa kakatili sa hinayupak niyang kaharap! Iniwasan niyang bumaba ang kanyang paningin sa ibabang parte ng katawan nito at tila nanginginig pa ang kanyang mga kalamnan sa kanyang nakita kani-kanina lang!
Kung bakit kasi maliit na saplot lang ang suot ng hinayupak na 'to
Eh! At tila hindi na nahiya na may babae sa pamamahay nito! Buseet!
"Bakit? Totoo namang napaka-OA mo!"
"At bakit mo nasabing OA ako? Ha!?" inis parin niyang tanong dito na tanging sa mata lang nito siya nakatingin at wala ng iba.
"Natural! Dahil kung makasigaw ka para kang sinaniban ng masamang espirito!"
"E, kung ikaw kaya makakakita ng isang..." napalunok siyang hindi nagawang ituloy ang sasabihin pa sana dahil bigla na lamang umakyat ang init sa kanyang mukha. Damn! Bakit ba siya nagpapaapekto sa kanyang nakita? Kung tutuusin eh, hindi naman balat ang nakita niya! May saplot naman iyon! Kaya wala siyang nakita! Tama! Wala talaga siyang nakita!
"Admit it, sa munting saplot lang na suot niya eh, para narin siyang walang suot diba?" malanding sulsol ng kabilang utak ng dalaga. Kaya mariin siyang napapakit at ipinilig-pilig ang ulo para maalis sa kanyang isipan ang kanyang nakitang bukol sa harapan nito..
"Ng ano?" nakakaloko ang ngiting sumilay sa labi ng binatang napahalukipkip pa sa kanyang harapan.
At ang walang hiya! Nagawa pang ituloy ang pagpapadisplay ng katawan nito sa kanya!
What a yummy view!
"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" ani na lamang niyang tinalikuran ito!
Hindi kasi niya malabanan ang kanyang nararamdaman habang nakaharap siya sa halos hubo't hubad ng binata na nasa kanyang harapan. Ni wala yatang pakialam ito sa sarili nitong anyo!
"Whaa! Diyos ko po! Help me!" napayukong sambit niya na inisa-isang pinulot ang nagkakalat na kubyertos sa sahig.
Ni hindi din siyang nag abalang tapunan ng tingin ito dahil aminin niya at sa hindi ay nangangatog ang kanyang tuhod sa isiping halos isang dangkal lang ang layo nila ng kinaiinisang binata na halos walang saplot sa katawan!
PIGIL-PIGIL ni Noel ang sarili na huwag mapahagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ng kinaiinisang dalaga. Imagine? Ang babaeng halos kung alipustahin ang kanyang pagkalalaki ay akala mo kung sinong amazona na walang kinakakatakutan?
Eh, hubad na katawan pa nga lang niya ang nakita nito ay halos himatayin na ito sa sobrang pagtitili.
Funny!
Napailing siyang may ngiti sa labi.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.. Naiinis siya sa babaeng kaharap niya, ngunit sa kabilang bahagi ng kanyang pagkatao ay mag eenjoy naman siyang tingnan ito na tila natataranta. Nahahalata din niyang natatakot itong tumingin sa kanyang kahuburan. Kahit sabihin pang, hindi naman siya totally naked!
But seeing her like she's terribly nervous of what she seen...ay may kung anong ligaya ang naidudulot niyon sa kanya.. Ewan niya, pero iyon ang nararamdaman niya. Na tila ba ngayon lang nakakakita ng hubad na katawan ng isang lalaki ang dalaga. Kaya kung makatili ay parang isang nakakatakot na bagay ang nakita nito.
Posible kayang...inosenti pa ang mga mata nito sa mga tanawin na tulad ng hubad na katawan?
Silly!
"Acting like an innoccent, huh?" aniya na siyang nagpapatigil sa pagpulot ng dalaga sa mga nagkalat sa sahig. Hinintay niyang magtaas ito ng tingin at sagutin siya ngunit nabigo lamang siya dahil nanatili itong nakayuko at muling pinulot ang mga nagkalat sa sahig. "O baka naman nag iinarte kalang na parang inosenti? Tama ba ako?"
"WHAT the--ang kapal-kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ito!" inis na sigaw ng isipan ni Aileen.
Nangkukot ang kanyang kalooban sa sinabi nito! At napagkamalan pa siyang nag iinarte lang? What the fuck!!!
"Hoy! Kuting!" bigla siyang napatayo at dinuro ito gamit ang hintuturo niya. "Hindi ako nag iinarte! At malay ko bang ganyan pala ang hitsura mo kung maglakad ka dito sa pamamahay mo! Na tila ba akala mo nasa isa kang sexy fashion show! Hoy! Para sabihin ko sayo! First time kong makakita ng halos hubad ng lalaki sa harapan ko! Kung alam ko lang sana na--na--ewan ko sayo!" muli ay napatalikod siya dito.
Paano kasi, tila namamagneto ang mata niya at tila gustong bumaba ng kanyang paningin mula sa mukha nito pababa sa malapad na balikat nito, pababa pa sa ma-abs nitong katawan at ang ikinakakatakot niya baka masilayan nanaman niya ang angry bird nitong bumubukol sa suot nitong...ewan!
HINDI na napigilan ni Noel ang mapatawa ng malakas sa sinabi nito. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala para dito. And he was glad sa nalaman na hindi expose ang dalaga sa mga tanawin na maseselang bahagi ng katawan. At inaamin niyang humanga siya sa kainosentihan nito.
"Wow!" napatawa paring sambit niya habang nakaharap parin dito. Samantalang nakatalikod naman ang dalaga sa kanya na halata ang discomfort sa kanilang sitwasyon. "I can't believe it, na ang isang amazonang umasta na katulad mo ay isa pa palang inosenti sa larangan ng--"
"Please, enough! It is not funny, you know!" putol nitong hindi parin makaharap sa kanya..
Mas lalo siyang napangiti at tila nag eenjoy sa nakikitang discomfort sa dalaga. Kaya may isang kapilyohan nanaman ang pumasok sa kanyang utak na dahan dahang humakbang papalapit sa dalaga. Tsaka pa siya huminto sa harapan nitong natigilan at mas lalong napayuko.
"OH my God! Ano bang klaseng lalaki to, Lord? He's seducing me, for crying out loud, Lord!" sigaw ng utak ng dalaga ng humakbang papalapit sa kanya ang binata.
And what the heck? As in sa harapan pa niya huminto! As in nasa harapan niya at halos kapantay lang kanyang pagmumukha ang ibinabalandera nitong Angry Bird! Waahhh!!! Grabe! Sinusubukan talaga nito ang pasinsya niya!!!!
Napapikit siya ng mariin at napayuko ng kanyang mukha. At ang puso niya, nabibingi siya sa lakas ng kabog niyon. Nanginginig din ang kanyang mga kamay at pati tuhod yata niya ay nanlalambot!
Argh!!! Paghindi pa umalis sa kanyang harapan ang walang hiyang lalaking 'to ay sisiguraduhin niyang pagsisihan nito ang pagbalandira ng Angry Bird nito sa kanya! Talagang pagsisihan niya!!
"I'm warning you, stay away from me!" nanginginig man ang boses ay pinilit niyang patigasin parin ang tuno niyon para matakot ang binata sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad ay tila mas naeenjoy pa yata ang walang hiyang lalaking 'to sa kanya na nakapamewang pa..
"What if, I don't, huh?" nakakaloko pang sambit nito.
Grabe! Napupuno na talaga siya sa lalaking ito! Kaya mabilis niyang kinuha ang kanyang baril na nakaipit sa kanyang bewang at agad na ikinasa iyon at itinutok sa bumubukol na Angry Bird ng binata sa kanyang harapan. Bahala na kung magkalat man ang pagkalalaki nito sa sahig! Wala siyang pakialam!
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
AcţiuneNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...