Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 10
PIGIL ang sariling mapahagalpak ng tawa si Aileen sa nakikitang reaksyon ng kinaiinisang singer. Kitang kita sa mukha nito ang pagtitimpi sa kanya na siyang ikinatutuwa niya.
"Yan, magalit ka pa! Akala mo kaya mo akong inisin ha! Manigas ka!" nang-iinis na wika niya sa sarili na may naglalarong pilyang ngiti sa kanyang labi.
Ilang sandali pa ay napilitang iabot ng binata ang cellphone nito sa kanya na mariing nakatikom ang mga labi. Napangisi namang inabot niya iyon at kinindatan pa ito na siyang mas lalong ikinainis nito sa kanya.
At bago pa sumabog ang tinitimpi nitong galit sa kanya ay tinalikuran na niya ito at napatingin sa hawak na cellphone. Pangiti ngiti pa siyang idinayal ang numero ng Kuya Arnel niya hanggang sa sagutin nito ang kanyang tawag.
Pagdaan ng ilang minutong pag uusap nila ng kuya niya ay ini-off na niya ang hiniram na cellphone. Tsaka siya humakbang pabalik sa dalawang lalaking nag uusap at nakangiting ibinalik ang cellphone ng ikinaiinisang singer.
"Maraming salamat, idol Leon," sumaludo pang pasasalamat niya sa binata. "Ang bait mo talaga, sana huwag ka munang kunin ni Lord," mahinang dagdag pa niya na sinadyang ang kinaiinisang singer lamang ang nakakarinig ng kanyang sinabi. At dahilan na rin nang pagtaas ng tingin ng binata sa kanyang mukha.
"Inuubos mo ba talaga ang pasinsya ko?" mariing tanong nito sa kanya na halos magdikit na ang dalawang kilay.
"Ha? Bakit? Hindi pa ba ubos ang stock s ng pasinsya mo?" balik tanong din ng dalaga.
TALAGANG nanggigil na sa sobrang inis si Noel sa kaharap na dalaga. Kung pwede lang sanang sakalin niya ito para magtanda ay sana ginawa na niya! Malas lang kasi at may kasamahan silang mga pulis sa paligid. Kung nagkakataon lang na dalawa lang sila ng amazonang 'to? Tiyak na sinakal na niya ito!
Himbis na patulan ang balik-tanong nito sa kanya ay minabuti na lamang niyang talikuran ito.
"Paano, sir. Sa presinto na lang tayo magkita?" kausap niya sa kaharap na si SPO3 Reyes.
"Sige, Mr. Arnaiz. Sumunod na lang kayo sa amin," tukoy nito sa Patrol na gamit ng mga ito. "Ikaw din, Detective Balanza. Sumunod ka na rin sa presinto para makuha ang testimonyal mo," baling nito sa babaeng mkhang Amazona para sa kanya.
Sumaludo naman ito at malawak ang ngiting kumindat pa sa kanya ng dumako ang tingin nito sa kanya. Paismid namang tinalikuran niya ito at tinungo ang sariling kotse.
MATAPOS maisakay ang dalawang suspek sa isang ambulansyang kakarating lang ay mabilis namang kumilos ang lahat. At tamang tama namang kakaalis lang ng minamanehong kotse ni Noel ng sunod sunod na nagsidatingan ang mga medya. Lihim siyang nagpapasalamat at hindi siya naabutan ng mga press na tila sabik na sabik na gawan siya ng intriga.
Ilang minuto ang ibinayahe ni Noel habang nakasunod sa Patrol kung saan nakasakay si SPO3 Reyes at narating din nila ang Balagtas Police Station. Hindi muna bumaba ang binata na hinayaang mauna ang kaka-Park lang na Big Bike ng kinaiinisan niyang Amazona.
Napabuga siya ng hangin habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw nito. Mula sa pagtanggal ng helmet nito at sa pasimpleng pag ayos nito sa buhok nitong bahagyang nawala sa tamang pagkakatali at sa pagbaba nito sa sakay nitong Big Bike.
Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa dalaga. Hanggang sa makababa na ito sa sinasakyan nitong Big Bike at humakbang papalapit sa kanyang kotse. Napakunot pa siya ng kanyang noo ng bahagya nitong kinatok ang salamin ng bintana ng kanyang kotse.
"What!?" pasinghal niyang tanong na ibinaba ang salaming bintana ng kanyang kotse.
"Dito ka na ba titira, idol Leon?"
"What!?" inis at ulit na tanong niya dito.
"Ay, bingi?"
"What the fuck!" mariiing sambit niya na mabilis na lumabas sa kanyang kotse. "Huwag mong ubusin ang pasinsya ko, kung ayaw mong pagsisihan mo ang gagawin ko sa 'yo!" nanggagalaiting banta niya na halos idikit na niya ang kanyang mukha sa nabiglang dalaga.
DAHIL sa pagkabigla ay hindi napigilang mapasinghap ni Aileen ng malanghap ang mainit at mabangong hininga ng nanggalaiti sa galit na binata. Hindi niya naiwasang napaawang ang kanyang labi na napatingin sa mata nito. Habang ang puso niya ay biglang bumilis naman ang tibok niyon. At ewan niya, kung bakit bumaba ang tingin niya mula sa mata ng binata, pababa sa ilong nito. At hindi pa nakuntentong napababa pa ng husto sa labi nitong mariing nakatikom.
At ang puso niya, bakit ganito na lang kabilis ang pintig ng puso niya? Dahil ba sa malapit na malapit ang mukha ng binata sa mukha niya? Na halos isang dangkal lamang ang layo ng labi nito sa labi niya? At dahil ba sa nalalanghap niya ang mainit at mabango nitong hininga?
Teka! At bakit titig na titig pa rin siya sa labi ng binata? Umaasa ba siyang hahalikan ng binata?
No!
Erase!
Erase!
Erase!
Mariin siyang napapikit at lihim na inalog alog ang kanyang utak! Naglalandi na yata siya dahil lamang sa nakakatakam na labi ng kaharap niyang Kuting?!
No!
Hindi naman talaga ito Kuting eh. Kung tutuusin, mahigit pa ito sa Kuting. At tama nga lang ang tawag niyang Leon dito. Dahil fit naman talaga dito ang Leon. Dahil feeling niya singlakas din naman talaga ito ng Leon. Kasi, ang kisig-kisig nito. Ang kisig tingnan ng mga muscles nitong nakabakat sa suot nitong shirt. At ang mga braso nito?
Wow!
Talo pa yata nito ang braso ng sikat na singer daw na si Enrique Iglesias na kamukha nito.
"Argh! Ang landi ko na! Ang landi ko! Umayos ka Len-ay! Umayos ka!" pagalit na saway niya sa sarili at napamulat ng mata. Ganun na lamang ang gulat niya at nagtaka ng husto nang salubongin siya ng nakakabaliw na ngiti ng kinaiinisan niyang singer.
At isa pang TEKA! Bakit ito nakangiti? Diba kanina lang ay galit ito? Na halos ay lapain siya nito dahil sa sobrang galit? Bakit nakangiti na ito ngayon? Baliw ba itong kaharap niya?
Oh, my God!
Anong nangyari?
"Nawala na yata ang tapang mo, ah? Kung makapikit ka, akala mo naman hahalikan kita. Don't tell me, may lihim ka na ring pagnanasa sa'kin?" nakangising wika ng kaharap niyang binata.
Ano daw?
Siya?
May lihim na pagnanasa sa ikinaiinisan niyang binata?
Haler!??
On his nightmare!!
Protistang sigaw ng utak niya.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
AksiNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...