Chapter 7

1.1K 26 2
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 7

"WHAT?!" mas lalong nainis ang binata ng marinig ang sinabi ng kaharap na babae. Kung pwede lang sana niyang itaboy ito paalis sa harapan ng kanyang pamamahay ay sana ginawa na niya. At ano ang ibig sabihin ng pagparoon ng babaeng ito sa pamamahay niya? "Dont tell me, you're my---"

"Yep! Bingo! You've got it, sir!" mabilis na agaw nito sa kanya.

"What?! No! It can't be!" protista niyang ipinilig pa ang ulo.

"But, I am..." insist naman nitong nakangisi pa sa kanya. "Ayaw mo ba akong maging bodyguard mo sir, Kuting?"

"Stop, that nonsense! You're---argh! No, way!"

"Good morning po, sir Noel. I'm Detective Arnel Balanza at your service, sir." Biglang salita naman ng isang lalaking nasa likuran ng dalaga. "And she's also Detective Aileen Balanza---my sister. She's the best detective all over the town of Region VI, sir. And she's here to be your private bodyguard while I'm not around. We're partner for this case that our superiors send us to be your personal army. Hanggang sa matapos ang kaso at mahuli ang nagtangkang pagpapatay sa inyo, sir," mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Siya?" turo niya sa dalagang nakangiti pa rin. "Magiging bodyguard ko? Oh, c'mon, wala na bang iba maliban sa babaeng 'yan?" reklamo niyang tinapunan ng masamang tingin ang dalaga.

"Excuse me, sir?" nagtatakang nagpalipat-lipat ng tingin ang binata sa kanilang dalawa ng babaeng---tila amazona! "What's wrong with her?"

"Naku kuya, huwag mo nalang pansinin si sir Kut--"

"Shut up!" putol niya sa dalagang bigla namang natigilan at napangiwi. "I don't like her to be my personal bodyguard. Give me an another one."

"But sir--"

"No more buts, Mr. Balanza. As what I've said, I dont like her to be my personal bodyguard. And my decision is final. Please come back tomorrow with my new bodyguard. Is that clear?" may pinalidad na wika niya.

"If  is that what you want sir, then we don't have a choice but to find someone new to be your personal bodyguard to protect you against those hudloms," ani na lamang nitong napabuntong hininga.

BIGLANG tumaas ang dugo ng dalaga sa sinabi ng kaharap na--sikat na singer umano na ubod ng suplado!

"Pero kuya!" protista niyang hinarap ang nakakatandang kapatid. "Ipinadala na ako dito ni ninong. There's no valid reason para tanggihan ng--Hudas na yan ang serbisyo ko!"

"What did you just say!?" biglang singit ng binatang singer na hinarap siya.

"Am I talking to you?" inis ding baling niya sa iritableng pagmumukha ng sikat na singer.

"Len-ay--"

"Len-ay? What the fucking name!" pang insultong muling agaw ng binatang singer na mas lalong nagpataas ng kumukulong dugo ng dalaga.

"Subukan mo muling sumabat sa usapin naming magkakapatid! At babaliin ko yang leeg mo! Letche!"galit niyang hinablot ang t-shirt ng binatang singer at pinanliitan ng mata at halos isaksak na niya ang kanyang mukha sa pagmumukha nito.

"Len-ay! What are you doing!?" biglang hila rin ng kanyang kuya sa kanyang braso palayo sa binatang magiging amo na sana nila.

"Kuya?! I told you--"

"Enough! Let's talk when we get home," matigas ang boses na sambit ng kanyang kuya. Nagrerebelde man ang kalooban ay sumunod na rin siya sa nakakatandang kapatid. Binalingan muna niya ang binatang singer na marahang napataas ng baba na tila ba nagtagumpay sa isang laban. Matalim niya itong tinapunan ng tingin bago tinalikuran at tinungo ang kotse ng kanyang kuya.

LIHIM na napangiti si Noel na sinundan ng tingin ang nagdadabog na dalaga. Napahalukipkip pa siyang nginusuan ito ng muli siya nitong tinapunan ng masamang tingin bago tuluyang pumasok sa kotse ng kapatid nito.

"So, why don't you want her to be your personal bodyguard Mr. Arnaiz?"

Napabalik ang kanyang pansin sa binatang kaharap. Bigla siyang natauhan sa tanong nito na tila ba nabuhusan ng malamig na tubig. Bakit nga ba niya ayaw sa dalaga? Well, dahil siguro sa nangyari sa kanila noon sa Iloilo. That witch broke his arm! Not only that, she also kicked him as if he was just a poor little kitten! At hindi pa nakuntinto! Pinagsisigawan pa nitong isa siyang magnanakaw!

"Mr. Arnaiz, are you with me?"

"Ha? Ah-yeah! Yeah.. Well.." naglinis muna siya ng bara ng lalamunan bago sinagot ito. "Ayoko sa kanya dahil... Well, dahil babae siya." ani na lamang niya dito.

"Pero sir, wala naman 'yan sa babae o sa lalaki ang kasarian ng magiging bodyguard mo. As what I've told you, isa siyang magaling na pulis sa probinsya ng Iloilo. Hindi siya ang binigay na personal bodyguard niyo dahil lamang sa ako ang makakapartner niya. The Superiors of Iloilo sent her to you cause she's very fit to be your personal bodyguard. We are profesionals when it come to our work and duty. Walang kapami-pamilya pag trabaho na ang pinag uusapan. She's here, cause she's good..." mahabang paliwanag nito sa kanya.

Ngunit naging bingi na siya at sarado na ang kanyang utak sa paliwanag nito. Buo na ang pasya niyang ayaw niya sa babaeng iyon! Ang babaeng umapak sa kanyang pagkalalaki. At kahit ano pang paliwanag ng kaharap na binata ay tudo tanggi pa rin siyang magiging bodyguard ang babaeng iyon! Hanggang sa ito na rin ang sumuko sa kakapaliwanag sa kanya at nagpaalam na lamang na aalis at babalik buka s na bukas din kasama ang bago nitong makakapartner sa pagbabantay sa kanya.

PABAGSAK na inilapag ni Aileen ang dalang backpack sa malambot na sofa ng kanyang kuya. Inis pa rin siyang tinungo ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Agad siyang lumagok sa isang bagong bukas na bottled mineral water na tila doon ibinuhos ang inis sa lalaking nagpapakulo sa kanyang dugo.

"Bwesit!" napamurang sambit niya ng may kalakasang isinara nito ang refrigerator. "Ang arte-arte ng lalaking 'yon! Sana habulin ka ng kaaway mo!" ani pa niyang tila kaharap lang ang kinaiiinisang binata.

Tinungo niya ang sala at inabot ang remote control ng flat panel na Sony television ng kanyang kuya at ini-on iyon. Tsaka siya pabagsak na naupo sa sofa katabi ang kanyang backpack.

Tila naman nananadya ang pagkakataon dahil mukha ng kinaiinisan niyang lalaki ang lumabas sa malaking screen ng flat panel tv ng kanyang kapatid. Kaya mas lalong kumulo ang kanina pang kumukulo niyang dugo.

"Hoy! Kuting, tandaan mo.. Kakailanganin mo rin ang serbisyo ko!" panduduro niya gamit ang remote control na nakatutok sa screen.

"Pwede ba Len-ay! Umayos ka nga!" saway ng kakapasok lang niyang kuya.

"Eh pano ako aayos kuya? Eh hindi rin naman umaayos ang lalaking yan! Akala mo kung sino kung tumanggi sa serbisyo ko. Aba! Dapat pa nga siyang magpasamamat dahil pinagbigyan ko ang kahilingan ni ninong! Baka hindi niya alam, na marami ang nangangailangan ng serbisyo ko sa probinsya!"

"Ano ba kasi ang problema niyo sa isa't isa? Kanina ko pa kayo nahahalatang nagbabangayang dalawa. Magkakilala ba kayong dalawa Len-ay?" anitong humarap sa kanya at iniharang ang makisig nitong katawan sa malaking television.

"Ewan ko sa lalaking 'yun kuya! Baka may sira ang ulo 'non."

"Len-ay!?" nakapamewang na sambit nito.

Napabuntong hininga na lamang siya at mapilitang ikwento dito ang kanilang pagkabanggaan ilang buwan na ang nakalipas.

"Kaya pala at tila gusto ka niyang ibaon ng buhay sa hukay ay dahil may hindi pala kayo pagkakaunawaan noon." napailing na sambit ng binata na mahinang napatawa. Kinuha na lamang nito ang cellphone mula sa bulsa nito at may idenial. "Tatawagan ko si Rowena. Yung manager ni Noel para ipaalam na ayaw sayo ng alaga niya bilang personal bodyguard nito." Lingon pa nito sa kanya bago siya tinalikuran.

Napaismid na lamang siyang napahalukipkip. At nang muling mapatuon sa malaking screen ng flat panel tv ng kanyang kuya ay nakita niya ang pagmumukha pa rin ng binatang singer na matamis ang ngiting nakapukos ang ang masayang aura ng mukha nito sa camera habang kumakanta. Napahawak tuloy siya ng mahigpit sa isang throw pillow at bahagyang sinuntok iyon. Iniimagine niyang pagmumukha iyon ng sikat na singer at kanyang sinusuntok para makabawi siya sa pagkakulo ng kanyang dugo dito.

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon