VOICE OF LOVE
By: CatchMe
CHAPTER NINETEN
PUNONG-PUNO na si Noel at sagad hanggang buto na ang ginagawa sa kanya ng kanyang bodyguard. Kung pwede lang na lumbas siya sa kanyang balat ay sana kanina pa niya nagawa dahil sa sobrang pagtitimpi sa galit na nararamdaman niya sa dalaga. Lalo na nang marahas siya nitong itulak para sumakay sa dala nitong motor na para bang ito ang boss at hindi siya.
“What?!” naibulalas pa niya nang ituro nito ang manibela kung saan nakaposas ang kamay niya. “Huwag mong sabihin na ako ang magda-drive?” tanong niya na siyang ikinangisi lang ng dalaga kaya mas lalo siyang nagalit dito. “Seriously?" Bulalas pa nito. "You're kidding me. Huwag mong ubusin ang madali ko nang maubos na pasinsya, Aileen! Dahil ‘pag nagkataon, pagsisihan mo talaga ‘to! I swear, pagsisihan mo ito!” mariin niyang wika na halos idikit na ang sariling mukha sa dalaga.
“Whoah!” kunyari ay natakot na sambit ng dalaga na mas lalo pang ngumisi sa kanya. “At ako pa talaga ang tinakot mo, ha?” dagdag pa nito na tatawa-tawang kinuha ang susi ng posas at tinanggal ang nasa manibela at inilipat sa sariling kamay nito na siyang ipinagtataka niya.
“What the hell are you doing?”
“Hindi mo ba nakikita?” balik tanong nito na umismid pa bago sumakay sa motor.
“Hey! Pwede ba? Pakalawalan mo ako?”
“Why should I?”
“Dahil para kang sira na iposas ang kamay ko sa kamay mo while driving this damn motor of yours!”
“So?”
“Anong so?”
“Sa ito lang ang paraan ko na huwag kang matakas sa akin, eh, may magagawa ka ba? At saka, pwede ba, Noel? Naririndi na ako sa kakareklamo mo kaya please lang itikom mo na lang ‘yang bibig mo!” Asik pa nito bago pinatakbo ang motor nito dahilan para hindi na siya makasagot pa sa dalaga dahil sa ingay ng sinasakyan nila.
Nagrerebelde man ang sarili niya ay wala na siyang magawa pa kundi mariing itikom na lang ang labi at ipikit ang sariling mga mata habang paulit-ulit na humuhugot nang malalim na paghinga para kalmahin ang kanyang sarili.
Mahigit tatlumpong minuto na silang bumibiyahe ngunit nasa kalsada pa rin sina Noel. Kanina pa niya gustong sigawan ang bodyguard niya dahil napapansin niyang ibang direksyon ang tinatahanak nito at hindi niya alam kung saan patungo iyon dahil sa kung saan-saan na lang dumadaan ang nagmamaneho niyang bodyguard.
Hanggang sa marinig niya ang mahihinang pagmumura nito na hindi nakaligtas sa kanyang tenga. “What are you talking? And where the hell are we going, huh?” tanong niya nang hindi sumagot ang dalaga. Bagkos ay mas lalo pa nitong binilisan ang pagpatakbo sa motor nito na animo’y hinahabol sila ng kung sino. “Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko?!” Pasigaw pa niya nang hindi siya nito pinansin.
Hanggang sa makarinig na lamang siya ng malakas na putok na siyang ikinagulat niya at hindi pa niya naiwasang mapaigtad at napayakap pa sa baywang ng kanyang bodyguard dahil sa pagkakanerbyos na nararamdaman niya.
“Shit! What the hell was that?” mura niya nang muling makarinig nang sunod-sunod na putok ang pag-giwang-giwang ng motor na sinasakyan nila. “Answer me you damn it!”
“We’re in trouble, shit!” balik mura naman ng dalaga na mas lalo pang binilisan ang pagpatakbo sa sinasakyan nila, habang ang kamay nitong nakaposas sa kamay niya ay may kinuhang baril sa tagiliran nito at ibinigay sa kanya.
“Anong gagawin ko dito?!” sigaw niya sa tenga nito.
“Shoot them!”
“What? No! I can’t do that, hindi ako mamatay tao!”
“Argh!” narinig niyang bulalas nito na kinuha muli sa kanya ang baril at pinaputokan ang nasa likuran nila. “Shit!” napamura pa ito nang ibalik ang atensyon sa minamaneho.
“Why the hell are they following us and keep shooting us?!”
Wala siyang narinig mula sa dalaga kundi ang paulit-ulit na mura nito habang nililingon ang nasa kanilang likuran at pinapaputukan. Hanggang sa sumigaw ito na siya na ang magmamaneho sa sinasakyan nilang motor na siyang inirereklamo niya.
“Gusto mo bang mamatay tayo?!”
“Natural hindi!?! Sinong tao ba ang gustong mamatay?!” balik sigaw na naman niya dito.
“Kaya nga, ikaw na magdala nitong motor dahil mamamatay tayo pareho kapag naabutan tayo ng mga hoodlums na humahabol sa atin!”
“How?” tanong niya dahil sa pinaghalong kalituhan at takot sa maaaring mangyari sa kanila sa oras na iyon. Dagdagan pa na siya daw magdadala nang motor, eh, hindi naman niya alam kung paano siya makakalipat sa unahan dahil nasa harapan ang bodyguard niya at nakaposas ang kamay nila sa isa’t isa. Kung bakit pa kasi nito naisipang iposas ang kamay niya, eh, kaya hayon at pareho silang nahihirapan sa kanilang sitwasyon.
“Woah! Shit!” nagulat pa siya nang bigla na lamang tumayo ang dalaga at mabilis na napaharap ang katawan nito padikit sa katawan niya.
“Eyes on the road, you dammit!” sigaw pa nito sa tenga niya sabay paputok sa nakasunod sa likuran nila.
“You, shit! You’re little witch!” sigaw din niya nang bigla na lamang gumiwang ang motor na sinasakyan nila. Buti na lang at mabilis niyang nai-balanse iyon kahit na isang kamay lang niya ang nakahawak sa manibela.
Leche! Bakit ba kasi sobrang hirap ng sitwasyon nilang dalawa? Dinaig pa nila ang movie ni James Bond dahil sa sitwasyon nilang iyon. At sinong mag-aakalang magagawa niya ang bagay na ito? Dinaig pa nila ang pagsho-shooting ng pang-famas na maaksyong pelikula. Ang pinagkaiba nga lang, eh, pelikula naman iyon, scripted at walang may nangyaring masama sa mga bida. Hindi tulad nilang dalawa na isang pagkakamali lang ay tiyak niyang katapusan na nila pareho ng dalaga.
Oh, good, Lord! I don’t want to die!
“Bilisan mo!”
“Fine!” pasigaw niyang sagot sa dalaga kahit na nenerbyos pa siya sa pangyayari at mas lalo pang idiniin ang paghawak sa manibela. Sa isipan niya ay bahala na ang Diyos sa kanila kung gustohin man nitong kunin sila ay wala na siyang magagawa pa kahit na ayaw niya.
“FUCK YOU!” malakas na sigaw ni Aileen sa mga humahabol sa kanila at mahinang tumawa. Saka niya tinapik sa balikat ang binatang nagmamaneho sa kanilang sinasakyan na motor. Natamaan kasi niya ang dalawang motor na kanina pa sumusunod sa kanila kaya siya kanina napilitang dumaan sa mga pasikot-sikot na daan para di sila maabutan. Ngunit iyon ang akala niya nang muling lumitaw sa hulihan nila ang humahabol sa kanila at pinapuputukan sila.
Swerte lang nila dahil natamaan niya ang dalawang iyon kaya sigurado na siyang safe na silang dalawa ng boss niya.
“They’re gone,” may kalakasang wika niya sa tenga ng binata nang bigla na lamang siyang magulat nang tumama ang dibdib niya sa dibdib nito dahil sa biglaang pagpreno nito. “Ano bang ginagawa mo?”
“Ano ba ang tingin mong ginagawa ko? For God sakes, you scared me to death!” Malakas na sagot din nito na inilayo ang sarili sa kanya kaya napasigaw siya nang mahila ang kamay niyang nakaposas sa kamay nito. “At pwede ba na tanggalin mo ang letcheng posas na ito at lumayo ka sa akin?!”
“Wow! Grabe at ang sweet mo namang magpasalamat pagkatapos kong iligtas ang buhay mo, ha?” sarkastikong sagot niya sa binata saka pinilit na makababa sa motor. Napangiwi pa siya nang makaramdam ng kirot sa kanyang balikat na akala niya ay sanhi lamang nang pamamanhid niyon dahil sa mahirap nilang sitwasyon ng binata sa motor kanina.
“You’re not saving my life!”
“Ano?!” bulalas niya sa sinabi nito. At ito ang sasabihin nito pagkatapos niya itong iligtas? Great! Patuya siyang natawa dito at magsasalita pa sana siya nang magsalita muli ang binata.
“Oh, my God, you’re bleeding!” anitong nakatingin sa kanyang balikat kaya agad din siyang napatingin doon. At ganoon na lamang ang pamumutla niya nang makita ngang may dugo ang malaking parte ng damit niya mula sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
ActionNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...