Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 15
MARIING naikuyom ni Noel ang kanyang kamao sa sobrang inis sa dalaga! Napahampas pa siya sa manibela ng kanyang kotse at marahas na isinuklay sa kanyang buhok ang kamay. Napabuga siya ng hangin para mabawasan ang inis na nararamdaman niya para sa dalaga, na malawak ang pagkakangisi sa kanya.
"Damn...that witch!" mura niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kotse at lumabas. Inilagay pa niya ang kanyang kamay sa kanyang baywang at nakatikom ang labing nilapitan ito. "Make sure na makakarating ako sa studio ng maaga, dahil kung hindi? Patay ka sakin!" aniyang inilapit ang mukha sa mukha nito.
"Masusunod po, aking kamahalan," napayuko pa'ng sagot nito na sadyang iniinis siya kaya tinalikuran na lamang niya ito at bumalik sa kanyang kotse.
Lumipat siya sa kabila para ang dalaga ang magmamaneho ng kanyang kotse at ng may silbi naman ang pagbubuntot nito sa kanya. Ngunit ilang sandali pa ay hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan nitong nag-aabang sa kanya. "Ano pang hinihintay mo? Tutunganga ka nalang ba riyan?!" singhal niya na ikinapitlag nito.
"Ako ba ang magmamaneho, Sir Kuting?" lapit nito na napasilip sa driver's side.
"Obvious ba? Alangan namang ako, eh, nakita mo namang nandito na ako nakaupo!"
"Nagtatanong lang! Hindi mo naman kailangan akong singhalan, ah!" singhal din nito. "Mamaya mainis ako paputukan ko pa 'yang tenga mo..." pabulong-bulong pang sambit nito.
"Anong sinasabi mo?!"
"Wala! Ang sabi ko, aalis na po tayo, kamahalan," anitong sumakay na sa kanyang kotse at pinaandar iyon. Ilang sandali pa ay napatingin ito sa kanya at napakamot sa ulo. "Pwede ba'ng pakibukas ng gate, Sir Kuting?"
"What!?" bulalas niya. "At ako pa ang inutusan mo? Baka nakakalimutan mo, Miss Balanza kung sino ang amo dito?"
"Hayst, mahirap ba'ng sabihin na ayaw mo?" inis na sagot nito sabay bukas ng pintuan ng kotse. Pabulong-bulong pang naglakad ang dalaga palapit sa gate at binuksan iyon, tsaka muling bumalik. Napangiti pa itong nilingon siya na inismiran lamang niya at tinalikuran. "Para kang bata, Sir Kuting," anitong tatawa-tawa na siyang mas lalong ikinainis niya.
"Pwede ba'ng mag-drive ka na lang? Kaysa ako ang pinapansin mo?" asik niya dito.
"Okay, sinabi mo ,eh. On the board, Sir?" muling wika nito.
"Ano ba? Hindi ka ba tatahimik?!"
"Oppss! Relaks, masyado ka namang highblood. Ano? May dalaw ka ba ngayon?"
Pigil-pigil ni Noel ang sariling huwag sumabog sa harapan ng dalaga dahil sa sobrang inis dito. Kung pwede lang sanang kaladkarin niya ito palabas at iwanan ay sana ginawa na niya, kesa maubos ang pasinsya niya. Napahugot siya nang malalim na paghiga at marahas na ibinuga iyon.
"PLEASE. DO. YOUR. JOB! And stop talking to me!" mariing wika niya at muling napabuga ng hangin.
Natahimik naman ang dalaga at dahan-dahan nang pinatakbo ang kotse palabas sa malaking gate ng bahay ng binata. Pansamantala nito muling inihinto at bumaba para isara muli ang gate. Na siyang inaasahan ni Noel at lihim na napangiting sinundan ang likod ng dalagang tinungo ang nakabukas pang gate para isara.
"Hmm...goodbye, little witch!" napangising bulong niya na mabilis na lumipat sa driver side at pinatakbo ang kanyang kotse.
"Hey! Teka lang! Sandali! Sir, Noel!"
Narinig pa niyang sigaw ng kanyang bodyguard ngunit hindi niya iyon pinansin. Instead ay nakangisi parin siyang itinuloy ang pagpatakbo sa kanyang kotse. Hanggang sa makarinig siya ng malakas na putok kasabay niyon ay ang pagputok ng gulong ng kanyang kotse.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
ActionNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...